First Anniversary Gift: Bonus Scenes

Start from the beginning
                                    

Bigla siyang may kinuha mula sa bag niyang nakalagay sa gilid, at ito pala ay isang pack of wipes. Inabot niya 'to sa 'kin at ito ang ginamit ko para dahan-dahan na punasan ang mukha niya.

Nang matapos ko punasan ang mukha niya ay dahan-dahan ko naman inayos ang medyo nabasa din niyang mga buhok at napapangiti pa siya, nagmukha siyang bata ngayon na inaayosan.

"Ayan ayos ka na, siguro naman hindi na masama ang loob mo sa 'kin..." sabi ko sa kanya, pero hindi pa rin niya ako sinasagot at kalmadong nakatingin lang siya sa 'kin.


HAKU MONTERIVER

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HAKU MONTERIVER

IT'S getting midnight. Some people here in City Field starting to leave because the Music Festival is almost done. Because of this unti-unti nang lumuluwag ang City Field, pero napakaraming tao pa rin ang sabay-sabay na nagsilakad kaya halos nagkabanggaan na.

But I stayed here on the center and kept protecting Tian against from people that walking past by. Wala pa rin siyang malay at masarap ang tulog sa mga braso ko.

"Time check, it's already 12 AM in the midnight! Maraming salamat sa muling pagsama niyo sa 'min! Ipagpatuloy niyo ang pagmamahal sa sarili nating musika! Hanggang sa susunod na Music Festival! Mahal namin kayo!" Rinig kong sigaw ng mga host kaya naghiyawan na rin ang mga tao dito habang pumapalakpak.

Habang lumilingon ako sa paligid ay may napapansin akong kanina pa nakatingin sa amin. Parang nasa itaas ito, kaya dahan-dahan akong nag-angat ng tingin itaas at nakita kong isa itong camera drone at mukhang kanina pa kami kinukuhanan ng pictures ni Tian.

Nanatili lang akong kalmado habang nakatingin sa camera at hindi ko ito binibigyan ng pansin. Wala ng masyadong tao ang dumadaan sa pwesto namin kaya dahan-dahan ko na sinimulan ang paghakbang para makaalis dito.


Naging maingat ako sa paglakad dahil hawak-hawak ko si Tian, kailangan ko siyang alalayan and I want him to be safe. Pero habang tumatagal ay nahihirapan na ako dahil pariho kaming nababangga ng mga tao at parang magkakamalay na nga siya.

"Ako na nahihirapan dito, kailangan ko mag-isip ng paraan—" natigilan ako nang agad akong may naisip na mas magandang gagawin.

Huminto ako sa paglakad at mas hinigpitan ang pagkahawak kay Tian at dahan-dahan ko siyang binuhat ngayon. Ngayon na buhat-buhat na siya ng mga braso ko ay hindi na ako mahihirapan dahil ako nalang ang maglalakad para makalayo dito habang nagpapahinga siya sa mga braso ko.

Habang naglalakad ay sinusubukan ko namang tignan si Tian at mukhang nagkakaroon na siya ng malay, unti-unting nagmulat ang mga mata niya. "T-Tol ang gwapo mo naman Tol..." parang wala siya sa sarili habang sinabi 'yon, sa sobrang kalasingan niya hindi na niya alam ang mga nangyayari sa paligid, siguradong hindi rin niya alam na buhat-buhat ko siya.

Muling nagsara ang mga mata niya at malakas pang humilik. "Sleep tight, my sunshine." Dahan-dahan akong napangiti habang tinitignan siya.


Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now