"Kumain muna tayong dalawa.."nangingiting saad ko kaya parang batang tumatango si Terrence.

Umalis na siya sa pagkakayakap sa akin bagkus tinulungan niya ako sa kusina para malagay na ang nailuto kong dinner sa hapag at syempre para makapagsimula na rin kumain.

Nagsimula na kaming kumain at di ako sanay na tahimik kami. Napapalingon ako at nakikita kong parang ang lalim ng iniisip niya.

"How was Tita Rhea? is she okay?"hindi ko napigilan pang tanungin siya-dahil doon napatingin siya sa akin at hinihintay ko ang magiging sagot.

"Fine ,"he replied ,"May nakain lang siyang pagkain kung saan may allergy siya kaya ganun na lang ang nangyari."

Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Mabuti naman at ganun lang nangyari! Masyadong nag alala ako ng tuluyan sa nangyari kay Tita Rhea!

"About what happened last night ,I'm sorry kung nagkaroon bigla ng emergency,"he mumbled ,"Mukhang nasira pa ata yung anniversary natin."

I smiled ,"Ayos lang yon. Naiintindihan kita."

Kahit ako naman sa kalagayan niya ganun rin naman ang gagawin ko. Mas mahalaga ang pamilya sa kahit anong mangyari kaya naiintindihan ko si Terrence.

Pagkatapos ng pag uusap na yon nagpatuloy ns kaming kumaing dalawa. Agad na rin nagpaalam sa akin si Terrence dahil kailangan niya pang bumisita sa ospital. Aniya ,babawi na lang siya sa susunod dahil hinahanap siya ni Tita Rhea sa ospital. Bago siya umalis sa aking condo ay mariin niyang hinalikan ang aking labi na inabot pa ng limang minuto.

Pinatigil ko na siya dahil baka iba na ang mangyari kapag pinagpatuloy pa namin yung ginagawa namin. Na baka hindi na siya makaalis sa condo ko bagkus ikulong ko na lang siya at mas pipiliin kong gustuhin ang nangyaring halikan.

"Ang sakit ng paa ko!"pasigaw na saad ni Erich nang makapasok na siya sa aking condo.

Galing siya sa kanyang trabaho dahil naka formal attire pa ang gaga. Nakatingin lang ako sa kanya habang humihigop ako ng kapeng iniinom ko. Nagulat din ako na wala siyang pasabi na dito pala siya didiretso sa aking condo.

"Oo nga pala Aifha ,dito muna ako matutulog. Medyo malapit kasi yung condo mo sa kumpanyang pinasukan ko kaya dito muna ako mag oovernight dahil alam mo naman magdadalawang sakay pa ako kapag dumiretso na ako sa bahay!"lumingon siya sa akin habang nakaupo na siya sa sofa.

Mabuti na lang pala at gising ako ganitong oras. Bigla bigla na lang din kasi 'to pumapasok si Erich sa condo ko lalo na't alam niya yung passcode ko kaya malayang malaya siya nakakapasok dito kahit di na siya magchat sa akin.

Tumango ako sa kanya saka ko pinagpatuloy ang paghihigop ng kape ko. Dumadaldal na naman ulit si Erich sa akin sa mga ganap sa buhay niya ngayon. Hanggang sa wala na siyang masabi sa akin kaya ako naman ang pinadaldal niya. Nasabi ko sa kanya na nasa ospital si Tita Rhea at nakita ko ang gulat sa kanyang mata.

"Really?"she widened her eyes ,still shocked ,"OMG! buti di pa siya natuluyan."

"Erich...."I glared at her. Nakita ko na nag peace sign siya dahil sa sinabi niya.

Alam kong kumukulo ang loob ni Erich kay Tita Rhea nang dahil sa pagtrato niya sa akin kaya di ko masisisi kung yun ang lumabas sa bibig niya.

"Ano ba nangyari sa kanya?"mas lalo siyang lumapit sa akin na parang curious na curious siya dahil kumukunot pa ang noo niya.

Sinabi ko sa kanya ang lahat lahat ng detalye at kalmado lang siyang nakikinig. Maayos naman ang kalagayan ngayon ni Tita Rhea kaya gumaan na kahit papaano ang kalooban ko lalo na kay Terrence.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now