Ang Unang Bahagi

14 0 0
                                    

"Ama? Paano kung darating ang araw na makakalimutan kita? Ang iyong mukha, ang iyong ngalan, ang iyong mga paboritong pagkain, lugar, at iba pa. Ano ang iyong gagawin?" Wala sa isip kong natanong sa aking ama na siyang ikinagulat niya.Nasa ilalim kami ngayong ng isang malaking puno acasia habang tanaw namin ang napakalawak na lupain. Sa dakong kaliwa ay makikita mo ang ilang mga pananim na niyog, mangga at iba pa . May mga hayop din na kanya kanyang naghahanap ng damo na makakain. Hindi masyadong mainit, at masarap din ang simoy ng hangin na siguradong makakatulog ka agad nang di mo namamalayan.

Katatapos lang namin mananghalian nang napagpasyahan namin na pumunta dito upang magpahinga at lumanghap na din ng sariwang hangin. "Saan mo naman nakuha ang tanong na iyan, anak?" Nagtatakang tugon niya at kumuha ng isang saging upang kainin.
"Haha, ewan ko, ama. Sumagi lang din sa isip ko. Siguro din po dahil sa napanuod kong dula kahapon sa theatro". Sagot ko at kumuha na rin akong saging at kumain.

"Kung sakali man darating ang araw na iyan, hinding hindi ako mapapagod na ipaalala sa iyo kung sino ako. " saad niya sabay kuha ng isang basong tubig.
"Ganyan din kaya ang sasabihin sa akin ng lalakeng magmamahal sa akin, ama? Alam mo, 'yung dula na napanood ko kahapon ay labis na nagpasakit at nagpaluha sa'kin. May sakit ang binibini sa storya. Unti-unti nyang nakakalimutan ang lahat ng nasa paligid niya. Simula sa mga maliliit na bagay, mga mahalagang okasyon hanggang sa mga importanteng tao sa buhay niya. Ang kanyang sinta na labis siyang mahal ay nangako na hinding.hindi siya lilisan at ipaala-ala sa kanya araw-araw kung sino siya. Ngunit alam mo, ama? Unti-unting napagod ang lalake at isang araw ay hindi na siya muling nakita pa ng binibini." Kwento ko sa kanya.

"Oh tapos? Ba't ka.huminto?". Pagtataka niyang tanong sa akin at tumigil din sya sa kanyang pagnguya. "Ahhh, hindi ko na kasi natapos eh. Kailangan na kasing umuwi agad ni Salome dahil ang paalam niya sa kanila ay hanggang ika limang hapon lang siya." Si Salome ay aking kababata at matalik na kaibigan. Magkasing edad lang din kami at mas matangkad at maganda nga lang ako.

'O at paano mo naman nasabi na masakit ang sinapit nilang magkasintahan?' Tanong niya na nakataas pa ang isang kilay habang ang ang kanyang kanang kamay na may baso ay nasa ere malapit sa kaniyang baba.

"Hula ko lang po. " Ngisi ko. "Hays. Ikaw talagang bata ka. O siya! Halika na at tayo'y bumalik na sa ating tahanan." Tumayo na sya at isa isang pinulot ang mga kagamitan.

"Mauna na ho kayo, ama. Maganda ang panahon ngayon at masarap mag muni muni muna." Nakangiti kong sabi sabay pagpag sa damo atsaka humiga. Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa aking ulo at pinikit ang aking mga mata.

"O siya! Ikaw ang bahala. Basta ba dapat ay makauwi ka na bago mag alas sais ng hapon. Alam mo naman delikado madatnan ng gabi sa daan lalo na't babae ka. " tugon niya.

"Opo, ama." sagot ko at tuluyan na siyang tumalikod at humakbang papalayo.

***

Naalimpungatan ako ng may naramdaman akong dahon sa aking mukha. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at medyo malabo pa ang aking paningin. Noong una ineenjoy ko pa yung dahon na unti unting nahuhulog nang biglang unti unting imahe ng tao na ang aking naaninag. Mukha ng lalake na palapit ng palapit sa aking mukha.

"Araay!!" sigaw naming dalawa. Sa gulat ko ay bigla akong napabangon at nauntog ang ulo noo ko sa noo niya. Napaupo sya sa lupa habang nakakunot ang kanyang kilay at hawak-hawak ang kanyang noo.

"Sino ka? At anong balak mong gawin sa akin ha!!" sigaw ko sa kanya.

"T-teka lang! wala akong balak na masama sa iyo, binibini." Paliwanag niya. Tumayo siya at pinagpagan ang kanyang damit at isunuot ang kanyang sombrero. At ako naman ay tumayo narin at lumayo ng kaunti sa kanya habang ang aking dalawang kamay ay naka ekis sa aking dibdib na para bang pinoprotektahan ko ang aking sarili mula sa estrangherong lalaki.

Su Nombre ( Ang Pangalan Mo)Where stories live. Discover now