Chapter 50: When tables are turned

Start from the beginning
                                    

Paulit-ulit kong hinihilig at iniiling ang ulo ko habang ang kaliwa kong kamay ay pilit kong hinahampas sa kanya.

"Hindi na kita dapat binigyan ng pangalawang—" Biglang nanlaki ang mga mata ni Tatang at kasunod nito ay ang biglang pag-agos ng dugo pababa ng mukha niya. Sa isang iglap ay bigla na lamang siyang bumagsak sa mismong tabi ko.

Wait, what the hell just happened?

Nagulat ako nang bigla na lamang may humampas kay Tatang ng paulit-ulit gamit ang isang makapal na kahoy hanggang sa tuluyan itong mawalan ng malay.

"P-ponzi?" Hindi ako halos makapagsalita sa sobrang gulat.

"Ayos ka lang ba?" Natatarantang sambit ni Ponzi at agad akong tinulungang makatayo. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi kaya hindi ko na napigilan pang maiyak at mapayakap sa kanya ng mahigpit.

"A-andito ka.. Andito ka.." Naiinis ako sa sarili ko, hindi ko mapigilan ang sarili kong luha. Ni hindi ako makapagsalita ng maayos sa sobrang paghagulgol. Nanginginig parin ang mga kamay ko at parang sasabog parin ang puso ko sa sobrang takot.

"I told you, I'll never lose you again." Aniya at niyakap ako pabalik, "Tapos na Serenity, tapos na... Uuwi na tayo at hinding-hindi ka na nila masasaktan pa." Paulit-ulit na sambit ni Ponzi at hinalikan ako sa noo.

"Tara na, ang mga pulis na ang bahala sa kanya." Giit ni Ponzi at hinawakan ang kamay ko dahilan para mapasunod na lamang ako sa kanya.

Panay parin ang pagbuhos ng luha ko habang kapwa kami naglalakad palayo. Andito na si Ponzi, kasama ko na siya pero hindi ko parin mapigilan ang sarili kong lumingon sa kwarto kung saan naroroon ang walang malay na sina Kerry at Tatang.

"I'm sorry Ponzi. I can't let this end like this." Giit ko at winakli na lamang ang kamay niya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya pero bago pa man siya makapagsalita, dali-dali akong nagtatakbo pabalik sa kwarto.

Hinabol ako ni Ponzi kaya naman dali-dali kong sinara ang pinto para wag na niya akong mapigilan pa.

"Serenity! Serenity lumabas ka diyan! Anong gagawin mo?!" Nagsisisigaw si Ponzi habang kinakalampag ang bintanang gawa sa salamin.

"I'm sorry." Umiiyak kong sambit at ibinaba na lamang ang blinds ng bintana. Ayokong makita niya ang kinahinatnan ko.

***

Pilit akong nagbingi-bingihan sa mga sigaw at kamay na kumakalampag sa pinto at bintana. Alam kong sa puntong 'toy hindi lang si Ponzi ang gustong pumasok kundi pati narin ang mga pulis. Nakikita ko ang lahat ng nangyayari sa labas sa pamamagitan ng CCTV feeds na pumapasok sa cellphone.

"Pagbabayaran mo 'to Serenity..."

Napangisi ako nang tuluyan nang nagising si Tatang na ngayo'y itinali ko na ng mahigpit sa upuan. Para masiguradong hinding-hindi siya makakatakas, pinako ko lang naman ang mga paa niya sa mahabang kahoy na ipinalo sa kanya ni Ponzi kanina.

"Mali ka tatang, ako na ngayon ang maniningil sa lahat ng mga kasalanan mo." Pagmamalaki ko saka ngumisi sa kanya. Kahit nakangisi ako, patuloy parin sa pag-agos ang luha ko kahit na anong pagpigil ang gawin ko dito.

Never Cry MurderWhere stories live. Discover now