Kabanata Labing-dalawa

1.3K 35 0
                                    

"BATO, bato, pick!" Mabilis ang galaw ng kamay kong sinampal ang noo ni Acre, humiyaw siya dahil sa malakas na naging tunog nito.

"Aray! potangina, kanina ka pa." Reklamo niya kaya napangisi ako, napagdesisyonan naming maglaro nito dahil katatapos lang nilang maligo sa dagat.

Umusog ako at si Apollo na ang nasa harap ko ngayon, ngumisi siya sa akin na parang sinasabi na mananalo siya at masasampal niya ang noo ko.

"Bato, bato, pick!" Halos tumawa ako ng malakas, bato ang ginawa niya habang papel naman sa akin. Lumapit ako at mabilis na sinampal ang noo niya, ngumiwi ito at umirap dahil sa nangyari.

"Sige na panalo ka na," suko nilang lahat. Tumawa ako ng malakas bago inagaw sa kanila ang bote ng alak, natatawa naman ang ilang mga babae dahil sa naging resulta.

"You're cool," bati ni Kianna sa akin. Kapatid itong babae ni Apollo, ngumisi ako sa kanya tsaka inalok siya ng alak na napalanunan ko.

Hindi ko rin maimagine na natalo ko ang mga lalaking iyon, they all look like strong beasts. Pero mahihina naman sa bato-bato-pick!

Marami kaming pinag-usapan, nakilala ko rin ang mga asawa ng mga kuya nin Camila. Parehong mababait sina Zahava at Ella, buong akala ko nang una ko silang makita no'n sa kasal ay matataray, pero hindi naman pala.

"Everyone, let's have a toast for this eight time of spending christmas with you all." Pahayag ni Camdus, asawa iyan ng ate ni Mendoza. Ang gwapo rin, malaki ang katawan.

Pati ako na first time sumama ay kumuha rin ng wine, feeling close amputa ko! ngumiti ako kay Mendoza na kaharap ko ngayon. Tumaas ang sulok ng kanyang labi, naku! isa pa ang lalaking ito, hindi ko siya nakita no'ng kasal nila Camila at Zandro kaya wala akong ideya na kaibigan niya rin pala sila.

This man is really something, but. . . also weird.

Natapos ang pagkain ko kaya naman nang antokin ay mabilis akong bumalik ng hotel, umikot kasi bigla ang paningin ko. Dahil siguro sa mga nainom ko, nakapikit ako halos habang naglalakad sa pasilyo.

Lahat ng mga pinto ay pilit kong binubuksan pero lahat ay locked, halos maiyak ako. Gusto ko na talagang mahiga pero bakit locked ang mga kwarto ko!?

"What are you doing there?" Napatigil ako nang marinig ang pamilyar na boses, I look at where it all came from with my half opened eyes.

"Morttish, that's not your room." Aniya, ngumiti ako at binitiwan ang shoulder bag na dala. Masaya akong lumapit sa kanya, kilala ko ang lalaking ito!

"Hello, Tenzuos!" Masaya kong sabi, hindi ko man siya makita ay alam kong nakakunot ang noo niya sa akin.

"Fuck, you're drunk." Hinagit niya ang baywang ko, napatawa ako ng mahina dahil do'n.

Pakialam ng lalaking ito? I opened my eyes, it was blur.

"Bakit anlabo mo?! I want to see your face." Nakanguso kong sabi sa kanya, pinabilog ko rin ang mga kamay sa leeg niya.

I really want to do this with no idea, may bahagi rin sa akin na hindi ko ito gusto. Pero may nanaig na init sa katawan ko, I want someone's touch and warm.

"You are far from your room, tara na ihahatid kita do'n." Sabi niya at akmang hihilain ako, pero mabilis akong umilag at naglakad patungo kung saan hanggang sa nakapasok ako sa isang hindi nakalocked na unit.

Napasubsob pa ako sa harap ng pinto, hindi ko kasi inasahan na hindi pala locked ito.

"Fuck, woman! careful!" Rinig ko ang galit na boses ni Mendoza, nakahiga ako sa harapan ng pinto; ang kalahati naman ng katawan ko ay nasa loob ng silid.

Burning in Diamonds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon