Siya ang nakakaalam kung gaano ako selos na selos sa babaeng yon! Kaya minsan nga nagagawa niyang lumayo sa babaeng yon dahil hindi ako kumportable kapag nasa paligid ko si Ross! Tapos ngayon ,malalaman ko na lang na mag girlfriend sila in public!

"Ako ang tunay girlfriend mo pero sa mata ng maraming tao girlfriend mo si Ross ,"malamig na sabi ko at kahit gusto kong umiyak ay di ko na magawa dahil sa halong halong emosyon ko ,"Ano Terrence? ako na lang ba palaging mag aadjust sa relasyon natin para mas lalong magtagal 'to?"

"Aifha..."

"Di ko alam kung matatanggap ko 'to dahil ang totoo di ko kayang tanggapin ang desisyon mo! Ang sakit lang sa akin na nagtiwala ako na di mo ako sasaktan pero in the end....magagawa mo lang din pala akong saktan!"

He promised me..... I trusted him...

Ganito ba magmahal may kapalit talagang sakit? Sobrang sakit na tipong gusto ko na lang bumalik sa panahong walang Ross na gumulo sa buhay naming dalawa!

May sasabihin pa sana si Terrence sa akin na di ko na pinatapos dahil agad na akong umalis sa harapan niya. Sobrang sakit sa puso kaya mas mabuting wag muna ako makipagkita sa kanya dahil nasasakan lang ako kahit ano pa ang dahilan niya!

"Aifha...."alo sa akin ni Erich nang dinamayan niya ako sa kakaiyak ko.

Humagulhol ako sa kwarto ko dahil hanggang ngayon ay di ko magawang makalimutan lahat ng mga nalaman ko kay Terrence. Di ko magawang maging masaya dahil sobrang bigat ng nararamdaman ko at gusto ko may taong dadamay sa akin. Kahit dito man lang...

Mugtong mugto na ang mata ko kaya di ako maiwan- iwan ni Erich dito dahil baka mas lalo lang bumigat ang nararamdaman ko. Dalawang araw na siya sa condo ko at wala siyang ginawa kundi ang damayan ako sa problema ko.

Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako ng mahigpit kaya medyo kumalma ako dahil sa paraan ng pagkakayakap niya . It feels like she makes me feel that she will never leave me and that she's always by my side if I need someone to lean on.

"I'm here Aifha ,"Erich whispered to my ear ,"Hindi kita iiwan..."

And then I sleep peacefully beside her. Sa dalawang araw na nandito siya di ko nagawa makatulog ng maayos dahil napupunta lang sa hagulhol ang lahat. Ngayon nagawa ko makatulog ng maayos dahil sa mga sinabi niya sa akin na nagpagaan ng kalooban

"You okay?"tanong sa akin ni Erich habang abala siya sa pagsasaayos ng kakainin namin ,"Sana ay ayos ka na."

I smiled ,"Ayos na ako. Salamat."

Totoo na ayos na ang pakiramdam ko. Para bang binuhos ko na kagabi ang natitira kong iyak kaya nasasabi kong ayos na ang pakiramdam ko. Although ,sobrang laki talaga ng pasasalamat ko kay Erich dahil hindi niya talaga ako iniwan bagkus sinamahan niya pa ako sa buong dalawang araw na hindi ako ayos.

"I'm worried about you ,"she said then sat across from me as she finished preparing the food ,"Kaya hindi kita maiwan-iwan ng basta basta dito dahil sa kalagayan mo! Ngayon lang kita nakitang umiiyak ng ganon nang dahil lang sa lalaki!"

Yumuko ako. Di ko na itatanggi ang sinabi dahil totoo naman talaga yon. Di ko rin naman inaasahan na ganun na lang ako umiyak para kay Terrence! Masyado kasing masakit na tipong di ko kakayanin kapag di ko nailabas ang hinanakit na nasa loob ko.

Hanggang ngayon ay di ko pa rin kinakausap si Terrence kahit panay siya tawag at text sa akin. Mas pinipili kong magkulong sa kwarto para ilabas lahat ng bigat na nararamdaman ko.

Hindi ko pa rin tanggap na ganun ganun lang siya pumayag. Masakit pa rin.

She sighed ,"Nakita ko sa balita ang tungkol kina Terrence at Ross...kaya ba umiyak ka dahil sa balita na yon?"

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat