Chapter 16

991 41 1
                                    


TIAN MARTELL

MAG-ISA akong nakahiga sa kama, gusto ko na sana matulog pero maraming gumugulo sa isip ko kaya kanina pa ako nakatingin sa itaas at halos matulala na. Napabuntong hininga ako. "Ano ba 'to, bakit pinoproblema ko pa sila..." napahawak nalang ako sa ulo dahil kahit anong pilit ko ay talagang bumabalik sa isip ko ang tungkol sa kanila Sky at Art.

Naririnig ko pa sa isip ko ang mga pinag-usapan namin ni Sky kaninang hapon sa Enchanted Park. Nakita ko siyang mag-isang nakaupo sa bench at mukhang malayo ang iniisip, kaya dahan-dahan ako tumabi sa kanya.

"A-Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya at nilingon niya ako. "Mukha ba akong ayos?" Pabalik niyang tanong habang bakas ang lungkot sa mukha niya.

Oo nga pala, siraulo ko talaga. Bakit ko pa siya tinanong eh obvious namang hindi siya okay dahil sa nangyari kanina. Inalis ko ang tingin sa kanya at ganon din siya. Muli ako naglakas-loob na magsalita. "Mukhang may pinagdaanan si Art. At handa akong tumulong dahil concern lang ako." Pag-alalang wika ko.

Agad niya akong nilingon na nagsasalubong ang mga kilay. "Bakit mo alam? Taika, pinakikinggan mo ba kami kanina?" Nagsimula na akong kabahan dahil parang galit na siya.

Diputa, lagi nalang akong wrong move. Pero ayaw ko magsinungaling kaya dahan-dahan ako tumango. "O-O, pero hindi ko sinadya...'yon na kasi ang naabutan ko pagpunta ko do'n, pasensya na..." natataranta akong nagpaliwanag.

Dahan-dahan siyang tumayo habang nakatingin pa rin sa 'kin. "Huwag mo na kami paki-alaman at mag focus ka nalang sa pag practice ng guitar. May isesend akong video mamayang gabi, i-practice mo 'yon, at hindi kita masasamahan." Seryosong tugon niya at nagmamadali siyang umalis.

Naiwan ako ditong nag o-overthink pa rin kung ano nga ba ang meron sa kanilang dalawa ni Art? At kung anong pinagdadaanan ni Art, dahil alam kong hindi siya okay. Gusto ko makatulong dahil parang siya 'yong tinutukoy ni Sky na naging fan ko. At kahit ganito lang ako gusto ko pa rin makatulong sa mga fans ko.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol kay Art. Sa narinig ko kasi walang problema sa kanila ni Sky, sa personal life niya ang meron. Kaya sana matulongan ko siya kahit hindi pa kami nag-uusap. Siguro pasalamat ko na rin kay Sky sa pagturo niya sa 'kin ng guitar. Kapag bumuti na si Art maging maayos na rin ang pagkakaibigan nila.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko, pero biglang tumunog ang cellphone na nasa tabi ng unan ko kaya kinuha ko ito. Pagkakita kong nag message sa 'kin si Sky sa Instagram ay dali-dali akong bumangon.

   INSTAGRAM
skywillsing_
practice mo yan

Pagkabasa ko sa message niya ay agad kong tinignan ang video na sinend niya at nanlaki ang mga mata ko. "10 minutes?! Diputa ang tamad ko na nga mag practice ng guitar, tapos ganito pa kahaba ang i-practice ko ngayong gabi..." nagdadabog na ako sa kama.

Gusto ko sana magreklamo pero baka magalit naman kaya hindi nalang ako nagreply. Pero iba ang naisip kong gawin. Total alam ko na ang Instagram niya ay inistalk ko siya. Napanganga ako nang makitang kadalasan sa post niya ay pictures nila together ni Art.

Naka-pinned pa ang picture nilang dalawa na abot tenga ang mga ngiti at may kanya-kanyang hawak na trophy. Halatang mga matatalino at talented sila.

Napangiti ako nang makita ang nag-iisang highlight sa account niya na may title na "me and art", agad ko itong tinignan at lalo akong napangiti nang ang dami nilang pictures and videos dito. "Ang sasaya pa nila sa mga araw na 'to." Wika ko.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt