CHAPTER- 5

422 26 5
                                    


RAVEN POV.

HUMANTONG kami sa isang restaurant at nagkunwari akong hindi pa kumakain kaya naman ay naisipan kong dito muna kami tumuloy. At habang nakayuko si Nica Angelic, ay hindi ko mapigilan na hindi siya matitigan. Napaka ganda talaga niya, ang kakaiba niyang karisma ay hindi mawala sa aking isipan. Lalo na ang kanyang alindog na sa tuwina ay nagpapa baliw sa aking imahinasyon. Magmula ng maangkin ko siya ng gabing yon ay hindi ko na siya makalimutan. Binabaliw ako ng kakaiba niyang bango lalo na ang pagkababae niya na gustong gusto kong amuyin. At heto na ang katibayan, umiigting na ang aking harapan at gusto ng kumawala. Subalit dapat kong pigilan ang aking sarili dahil siguradong matatakot siya sa akin. Kaya dinaan ko na lamang ang palihim na pagmamasid sa kanyang kabuuan.

"B-Bakit ka nakatitig sa akin meron ba akong dumi sa mukha?"

"W-Wala naman, na-miss lang kita."

"Ha?"

"I mean, mula nang mahulog ka sa aking mga bisig. Hinanap hanap ka na ng aking sistema." sabay ngiti ko sa kanya upang maiwasan ang kanyang pagtataka at isipin na mas may higit pang namamagitan sa aming dalawa.

"Ahm... g-gano'n ba, humn... may gusto sana akong tanong sayo."

"Yes, go ahead at makikinig ako."

"Matagal na ba kayong magkakilala ng mga kapatid ko?"

"Hindi naman, kailan lamang yong nang makilala ko sila. Bakit mo pala naitatanong?"

"Wala naman, kasi sa totoo lang hindi sila pumapayag na lumabas ako ng bahay. Lalo at hindi kasama ang isa man sa pamilya ko. At kaya lang ako nakasama sayo ngayon dahil umalis na sila. Tapos wala naman si mommy at daddy."

"So, pwede ba tayong magtagal dito sa labas? I mean, gusto kitang makasama ng matagal."

"Baka dalawang oras lang, kasi sigurado parating na rin ang parents ko."

"Okay, promise ihahatid agad kita after two hours."

"Salamat."

"Call me, Raven. At huwag kang mailang sa akin, okay?"

"O-Okay, sige." aniya na may matamis pang ngiti sa labi. At ang ngiti niyang iyon ay napakahalaga para sa akin. Kaya naman ay kinuha ko ang aking cellphone. Pasimple ko iyong binuksan at ini-on ang Video recorder. Pagkatapos ay pinatong ko sa gilid iyong sakop ang kabuuan niya sa camera.

Minutes later....

Dumating ang aming order at agad ko siyang inasikaso. Hindi rin nakaligtas sa aking mga mata kung paano siya kumilos. Napaka hinhin talaga niya, at hindi pa rin nawawala ang kanyang pagka fragile. Gano'n din ang inosenteng mukha na siyang nagpabihag sa aking puso. Walang oras na hindi ko siya naiisip lalo na sa bawat gabi. At sa aking paggising ay siya lagi ang gustong makita ng aking mga mata. Sa mga araw na dumadaan ay mas' tumitindi ang pagkasabit ko sa kanya. Siguro nababaliw na talaga ako sa kanya at gusto ko na naman siyang maangkin muli. Ngunit paano kung meron siyang limit na makalabas kagaya nito.

Habang kumakain siya ay sinasabayan ko ng paunti-unting pagsubo ng pagkain. Baka kasi makahalata siya na hindi talaga ako gutom at palabas ko lang yon. Wala akong ibang maidahilan sa kanya kaya yon ang lumabas sa aking bibig.

"Hindi mo ba gusto ang mga pagkain dito?"

"Ha? Hindi naman sa gano'n pero ganito lang talaga akong kumain. Mabagal dahil nginunguya kong mabuti ang pagkain bago ko lunukin."

"I see."

"Raven, salamat pala dahil sayo ay nakalabas ako ngayon."

"You're welcome, kaya i-save mo ang number ko at kapag nais mong lumabas ay tawagan mo lamang ako. At kung sakaling hindi agad ako makasagot ay mag-send ka lang ng message."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A NIGHT WITH HIMWhere stories live. Discover now