Chapter 49: Havoc and Farewell

Magsimula sa umpisa
                                    

"Putangshit putangshit putangshit! Wala akong makita! Putangshit!" Iyak ni Jojo at napahawak na lamang sa balikat ni Dustin na halos hindi na makahinga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya sa kanyang mga paang pilit niyang itinatakbo.

Kapwa nila hindi alam kung saan pupunta, takbo lamang sila ng takbo habang pilit na lumalayo sa naririnig nilang mga putok ng baril. Nagkahiwa-hiwalay silang lahat at ang tanging natirang magkasama sa iisang pasilyo ay sina Jojo at Dustin lamang.

Makaraan ang ilang sandali ay biglang napansin ni Dustin ang isang pinto kaya naman agad niya itong binuksan at tumambad sa kanila ang mga hagdanang paakyat at pababa.

"Jojo mauna ka nang bumaba!  Hahanapin ko sina Sisa sa taas!" Giit ni Dustin at pilit na humakbang paakyat ngunit nagtaka siya nang mapansin ang biglang pagtahimik ni Jojo.

"Jojo?" Sa di malamang dahilan, biglang kinabahan si Dustin kaya naman agad niya itong nilingon at nakita niyang nakatayo lamang ito habang nakatulala.

"Teka anong—" Hindi na natapos pa ni Dustin ang sasabihin nang bigla na lamang umagos ang napakaraming dugo mula sa bibig ni Jojo.

"Jojo!" Napasigaw si Dustin sa sobrang gulat at dali-dali niyang nilapitan si Jojo at inalalayan hanggang sa maupo ito sa sahig at mapasandal sa dingding. Napansin ni Dustin ang dugo sa kamay niya kaya naman dali-dali niyang tiningnan ang likod ni Jojo at laking panlulumo niya nang makitang tinamaan pala ng bala sa likuran at ngayon lamang nila ito nalaman at namalayan.

Paulit-ulit na napasinghap si Jojo at kasabay nito ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya, "Ang mama ko... ang mama ko..." Paulit-ilit nitong sambit sa pagitan ng kanyang bawat pagsinghap kaya lalong nataranta si Dustin.

"Jojo putangina makinig kang gago ka, hinga lang, hinga lang." Natatarantang sambit ni Dustin at paulit-ulit na tinatapik ng mabilis ang pisngi ni Jojo upang wag itong mawalan ng malay. Panay ang mura ni Dustin dahil hindi na niya alam kung anong gagawin pa.

"P-puta pre, ayokong mamatay." Umiiyak na sambit ni Jojo na unti-unti nang nanghihina, "S-si Mama... D-di ako pwedeng m-mawala..." Nauutal nitong sambit habang paulit-ulit na napapaubo ng dugo.

"Tangina masama kang damo, tangina wag kang magmalinis." Giit ni Dustin habang pilit na hinahawakan ang sugat ni Jojo nang sa gayo'y malapatan niya ito ng pressure.

"Paano ba 'yan? Mukhang mali ang kasabihang pinaniniwalaan niyo?"

Napalingon si Dustin sa hagdan at lalong bumakas ang galit sa mukha niya nang makita si Dexter na nasa hagdan at ngayo'y patungo na sa kinaroroonan nila. Nakangisi ito habang hawak ang isang baril sa natitirang kamay.

Humalakhak si Dexter at itinutok ang baril sa direksyon ni Dustin, "Mukhang makakatipid pa ako ng bala kasi ikaw nalang ang kailangan kong patayin." Napatingin si Dexter kay Jojo at tumango na para bang bumabati, "Sayang Jojo, ang saya siguro kung ako ang nakabaril sayo... Nakakatuwa kasi tumarget ng mga baliw." Sabi pa nito na para bang nakikipagbiruan.

"P-putangina mo talagang putol kamay ka." Mahinang sambit ni Jojo na namimilipit parin sa sakit.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon