CHAPTER- 3

373 27 1
                                    

NICA POV.

SIMULA nang mangyari 'yon sa akin ay hindi ko na alam kung paano kikilos ng tama. Hindi na maalis sa aking isipan ang lalaking nakasama ko. Ang huling kong natatandaan sa kanya ay may tattoo siya sa gilid ng leeg. At ang perpektong katawan. Maliban doon ay wala na akong ibang maalala tungkol sa lalaki nakatabi ko....

"Mahal ko, gising ka na ba?" naputol ang aking pagmumunimuni dahil sa pagtawag ng kapatid kong panganay.

"Yes, kuya Luke, pasok ka."

"Kumusta ka na, ang sabi ni Mommy ay hindi ka raw naglalalabas ng kwarto?"

"Mas gusto ko kasi dito sa loob ng kwarto, kuya. Pag naroon ako sa labas ay wala rin naman akong makausap."

"Gusto mo ba na mamasyal tayo?"

"Talaga?"

"Yeah, kasama rin natin ang dalawa, kaya maligo ka na at hihintayin ka namin sa living room."

"Sige, kuya Luke."

"Take your time at huwag kang magmadali makakapaghintay naman kaming tatlo."

"Salamat, kuya Luke."

Nang makalabas ang kapatid ko ay agad na tumakbo ako sa loob nang banyo upang maligo. At habang nakatapat sa dutsa ay nag-iisip ako kung saan ang magandang pasyalan. Dalawampung minuto lang at lumabas na ako upang magbihis. Isang summer dress ang suot ko at manipis na sandals pagkatapos ay bumaba na ako ng hagdanan.

“Mahal ko, halika at ako na ang magtutuyo ng buhok mo. At ikaw Liam, ihanda mo na ang sasakyan natin.”

“Sige, kuya.”

“Sweetheart, wala ka bang medyo mahaba ng konti diyan sa suot mo?”

“Bakit, ayaw mo ba nito kuya Levi?”

“Kasi masyadong maiksi at siguradong pagpipyestahan ka na naman ng mga lalaki sa labas.”

Natawa ako sa sinabi ni Kuya Levi, kahit kailan talaga ay nakapa-conservative nito sa akin. Samantala ay saksakan naman ng pagkababaero.

“Ikaw na ang pumili ng damit niya Levi, at malapit nang matuyo ang buhok ni Mahal.”

“Okay, wait for me.”

Minsan napapaisip ako kung normal ba ang buhay ko na ganito, laging nakapalibot ang mga Kuya ko at parang mga guwardiya sibil sa higpit. Kahit minsan hindi ko naranasan ang lumabas mag-isa, kaunting pagsama ng pakiramdam ko ay nag-aalala agad silang lahat sa akin. Kagaya na lang ngayon, kahit busy sila sa trabaho sa pagiging Elite nila sa SA Agencia ay naririto silang tatlo upang dalawin ako at dalhin sa lugar na gusto kong puntahan. Paano pa kaya kung makilala nila ang lalaking ‘yon ano kaya ang kaya nilang gawin, magagawa kaya nila ang manakit dahil sa nangyari sa akin?

“Hey, sweetheart anong iniisip mo at malayo yata ang nililipad ng imahinasyon mo?”

“Ahm, wala naman kuya ko masaya lang ako dahil naririto kayong tatlo.”

“Okay, halika na at palitan na ang suot mo. Hintayin ka namin dito, go!”

Matapos kong abutin ang mga damit na dala ni Kuya Levi, ay pumasok na ako sa isang silid. Ang kulay puti na summer dress ang isinuot ko at puti rin na sandals. Pagkatapos ay lumabas na ako at tinawag ang attention nila.

"Ayos na ba ang suot ko mga kuya ko?" nakita kong pinasadahan nila ang kabuuan ko at saka tumango-tango kaya napangiti na ako at lumapit na sa kanila.

A NIGHT WITH HIMWhere stories live. Discover now