Chapter 4

3 2 0
                                    

Kage's POV

"i-isa akong prinsipe..?" tinanguhan niya lang ako bilang sagot. grabe daig ko pa yung nasa kdrama sa dami ng inpormasyon na nalaman ko.

"kung ganon eh paano ako napunta kila tita sarah? " tanong ko. " nung panahon na nilusog ang kaharian niyo ay matagumpay kang naitakas ng nakakatanda mong kapatid.

"kung may kapatid ako ngayon eh nasaan na siya?" bumuntong hininga siya. " ginawa siyang bihag ng kalabang kaharian, patawad at wala akong impormasyon kung sino ang dumukot sa kanya, pero nasisigurado ko ay nasa isa sa pitong kaharian ang kapatid mo."

"may alam akong paraan para mahanap mo ang kapatid mo" he offered. "Ipapasok kita sa Taquila Wolf Academy bilang pamangkin ko at gawin mo ang lahat para mapalapit sa mga prinsipe at prinsesa ng kaharian na tumalo sa kaharian niyo." he suggested.

"bakit..? Alam kong hindi moko tutulungan ng walang kapalit, kaya sabihin mo na kung anong gusto mo"
napangiti na lang siya. " very clever ah, tama ka, wala ng libre sa panahon na to. may kailangan lang akong ipakuha sayo na importanteng bagay."

"at anong bagay naman yon?" hindi niya ko sinagot at may kinuha lang siya na libro sa isa sa mga bookshelf.
may pinakita siya sakin na isang.... frutas??? pero hindi ito mukhang basta bastang frutas dahil para itong itim na mansanas.

napansin niya siguro ang reaksyon ko kaya pinaliwanag niya sakin kung ano ang frutas na yon. " it's not just an ordinary fruit. ang mansanas na yan ay nagbibigay ng ethernal youth. Kahit gano pa kalakas o kayaman ang isang tao eh hindi nila matatakasan ang kamatayan kaya gusto ko makuha ang frutas na yan." sabi niya habang daretchong nakatingin sa akin.

hindi na kami nagtagal sa lugar na yon at umalis na din kami agad, pagkauwi namin eh pumasok na ako agad sa kwarto ko para maligo, after ko maligo ay nakatulog na ako agad dala ng pagod aa byahe.

5 am

nagising ako ng maaga ngayon kaya naghalf bath na ako at nagbihis, balak ko mag jogging ngayon. ang mga maids pa lang ang gising ng bumaba ko naghahanda sila ng umagahan namin. binati nila ako at inayang kumain pero tumanggi ako kasi mag jojogging ako ngayon.

habang tumatakbo ay nakikinig ako sa music, ang sarap tumakbo habang nakikinig sa favorite mo na music.

napadaan ako sa sun flower field tamang tama malapit na mag sunset tatambay muna ako dito. habang naghihintay eh nagbukas muna ako ng instagram para magpost ng mga picture ko kahapon, habang nagiiscroll eh may nag message sakin.
sila dylan pala, nagtatanong kung bakit hindi ko daw sinabi sa kanila na may balak akong mag transfer sa ibang school, nagpaliwanag lang ako sa kanila at binalik na yung Cellphone ko sa bulsa at nanood na ng sunset.

6:30 na ng bumalik ako sa mansion. naabutan ko si Asahi na pababa ng hagdan, niyaya niya ako mag almusal kaya sumunod nako sa kanya sa lamesa.

nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng magsalita siya. " nasaan na yung ballpen at gintong gunting na binigay ko sayo? " tanong niya.

Nilunok ko muna yung hotdog na nasa bibig ko bago sumagot " nasa bag ko. Bakit?" sabi ko "kakailanganin mo yan dahil ang mga gamit na yon ang magiging susi mo para makapasok sa alakitasia. "ano yung lugar na yon?"
tanong ko. "sa lugar na yan pinapanganak ang mga katulad natin na mga Mythical beings."

nakakaamaze kasi may lugar pala na ganon. Akala ko sa harry potter lang may ganon meron din pala sa totoong buhay.

"yung pen ang magiging susi mo papasok, pero yung gunting na binigay ko sayo eh ang magsisilbing sandata mo para maprotektahan ang sarili mo." bakit naman gunting yung napili niyang pang self defense ko? mas cool sana kung baril oh katana yung ibinigay niya sakin eh, weirdo talaga kahit kelan.

Meet me after school Where stories live. Discover now