Napaawang ang labi ko dahil doon. Ganun ba ako kabaliw kay Terrence at kada magkasama kaming dalawa ni Erich siya ang bukambibig ko?

"Halos lahat ng topic natin puro sa boyfriend mo! Pwede ba kahit minsan wag mo muna isipan siya dahil wala naman dito yon!"sabi niya na mas lalong kinalaglag ng panga ko ,"Puro problema lang ang maiisip mo kapag si Terrence ang nasa isip mo."

"Not at all ,"I defend what she said ,"Hindi naman puro problema kapag si Terrence noh! May masasaya pa rin kaming alaala."

It's just like something happened to us that we both liked it.

"I-gaslight mo pa sarili mo Aifha ,ipagpatuloy mo lang!"she said sarcastically then she rolled her eyes to me.

"Totoo naman kasi!"I sighed heavily ,"Tsaka bakit ang init ng dugo mo kay Terrence at parang ayaw mong pag usapan siya?"

Tinaasan niya ako ng kilay kaya napaawang ang labi ko. Masyado siyang seryoso kaya nakaramdam ako ng kilabot dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin.

"Kung noon ,boto ako sa kanya sayo ngayon hindi na ,"malamig na sabi niya saka umiwas ng tingin kaya bahagya kumunot ang noo.

Huh? Anong hindi na?

"A-anong ibig mong sabihin?"tanong ko sa mahinahon na boses.

"Masyado lang siya duwag sa paningin ko Aifha ,"she said without looking at me ,"Akala ko noon kaya ka niyang ipaglaban sa kahit ano man sitwasyon. Na kaya ka niyang panindigan dahil yun ang pangako niya sa akin noon pero nagkamali ako. Na hindi na ako mag aalala sayo dahil nandiyan na si Terrence sa tabi mo."

Tiningnan ko siya ng maiigi at bahagyang kumurap ang mga mata ko na mapagtantong may bahid na kalungkutan ang namutawi sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganito siya.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang sinasabi niya tungkol kay Terrence?

"Bakit ganyan sinasabi mo?"seryosong saad ko dahil mukhang seryoso siya sa sinasabi niya. Tumayo ako para magkaharap kami ng maayos.

"Kahit hindi mo sinasabi sa akin ang lahat patungkol sa inyo ni Terrence nararamdaman ko dito na...."tinuro niya ang puso niya kaya hindi ako makapagsalita ,"Nasasaktan ka sa kanya dahil duwag siya diba?"

Nagulat ako sa sinabi ko. Di ko maproseso ang kanyang sinabi. Ngayon ko lang nakita si Erich na sineryoso niya ako na walang bahid na pagbibiro.

"Erich..."

"Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang napagtantong ang gago pala ni Terrence ,"she chuckled softly ,"Na kaya ka niyang saktan ng patago na hindi niya nalalaman na nasasaktan ka na pala."

Bumaba ang tingin ko dahil sa sinabi niya.

"May karapatan siya para ipaglaban ka sa mommy niya kung gugustuhin niya. Dahil kung mahal ka niya dapat ay pinaglalaban ka. Pero sa nakikita ko sa kanya di ko makita ang salitang ipaglaban sa mukha niya dahil talagang duwag siya-"

"Don't judge him easily Erich ,"I shut her mouth ,"Hindi rin niya ginusto 'tong ginagawa niya kaya sana intindihin mo kung bakit ganito nangyayari sa relasyon naming dalawa. Kung bakit sa mata ng ibang tao girlfriend niya pa rin si Ross at ako naman parang stranger lang."

Masakit oo pero wala akong magagawa kundi tanggapin ang sakit. Dahil kapag pinilit ko ang gusto na maangkin nang tuluyan si Terrence alam ko hindi niya matutupad ang pangarap niyang pinaghirapan niya ng ilang taon.

Alam ko ang kakayahan ni Tita Rhea ,isang suway lang ni Terrence sa kanya nakakasiguro ako na lahat ng pangarap na binuo ni Terrence ay masisira na lang basta yon sa kamay ni Tita Rhea.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now