Chapter 21

17 4 0
                                    

Chapter 21

After that night ,naging maayos ulit kami ni Terrence. Sinabi niya sa akin ang lahat lahat kung bakit niya nagawa ang bagay na yon. Nagulat ako na kayang gawin ni Tita Rhea ang bagay na yon kahit alam naman niyang may girlfriend na ang kanyang anak.

Sa unang pagkakataon ay nakita ko na kung paano umiyak si Terrence. Panay siya hingi ng tawad sa akin dahil sa mga desisyon niya na alam niyang masasaktan lang ako kapag nalaman ko. Wala s'yang choice kundi tanggapin yun kahit labag man sa kanyang kalooban dahil nandoon din ang magulang ni Ross na walang ka-alam alam na matagal na silang hiwalay.

Buong puso kong tinanggap at pinatawad si Terrence dahil sa tingin ko ay talagang di niya naman ginusto ang nangyari. Malapit ang pamilya ni Terrence sa mga magulang ni Ross kaya malaki ang utang na loob niya lalo na't ka- business partner pa pala ito ni Tito Eros.

Pero sa sarili ko ay patuloy pa rin akong masasaktan dahil unti unti na mababawasan ang pagsasama namin in public dahil alam ng mga tao ay magkarelasyon pa sila ni Ross. Habang ako ay maghihintay lang kung kailan ako magiging free si Terrence. Maghihintay kung kailan niya ako bibigyan ng oras.

Ako ang tunay na girlfriend pero sa nakikita ko sa aking sarili-parang ako pa ang nagmumukhang naninira ng relasyon nila.

"Hatid na kita love ,"aya sa akin ni Terrence nang makalabas na kami sa aking condo. Nakahawak siya sa aking kamay habang patuloy kami maglakad patungo sa elevator.

Mariin ko s' yang tinignan ,"Hindi mo na ako kailangan ihatid pa."

Ang ngiti sa kanyang mga labi ay kusang nawala dahil sa aking sinabi. Tumigil kami sa paglalakad at mariin niya akong tinititigan na parang may mali sa mga sinabi ko.

"Why?"

I sighed then shrugged my shoulder ,"Hindi na tayo pwedeng magsabay pang pumasok. Alam mo naman na sa paningin ng mga tao ay girlfriend ka ni Ross. Kilala ka ng mga tao dahil sikat ang pamilya mo. Kapag nakita ka baka mag usisa pa sila kung bakit mo akong kasama."

I swallowed hard because of what I was saying. Even though I wanted to be with him when I got to Dream High, it wasn't possible because his name was heard there because they were still being talked about.

At sobrang nasasaktan ako kapag pinag uusapan sila na bagay na bagay sila.

"Love-"

"I'm okay love. Hindi mo na kailangan bumawi sa akin dahil ayos lang sa akin. ,"I smiled a bit ,"Mahirap para sa akin pero kakayanin ko naman siguro. Panatag ako na ako pa rin naman."

He smiled softly. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking kamay. Nananatili pa akong nakatitig sa kanya na parang ayaw ko putulin.

"Ikaw naman palagi.."

Nagkasundo na nga kaming dalawa ni Terrence sa sinabi ko. Di ako sumakay sa sasakyan niya dahil nagcommute ako. Nauna na ako sa kanya dahil hinintay niya pa ako bago siya sumakay sa sasakyan niya.

Pagkarating ko ng Dream High ay dumiretso na agad ako sa loob para makapasok na dahil konting oras na lang ay magsisimula na ang klase. Habol ang hininga ko na makarating ako sa first class-agad akong binati ni Erich na nakikipagdaldalan pa sa isa naming kaklase. Bumalik din siya agad sa upuan niya dahil dumating na ang prof namin.

Naging normal naman ang klase kaya wala naman espesyal. Nang sumapit ang breaktime ay kasabay ko si Erich. Di na rin ako makatanggi sa kanya kahit wala akong gana pa kumain.

"So binigyan mo talaga ng chance si Terrence?"pagsisimula ni Erich habang kumakain na siya ng inorder niya ,"Matunog pa rin ang pangalan niya dito Aifha! Pinag uusapan pa rin silang dalawa dito!"

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now