"Okay ka lang ba, Xibel?"

Napaangat ang kaniyang tingin kay Jasia.

"You look troubled."

"I am fine. I will just get some air." Tumayo na siya.

Handa na siyang lumabas nang biglang tumunod ang cell phone ni Jasia. He shouldn't have cared but his pinky finger suddenly lit a lilac light. Tiningnan niya itong gumalaw at bumuo ng singsing sa kaniyang daliri.

Jasia was talking to his author.

"Hello, Isabella? Himala at napatawag ka yata?" Bakas sa boses nito ang gulat na para bang halos isa sa sampung taon lang ito mangyari.

Hindi niya marinig ang boses ng kausap nito pero kita niya naman ang ekspresyon ni Jasia.

"Hello?" Kumunot ang noo nito. "Ano? Wala ka sa bahay? Hello? Hindi ko marinig nang maayos boses mo."

Ilang saglit na nanahimik ang babae bago ulit nagsalita. "Hello, Isabella. I can't hear you. Are you still there? Hello--"

She wasn't able to finish when the phone beeped as end to the call. The ring on his finger also disappeared.

Tinitigan nito ang cell phone na puno ng pag-aalala.

"Xibel, puwede bang ikaw muna magpakain kay Imris? Tatawagan ko lang si Isabella." Nilingon siya nito.

Tumango siya bilang sagot at naglakad pabalik. Ginising niya muna si Imris bago kinuha ang bowl ng lugaw. Habang sinusubuan niya ito, pasimple niya ring sinusulyapan si Jasia na nasa gilid ng bintana. Pabalik-balik ang lakad nito habang ang cell phone ay nasa tainga.

The ring on his pinky finger didn't appear. The author had not pick up the call.

"Ano ba 'yan. Bakit out of reach?" May halong inis ang boses nito.

"Maybe she just went somewhere," he said, trying to calm her.

"Hindi naman 'yon lumalabas, e. Well, although I'm grateful kasi lumabas siya ngayon, nag-aalala lang ako kasi, ayon nga, hindi naman siya lumalabas. What if may mangyari sa kaniyang hindi maganda?" Agresibo itong tumitipa sa cell phone.

If something had happened to her, the ring on his finger would show up again and would turn red.

"Come on, Isabella. Pick up." Kahit mahina lang ang boses nito, rinig na rinig niya pa rin.

Nag-isip muna siya kung tutulong ba siya o hindi. He could locate his author if he wanted to, after all. It was one of the privilege between the character and their creator--to find each other the moment they stepped into the same dimension.

"Papa, is Mama okay?" nag-aalala na rin si Imris.

Kung gaano ka agresibo ang pagtipa nito kanina ay ganoon din kabigat ang mga yabag nito ngayon. Para itong higanteng nagdadabog sa kuwarto ni Imris.

Huminga siya nang malalim bago binalik ang bowl sa tray. Tumayo siya at nilingon si Jasia.

"Calm down, Jasia."

"How can I when she's not picking up?" Tumaas na ang boses nito pero kahit papaano ay nagawa niya itong patigilin sa pabalik-balik na lakad.

"Stay put." Naglakad siya papalapit sa babae. Napalunok siya nang halos dalawang metro na lang ang layo nila sa isa't isa.

Nagtaka rin si Jasia. "What are you doing?"

"Just don't move." Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili dahil nagsisimula nang manginig ang kaniyang mga kamay.

This would be quick. He whispered into his mind and put one of his hands up. He tapped her forehead with his index finger and uttered the spell as fast as he could as if he was chased by a wolf.

"Come thy power and connection. Allow this woman to middle with the bond. Show her the author of my words." After he said these words, he immediately moved away. Lakad-takbo siyang bumalik kay Imris.

"Para saan--" Hindi natapos ni Jasia ang sasabihin at bahagyang napaigtad. Nagpakita na sa isipan nito ang lokasyon ng kaniyang manunulat.

"W-What is this?" she asked with a hint of amazement.

"It's my author's location. Do you know where it is?"

She nodded.

"Then go fetch her." Muli na niyang ibinalik ang atensyon sa anak. Kinuha niya ulit ang bowl upang ipagpatuloy ang pagpapakain kay Imris.

