Hmp!

Napayuko na lang ako sa hiya. Hindi naman nila kailangang magsalita ng mga ganito, 'yong mga papuri kasi nila ay iba, ang oa na.

"What rule you are talking about?"

"Ang kamatayang parusa na ipinapatupad dito sa Hell University ay magiging mabisa lang kapag pinahintulutan ng SSG President, tanging si Supremo lang, walang kapangyarihan ang kahit na sino, kahit ang pinakamataas na pinuno ng HU ang magpataw ng parusang ito."

Mautak talaga si Supremo. Siya ang gumawa ng parusang 'yon, sya lang ang maaring magpataw, sya lang ang maaring bumuwag, siya lang, tanging si Ace Craige lang.

"G-Ganon?" Gulat na tanong ni Vanessa. Tumango na lang ako bilang sagot. "Waaah!" Napahiga ako sa sahig nang biglang yumakap sa akin si Vanessa.

"Idol talaga kita!" Sigaw niya.

Natawa na lang ako. Masaya ako na nailigtas ko si Vanessa sa bingit ng kamatayan, kung may nangyari lang talagang masama sa kanya ay hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili. I promised to protect them, if it cost my life.

"Oo nga pala, hindi na problema ang mga grade natin! Si Sir Alvarez na ang bahala, kinausap ko na sya!" Masaya kong sambit.

Inaasahan ko na magsisisigawan sila, magtatalon sila sa tuwa but silence just ate them. Anong nangyari? Bakit ganon ang reaksyon nila?

Nabigla ako nang bigla akong niyakap ni Mia na umiiyak. Hindi ako nakagalaw sa pagkabigla. Si Mia, hindi sya basta-basta nanyayakap. Hindi sya basta-basta umiiyak sa walang kwentang bagay pero ngayon ay lumuluha na sya. Anong nangyari?

"Bakit, Zein?! Bakit ka naglihim sa amin?"Tanong nya pagkaalis nya sa pagkakayakap sa akin.

"A-anong sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko.

Hindi ko maintindihan ang inaakto nila. Anong sinasabi nyang lihim?

"Alam na naming alam mo na ang sikreto ng HU. Hindi ka na makakaalis dito." Sambit ni Matt na animo'y galit.

Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Nalaman na pala nila 'yon. Sinong nagsabi? Shit!

"Bakit Zein?! Tinutulungan mo kami, laging ikaw ang nagliligtas sa amin. Bakit hindi mo naiisip ang sarili mo? Paano ka? Paano kung makalaya kami at maiwan ka?! Paano Zein?!"sigaw ni Mia.

Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang luha ko.

"I will protect you! Gagawin ko ang lahat para makalabas kayo rito sa impyernong ito!"

"Damn! How about you Zein?!" Inis na tanong ni Matt.

"What about me? What? Wala akong pakialam sa aking sarili! Tanggap ko na, dito ako mamatay! Hindi na nila ako papakawalan! Alam ko na ang pinaka-iniingatang sikreto ng HU! How about you guys? Wala kayong alam at hinding-hindi ko sasabahin sa inyo!"

"Dr. Quizon." Natigilan ako sa sinabi ni Dave.

"Sikretong sangkap. Isang formula na kayang bumuhay sa patay." Dugtong ni Jerome.

"Nasa paligid lang natin ang may hawak ng nawawalang sangkap." Ani Vanessa.

Hindi na ako nakapagsalita sa gulat.

"Iyon ang iniingatang sikreto ng HU." Sambit ni Mia na nagpupunas ng luha.

Sumikip ang aking dibdib nang mapagtanto na alam na nila. Alam na nila ang pinakainiingat-inagatang sikreto ng Hell University. Isa lang ang ibig sabihin nito. Sabay-sabay na kaming makukulong sa impyernong ito. Walang ni isa ang makakalabas sa amin.

"Ngayon, Zein. Sabay-sabay na tayong mamamatay sa lugar na ito. Hinding-hindi ka naming iiwanang mag-isa. Mamamatay tayo ng sama-sama."

Hell UniversityWhere stories live. Discover now