Kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Terrence bago ako matulog.

Aifha Saavedra:

Thank you for tonight babe. Happy 1st anniversary ,take care always. Goodnight.

Di nakatakas ang ngiti ko dahil kahit naistorbo ni Tita Rhea ang anniversary date namin ay kahit papano ay naicelebrate namin ng maayos. Kuntento na ako kahit ganon dahil nakasama ko sa mismong espesyal na araw ang lalaking mahal ko.

"Alam mo masyado talagang pa epal yang mudrakels ni Terrence noh ,"saad ni Erich nang magsimula na s' ya kumain ng inorder niya sa cafeteria ,"Imagine ,first anniversary niyong dalawa tapos ang saya saya niyong sinusulit yung moments niyo magkasama tapos may biglang mang iistorbo para lang sirain ang masaya niyong moments! Nako ,nakakapangigil ng kalamnan ha!"

Nagkibit balikat lang ako at pinagpatuloy ko na lang ang pag nguya ng pagkain. Wala naman akong balak sabihin kay Erich kung ano ang naganap sa anniversary naming dalawa ni Terrence pero alam ko mas kukulitin niya ako pag di ko sinabi kaya sinabi ko na lang at aksidente ko pang nabanggit sa kanya na inistorbo ni Tita Rhea ang magandang moments namin na magkasama ni Terrence.

Kaya ang ending parang gigil na gigil siya na parang siya yung na-agrabyado.

"Mabuti na lang hindi ganyan si Tita Olivia sa akin ,"sabi pa ni Erich. Magkasundong magkasundo kasi sila ng mama ni Claude at madalas pa ay nagbobonding pa sila ,"Dahil kung sakaling sa akin mangyari yan baka hindi na ako makapagtimpi at baka patulan ko kahit anak pa siya ng taong mahal ko!"

Tipid na lang ako ngumiti sa kanya. Di na lang ako nagsalita dahil alam kong di na siya titigil kakatalak kaya papakinggan ko na lang yung sama ng loob niya

"Hindi ko nga alam kung bakit hinahayaan mong ginaganyan ka ng mommy ni Terrence ,"she sighed heavily ,"Ako ang mas nahihirapan sayo. Saglit mo na lang nakakasama si Terrence dahil sa pesteng nanay niya."

Yumuko ako dahil tama naman siya ,kaonting oras lang ang binibigay sa akin ni Terrence dahil lagi siyang tinatawagan ni Tita Rhea kapag weekend para bumisita sa mansyon na alam ko nandoon rin panigurado si Ross.

"Naiintindihan ko ang sitwasyon naming dalawa ,"mapait na sabi ko saka ako umiwas ng tingin. Ayokong malaman niya na sobrang hirap na hirap na ako sa ganitong set up namin.

Di ako gusto ni Tita Rhea at naiintindihan ko kung bakit ayaw niya sa akin.

"Pwes ako di ko maintindihan ,"she mumbled ,"Ewan ko talaga sayo ,hinahayaan mo ginaganyan ka."

Ganun talaga pag mahal mo ang isang tao ,kahit nasasaktan ka na ay tatanggapin mo na lang dahil nga mahal mo siya.

Natapos na kami kumain sa cafeteria kaya bumalik din kami agad sa aming klase. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang mga mata ko sa prof na nasa harapan ko para maligaw naman kahit papaano ang pag iisip ko kay Terrence.

Nang matapos na ang klase ay hinatid kaming dalawa ni Vinz pauwi. Tuwang tuwa naman si Erich dahil nakatipid na naman ulit siya ng pamasahe nang dahil kay Vinz. Buong biyahe ay sila lang dalawa ang nag uusap at nagtatawanan samantalang ako ay nakatitig lang sa labas na parang madaming iniisip.

Hindi ko mawari kung bakit tumatatak sa isipan ko ang pinag usapan naming dalawa ni Erich kanina. Mali ba ang naging pasya ko? Dapat bang maging palaban akong tao para nasa akin ang buong atensyon ni Terrence?

Ang daming pumapasok sa isipan ko na wala akong nakuhang matinong sagot. Ewan ko ,parang pagdating kay Terrence palagi ko siyang iniintindi sa lahat ng bagay. Palagi akong umiintindi para manatili lang ang magandang relasyon namin.

"Salamat nga pala sa paghatid Vinz ,"pasasalamat ko ng makababa na ako sa sasakyan niya. Nakatingin lang siya sa akin habang ang mga kamay niya ay nasa loob ng bulsa ng pantalon niya.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now