Kumaripas naman ng takbo si Jasia papunta pinto. Bago ito lumabas, nilingon muna siya nito. "Thank you, Xibel!"

JASIA stormed out of the room and immediately went to her car. Kahit na namamangha pa siya sa ginawa ni Xibel ay sinawalang-bahala niya muna iyon at inuna munang alalahanin si Isabella. Nasa isang tindahan ito ngayon, tatlong kalye ang layo mula sa bahay ni Xibel.

Pinaharurot niya ang kotse papunta sa tindahan na iyon.

Pagkarating niya, kaagad niyang nakita ang babaeng nakasuot ng itim na hoodie at pants nakaupo sa upuan sa labas ng tindahan.

Lumabas siya sa kotse. "Isabella!"

Napalingon naman ito sa kaniya. Tinaas pa nito ang bangs na may kahabaan na upang maaninag siya nang maayos. "Oh, Jas? Paano mo 'ko nahanap? May tracker ka?"

"Oo. Mayroon." Patukoy niya kay Xibel. Pumamaywang siya sa harapan nito nang makalapit. "Masaya akong lumabas ka na rin sa wakas pero bakit ka nandito? And why aren't you answering my calls?"

"Sorry, biglang nag-shutdown phone ko. Hindi ko pala na-charge." Napakamot ito sa hood. "Lumabas lang ako saglit para sana bumili ng chichirya pero after kong bumili, 'di ko na alam saan ako napunta."

"Ayan kasi, 'di ka kasi lumalabas ng bahay." Hinila niya ang kamay nito at sabay silang naglakad papunta sa kaniyang sasakyan. "Ba't 'di ka na lang nagpa-deliver?"

"Balut gusto kong kainin."

Pumasok na sila sa loob. Sa backseat ito umupo.

Pinaandar na niya ang kotse at nagsimula nang magmaneho.

"Iuuwi mo na ako? Bili muna tayo ng balut. Hindi ako nakabili kanina," humihikab nitong sabi. Nakasuot ang dalawang kamay nito sa bulsa ng hood.

"Hindi pero sige, bili tayo."

"What do you mean 'hindi'? You're not taking me home?"

"No. Sama ka muna sa akin sa bahay ng asawa ko." Napangisi siya sa naisip. Isa itong pagkakataon para magkita ang dalawa. Kapag nangyari 'yon, madali na lang para sa kaniya na kumbinsihin si Isabella na sabihin kay Xibel ang nangyari kay Celestialiana.

"Ah. I read it through an article. It looks like you fooled the public successfully."

"I know, right?" Masasabi ni Jasia na tama ang desisyong ginawa niya dahil simula no'ng inanunsyo niyang may asawa at anak na siya, natahimik na rin ang website na panay ang pagkalat ng pekeng impormasyon. Siguro dahil ay sinakyan niya ito kaya kahit pa magsulat pa ng ganoong artikulo, hindi na magiging kaintri-intriga ito sa masa.

"I was just wondering, Jas."

"What?"

"The look on your husband's face on the photo . . ." Isabella trailed off. "Is that Xibel?"

"Correct! And he is the real Gregory August Xibel Thelonius!"

"What? Are you crazy?!"

Napapreno si Jasia dahil sa lakas ng sigaw ni Isabella. Sa tainga pa niya talaga ito humiyaw kaya parang nawala sandali ang kaniyang pandinig dahil sa matiis nitong boses.

"Ang sakit mo sa tainga." Hinilot niya ang kaniyang tainga.

Umupo naman ito katabi niya at kuwinelyuhan siya. Nanlilisik ang mga mata nitong tinitigan siya. "I'm not joking around. No'ng nakaraang araw ka pang ganiyan. Nahihibang ka na ba?"

Sinamaan niya rin ito ng tingin. Inalis niya ang kamay nitong nakahawak. "If you want to know the truth, then come with me at doon mo 'ko husgahan kung nahihibang nga ba talaga ako."

Natahimik naman Isabella. Naupo ito nang maayos at isinilid pabalik ang kamay sa bulsa ng hoodie.

"So? Anong desisyon mo?"

Sinuot nitong muli ang hood na bago sumagot. "Fine. Let's see that nonsense you keep talking about."

Virgin Villain (The Villain Series 2)Where stories live. Discover now