CHAPTER TWENTY-FOUR: FLUTTER

4 1 0
                                        




"Hoy! Gising!" 




Napabangon ako bigla sa higaan ko nang marinig ang mga boses ni Frain. I was having my nightmares once again and I really hate it when that happens. Maayos naman yung panaginip ko this past few days pero minsan bida lang talaga ito na lagi na lang sumusulpot sa akin. 




"Sorry." I immediately told Frain. 




"Bakit ka nag so-sorry?" takang tanong niya sa akin. "Nightmares are unpredictable kaya wala ka dapat ika-sorry."




"Force of habit." sagot ko naman sa kanya. 




Nang mahimasmasan na ako ay naupo na muna ako pansamantala sa kama. Napakunot naman yung mga noo ko sa pagkilos kilos ni Frain dito sa unit na akala mo ay naliligaw na bubuyog sa loob ng bahay nila. 




"Ginagawa mo?" biglang tanong ko sa kanya. 




"It is Sunday, remember? Gym session natin?" sagot niya naman sabay taas ng kanang kilay niya habang nagsasapatos. 




"Shit! Oo nga pala!" tanging nasabi ko na lang sa kanya. 




Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba agad kay Frain yung about sa amin ni Eidan o hindi na muna? Napagkasunduna kasi namin ni Eidan na manood ng movie sa cinema ngayon. Ilang araw na rin ang lumipas pagkatapos ko mag decide na ang ituloy ang relasyon naming naudlot. 




"Frain?" agad na sinimulan kong pagtawag sa kanya. 




"Hmm?" he immediately responded while still not looking at me.




"I think I can't go to the gym today." kinakabahang sabi ko kay Frain. 




Natigilan siya sa ginagawa niya at napatingin kung asan ako nakapwesto. Nung una halata mo na nag he-hesitate siya magsalita pero eventually kumibit balikat na lang ito. Atsaka ito nagsimulang salita after ilang minuto na tahimik. 

Simple GlimpseWhere stories live. Discover now