"Papa!"

Napunta ang atensyon niya sa pinto nang may kumatok. Nakabalik na sila galing sa paaralan.

Mabilis niyang tinapon ang sigarilyo sa bintana bago binuksan ang pinto gamit ang mahika. Sinalubong naman kaagad siya ng tumatakbong Imris. Tumalon ito sa kaniyang kama bago siya binigyan ng isang mahigpit na yakap.

"How's school?"

"Imris got a star again!" Pinakita nito ang nakakuyom na kamao. May guhit na bituin ang nakaungkat doon. At first, he didn't understand what the stars were for but seeing how happy Imris looked, it may be a form of reward for kids in this dimension.

"Good. It seems you're doing really well." He patted Imris head.

Ngumiti naman ito. Her cheeks that used to be so famished looked healthier now. "Yes! We're going to see Mama perform now. Do you want to come, Papa?"

Natigilan naman siya. Iniwas niya ang tingin at tumikhim. "Well . . ."

"Well what?" Pinilig nito ang ulo, pilit na sinasalubong ang kaniyang tingin. "Do you want to come, Papa? Do you want to see Mama dance?"

"It's not like that. It's just--"

"You want to see Mama dance!" Tinuro nito ang kaniyang mukha. Lumakas ang boses nito kaya agad niyang tinakpan ang bibig dahil baka marinig sila sa baba.

"I don't. Don't say that again."

But Imris just giggled and removed his hand. "You want to see Mama dance. I'm going to tell Mama!"

"What? No!" Namilog ang kaniyang mga mata nang tumalon pababa si Imris at tumakbo palabas.

"Imris!" Ramdam niya ang sakit sa kaniyang lalamunan dahil sa lakas ng kaniyang pagsigaw. Sa ilang taon niyang namumuhay, iyon na yata ang pinakamalakas na tunog niyang nilikha.

Pero hindi man lang natakot ang bata at isang tawa lang ang sinagot nito.

Tumakbo rin siya palabas ng kuwarto. Tiningnan niya mula sa railing ang pababa na si Imris at gagamitin na sana ang mahika para lumipad subalit huli na dahil nakarating na ang bata kay Jasia.

Napairap siya dahil sa bilis nitong kumilos.

"Mama, Papa said he wants to see you dance."

Muli ulit siyang napairap nang magsumbong na nga.

Oh, heavens and curses. This is consuming my energy. I want to go back to my Personal Setting.

"Really?" Inangat naman nito ang tingin sa kaniya. Kaagad siyang napaiwas dahil ayaw niyang titigan ang mga mata nito. Masiyadong maamo, kagayang-kagaya kay Imris. Pakiramdam niya'y kapag tititigan niya ito ay mapapasunod siya sa kung ano mang hihilingin ng babae.

"So you'll be coming?" The excitement was vibrating all over her voice.

He glanced at her which he immediately regret because Imris was also looking at him with those hopeful eyes. Like it was telling him he had no choice but accept it.

He sighed. "I guess so."

Kaagad na nasundan ng pagdidiwang mula sa baba pagkatapos niyang binitiwan ang mga katagang iyon. Napasapo na lang siya sa kaniyang noo.

He was still busy ranting inside his head when the next thing he knew, he was already at Jasia's car, sitting beside Imris.

"Papa, I'm so excited!" bulong ni Imris sa kaniya.

"And I'm drained," sagot niya pabalik. He snapped his hand in order to cover his head with a cloak. He then closed his eyes and leaned back. "I'll sleep for a while. Tell me if we have arrived."

Virgin Villain (The Villain Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon