"Basta wag kang lalayo at lalabas sa hacienda Iha" bilin nito sakin.

"Masusunod ama" Ani ko.

Makalipas ang ilang buwan simula nung nakausap ko ang isang estrangherong lalaki ay palagi ko na itong dinalaw sa bawat pag tunog ng orasang gawa sa kahoy ay babangon ako saking silid at pupunta sa bakuran upang magtungo sa kanya halos kada hating Gabi ay ganon palagi ang aking ginawa,walang nakaka alam nito tanging ako lang, palihim akong lumabas sa pintuan bandang likod upang walang maka-alam.

"Magandang gabi Ginoong Ichiro" bati ko sa nakatalikod na lalaki sa ilalim ng punong akasya.

"Magandang Gabi rin sa iyo binibining Yurah" Ani nito sabay abot sakin ng tatlong pirasong rosas na kulay puti nakangiti ko naman itong tinanggap.

"Matagal narin tayong nagkakilala Yurah at batid mo kung ano ang totoong ako pero sa kabila noon ay tinanggap mo ako,siguro nga dahil wala kang masyadong kausap sa loob ng inyong masion hindi ba? nakakawalang silbi talaga pag nakakulong di mo man lang masilayan ang labas" Saad nito habang nakatitig parin sa buwan.

"Siguro dahil yun nga pero, alam mo kaso naiintindihan ko ang sitwasyon mo siguro batid ko talagang pinagtagpo tayo ng tadhana dahil pareha tayo ng pinagdaanan kagaya mo nakakulong rin ako, simula noong pinaslang si Ina ay kinulong ako sa mansion ni ama noong una ay kinamumuhian ko siya pero kalaunan ay naiintindihan ko na, kung bakit niya iyon ginawa katulad mo nakakulong ka ngayon dahil sa isang dahilan at alam ko na balang araw maiintindihan mo rin kung bakit,sabi nga sa nabasa kong libro, "Everything happens for a reason". Kaya kahit nakakulong ka ay hindi ibig sabihin na wala ka nang silbi ang dami mo ngang naitulong sakin e, minsan kasi hindi natin mapapansin ang ating mga nagawa dahil nakulong ang ating isipan sa sitwasyon na mayroon tayo." Saad ko sakanya habang nakangiti.

"Salamat, sana dumating ang sinabi mong balang araw nayan" Saad nito.

"Oo at kung darating man iyon sabay tayong lalabas sa lugar na ito" dugtong ko.

"Pangako mo iyan ha!" Ani niya.

"Oo naman pangako Ginoong Ichiro" Saad ko at sabay kaming nagtawanan, at hindi na namin namalayan na malapit na palang magbukang liwayway.

"Paano ba yan Binibini hanggang sa susunod na gabi" Saad nito sakin, tumayo naman ito at nagsimula nang namilipit sa sakit.

"Arghhhhh" sigaw nito ng tumama ang liwanag ng araw sakanya, tumutulo ang pawis nito sa noo at maging sa buong katawan, kita ko ang sakit sa kanyang mukha na parang pinag lalatigo ng lubid ng paulit ulit, umiiyak naman akong pinanood siya gaya ng dati ay wala akong magagawa upang matulungan siya sa kanyang sitwasyon,

"Binibini, umalis kana at wag kang umiyak magkikita pa tayo ngayong gabi, sisiw lang ito para sakin" nanghihinang saad nito sakin at pilit na ngumiti,

"Dalawin mo ulit ako dito ha, binibining Yurah, hihintayin kita" Saad nito bago tuluyang naglaho.

Pangako Ginoong Ichiro,

"Señora, anong ginawa niyo ng ganito ka aga sa Hardin?" Tanong ng aming hardinero na si Tanyong.

"Nagpapahangin lang ako Manong Tanyong, at gusto ko ring masilayan ang ang pag bukang liwayway" paliwanag ko sabay punas sa mga luhang kumawala sakin kanina,

"Ikaw ba y umiiyak Señora?" usisa nito sa akin.

"Sadyang nangungulila lang ako sa aking mahal na ina manong, wag niyo ho akong pansinin" Saad ko totoo naman nangungulila rin ako saking ina pero mas naiiyak ako sitwasyon ni Ichiro kung sana may paraan upang makalaya siya sa kadiliman ay gagawin ko upang matulungan siya.

One Last Dance With You Where stories live. Discover now