Venom LVII

2.6K 140 95
                                    

Chapter 57: Binding








"W-What the hell... happened...?" tanging naiusal ni Lavinia habang nakatingin sa sugatang si Luan.








Kamaria looked at her with uneasiness in her expression. Lahat sila ay mukhang kagigising lang dahil na rin sa biglaang pagdating ng mga bata at sugatang si Luan.








"My lady!" agad na tumakbo sina Aeris at Cleo kay Lavinia.








The children hugged her waist. Hinawakan niya lamang ang likod ng mga bata habang hindi pa rin maalis ang tingin kay Luan na walang malay habang nakahiga sa kama.








"Devon went to fetch the physician. She's wounded a bit too, but she's in good condition," si Kamaria na ang sumagot.








"How about the both of you? Ayos lang ba kayo?" yuko ni Lavinia sa dalawang bata na nakayakap sa kaniya.








Tumango ang dalawa kaya sunod namang tinignan ni Lavinia ay si Leah na puno rin ng dugo ni Luan ang mga kamay at damit.








"Leah, what happened?" tanong ni Lavinia.








Humarap naman si Leah habang namumula pa rin ang mga mata.








"W-We were on the way to Hampton Estate via your letter from the bird messenger when someone stopped our carriage... L-Lumabas si Kuya upang tignan kung sino iyon, tapos... nakaramdam na lang po kami ng collision ng mana at aura sa paligid. W-When I went out to see what's going on, a man with a hooded cape and mask was having a close combat with Kuya... t-tapos... h-he made Kuya like that..."








Hindi na naituloy pa ni Leah ang kaniyang sasabihin sana dahil tuluyan na itong naiyak pa. Natigilan si Lavinia nang may isa pa siyang katawan na namataan sa isang malawak na couch kung saan ang tatlong maidservant ay inaasikaso ito.








Sandali siyang humiwalay sa dalawang bata at dahan-dahang lumapit doon. May kung anong kumalabog sa kaniyang dibdib nang mamataan ang isang pamilyar na batang pigura. Unti-unting bumigat ang kaniyang mga paa habang papalapit ito roon.








Umawang ang bibig ni Kamaria at inalis ang dalawang kamay sa pagkakahalukipkip. Tumaas-baba ang dibdib ni Lavinia nang tuluyang makita ang isa pang tao na puno ng dugo ang bibig hanggang sa dibdib ng damit nito.








"Cleo..." she mumbled.








"I-I was holding her, my lady... Pero noong nakita niyang aatakihin kami ng naka-hooded cape, umalis siya sa akin at hinarang ang sarili. I'm sorry..." hikbi ni Aeris.








Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Lavinia nang makita ang malaking hiwa sa dibdib na pilit nilalapatan ng unang palunas ng mga maidservant upang pigilan ang pagdugo nito.








May kung anong namumuong mabigat sa dibdib ni Lavinia habang nakatingin sa kaniyang estudyante at scholar. Hindi ito makahinga. Something was burning up inside her heart, but something was also breaking as she watches the pale Cleo, desperately fighting for his life.








Bumukas ang pintuan at dalawang physician ang pumasok kasunod ni Devon na natigilan din nang makita si Lavinia sa tapat ni Cleo. She has small scratches on her cheeks and arms, but aside from it, she's well.








Angel Of VenomWhere stories live. Discover now