Chapter 49: Havoc and Farewell

Beginne am Anfang
                                    

Tumawa lamang si Dexter at tuluyang lumapit sa kanila. Hindi magawang kumilos ni Dustin lalo pa't nakatutok na mismo sa kanya ang baril.

May napansin si Dustin na mga taong nakatayo sa hagdan na animo'y pinapanood sila kaya naman dumako ang paningin niya rito. Agad siyang napangiti nang mapagtanto kung sinu-sino ang mga ito—Sina  Tammy, Ford, Calix, Quinn, Milky, Jerome, Tyler, Tessa at Ecleo. Walang kaemo-emosyon ang mga ito habang nakatingin sa kanya na para bang sinusundo na siya.

"Hindi mo maaagaw mula sakin ang matagal ko nang pinaghirapan Dustin." Giit ni Dexter at ipinatong ang kanyang daliri sa gatilyo kaya napapikit na lamang si Dustin at napangisi habang nakataas ang noo na animo'y walang takot sa kamatayang kahahantungan.

Makaraan ang ilang sandali ay narinig ni Dustin ang isang malakas na kalabog at nang idinilat niya ang kanyang mga mata ay laking gulat niya nang makitang nakabulagta na sa sahig si Dexter at ngayo'y wala ng malay.

Iniangat ni Dustin ang kanyang tingin at nakita niya si Ponzi na nanlilisik ang mga mata at nangingnig ang mga kamay habang hawak ang isang makapal na kahoy na ngayo'y may bahid na ng dugo ni Dexter.

"Nasaan si Sisa?!" Bulalas ni Ponzi.

"Nasa taas!" Giit ni Dustin ngunit imbes na magtatakbo paakyat ng hagdan ay gulat na napatingin si Ponzi sa duguan at hinang-hina nang si Jojo.

"Anong nangyari?" Naguguluhang sambit ni Ponzi.

"Ako na ang bahala dito, hanapin mo na si Sisa." Giit ni Dustin kaya naman agad na nagtatakbo si Ponzi paakyat.

Muling ibinalik ni Dustin ang tingin sa naghihingalo nang si Jojo. Hinila niya ang braso nito at ipinatong sa balikat niya, aalalayan niya sana ito pababa ng hagdan ngunit sadyang wala ng lakas pa si Jojo para tumayo.

"Pre..." Mahinang sambit ni Jojo na lumuluha parin, "P-re 'wag mong hayaang makita ng mama ko ang mga porn collection na nasa ilalim ng kama ko." Pakiusap nito gamit ang natitirang lakas.

"'Wag kang maarte, hindi ka mamamatay." Walang emosyong sambit ni Dustin at muli itong sinubukang akayin.

"H-hindi dapat malaman ni Mama ang hirap na dinanas ko dito.... 'wag mong sasabihin... " Giit ni Jojo kahit pa wala na halos lumalabas na boses mula sa bibig niya.

"Putangina! Manahimik ka! Nakarating si Ponzi dito ibig sabihin paparating na ang mga pulis at ambulansya!" Giit ni Dustin na nagsisimula nang maluha.

Mistulang naubusan na ng lakas si Jojo kaya unti-unti na lamang siyang napangisi at napapikit.

"Jojo?" Mahinang sambit ni Dustin ngunit hindi na gumalaw o nagsalita pa si Jojo. Napalunok na lamang si Dustin, pilit man niyang pigilan ang luha niya ay hindi na niya magawa pa.

"Jojo andito si Maria Ozawa! Gising!" Pagsisinungaling ng umiiyak na si Dustin saka paulit-ulit na tinapik ang pisngi ni Jojo ngunit hindi na ito gumalaw pa.

Naidampi na lamang ni Dustin ang nakakuyom niyang kamao sa kanyang bibig dahil sa labis na panlulumo.

Napansin ni Dustin ang baril ni Dexter na malapit lamang sa kanya kaya naman dali-dali niya itong pinulot gamit ang mga kamay na labis parin ang panginginig sa labis na galit at sama ng loob.

Lumapit si Dustin sa nakabulagta at wala paring malay na si Dexter. Itinutok niya ang baril sa mismong noo nito, determinadong patayin ang binata bilang ganti.

"Dustin..." Narinig ni Dustin na may nagsalita sa tabi niya at nang tingnan niya ito ay nakita niya ang umiiyak na si Tammy na animo'y nagsusumamo sa kanya.

"Ate Tammy..." Lalong bumuhos ang luha mula sa mga mata ni Dustin.

Sa isang iglap ay bigla na lamang bumaha ang lahat ang napakaraming alaala sa isipan ni Dustin—Ang masasayang sandali noong kasama pa niya ang totoong ama at ang kapatid na si Kirk, Ang bawat kabaitan at pagmamahal na ipinadama sa kanya ni Tammy at ng mga magulang nito, Ang bawat masasayang alaala at kalokohan kasama ang mga kaibigan at ang bawat pagdurusang idinulot niya sa mga kaibigan at pamilya niya dahil sa paghihiganti nila.

Subukan man ni Dustin na kalabitin ang gatilyo ay hindi na niya magawa pa kaya napapikit na lamang siya't unti-unting ibinaba ang hawak na baril.

Napasandal na lamang si Dustin sa pader habang nakaupo sa sahig. Makaraan ang ilang sandali ay unti-unti niyang idinilat ang mga mata niya. Dumako ang paningin siya sa hagdan kung saan nakatayo parin sina Tammy, Ford, Calix at iba pa nilang mga naging kaibigan... ngunit di gaya ng kanina, ngayo'y nakangiti na ang mga ito na para bang natutuwa sa desisyong ginawa niya.

Napatingin si Dustin kay Ford at napangiti siya nang makitang naka-thumbs up na ngayon sa kanya ang pumanaw na kaibigan.

Ibinalik ni Dustin ang tingin kay Tammy at mistulang gumaan ang pakiramdam niya nang makitang napakalapad na ng ngiti nito sa kanya.

Saglit na ipinikit ni Dustin ang kanyang mga mata at nang muli niya itong idinilat ay wala na ang mga ito.

 


END OF CHAPTER 49.

Note: Sorry guys :(

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Never Cry MurderWo Geschichten leben. Entdecke jetzt