Chapter 30

867 29 2
                                    


HAKU MONTERIVER

HABANG walang tigil sa pag-iyak si Tian ay pinipilit kong lumapit sa kanya pero lumalayo lang siya. Kaya nanatili nalang ako sa kinatatayoan ko at kinakausap siya dahil nagbabakasakali akong maging okay ang lahat sa amin.

"Tian, huwag mo na pahirapan pa ang sarili mo. Huwag mo na pigilan ang nararamdaman mo. Kung nahuhulog na ang loob mo sa akin, and it's okay, nothing wrong with that. Pariho lang naman tayo ng ibang tao dyan, nagmamahal." Dahan-dahan kong hinawakan ang dibdib niya. "Kahit ngayon lang, piliin mo maging malaya sa pagpili ng kung anong nilalaman sa puso mo." Naging mahinahon ako sa pagsabi ng mga salitang 'yon.

Mabilis niyang inalis ang kamay ko. "Tol, tigil-tigilan mo na ako! Madali lang sa 'yo sabihin 'yan, pero para sa akin hindi! Dahil ang mahalaga sa akin ang reputation ko! Matagal kong binuo ulit ang pangalan ko, tapos dumating ka lang nasira na!" Nanlilisik ngayon ang mga mata niya sa 'kin.


Natigilan siya at mukhang napa-isip. "Wait, siguro ikaw ang nasa likod nito 'no?! Siguro ikaw ang may pakana nito?!" Inilapit niya sa akin ang mukha niyang nangangalit. "Siguro may inutosan kang tao para ikalat ang mga pictures na 'yon! Tama ako ano?! Umamin ka na!!" Sinisigawan na niya ako kahit ang lapit-lapit lang niya sa 'kin.

Napailing-iling ako ng ulo dahil hindi ko ginawa ang pinagbintang niya. "Tian hindi ako, maniwala ka sa 'kin...maging ako wala din akong alam tungkol dito..." pagpaliwanag ko pero mukhang ayaw niya akong paniwalaan.

Inilapit niya sa mukha ko ang kamao niya na parang gusto niya ako suntokin. "Ngayon alam ko na kung bakit gustong-gusto mo mapalapit sa akin, dahil gusto mong sirain ang buhay ko! Alam mo bang ang sakit-sakit ng mga sinasabi nila sa 'kin...sensitive akong tao Haku...napakabilis ko masaktan kahit isang batikos lang 'yan..." kahit galit na galit siya hindi niya maikubli sa 'kin na nasasaktan siya.

"Huwag mo silang pakinggan, hindi nila hawak ang buhay at ang puso mo..." lumapit pa rin ako sa kanya para sakaling mabago ko ang pananaw niya, pero itinulak lang niya ako ulit. "Lubayan mo na ako! Umalis ka naaa!!" Sigaw niya sa akin.


Hindi ako nakinig sa kanya, nanatili lang ako dito at hinahayaan ko muna siyang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman. I badly want to get closer to him and be his shoulder to cry on, but for now the only thing I can do is to watch him crying.

Nang unti-unti na siyang tumitigil sa paghagulhol at mahinang pagtatangis nalang ang naririnig ko sa kanya ay muli kong sinubukan magsalita. "Hindi ko na hihilingin pang patawarin mo ako. Pero please, hayaan mo akong i-uwi ka sa inyo." Mahinahon kong sabi pero hindi niya ako sinasagot.

"Kapag naihatid na kita sa inyo, pwede na akong umalis. Pwede na akong bumalik sa amin." Pinipigilan ko ang sarili na maging emotional dahil ayaw kong umiyak sa harapan niya. "Alam kong masasaktan ka lang kapag nakikita mo ako. Ayaw ko no'n. Ayaw kitang masaktan. Kaya aalis nalang ako." 

After ko sabihin 'yon ay dahan-dahan niya akong nilingon at wala na masyadong luha ang pumapatak sa mga mata niya, walang salitang lumabas sa bibig niya pero nauna na siyang lumakad papunta sa kotse ko. Sumunod ako at nagmaniho na para makaalis na dito. Sobrang tahimik namin sa loob ng kotse at hindi makapag salita.


Pagkarating namin sa bahay niya ay nakaakbay ako sa likod niya para maalalayan siya dahil medyo nahihilo pa rin siya. Mukhang masarap na ang tulog nila Blue at Vincent sa harap ng lamisa kaya hindi nila namalayan ang pagdating namin, nakatulog siguro sila sa kakahintay.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें