" May malaki kaming utang sa isa't-isa. Kailangan naming bayaran yung utang namin sa kanila. At dahil wala na kaming pera, ako na lang ang pag-asa ng pamilya namin. "

Hinawakan niya ang dalawa kong balikat . "Magkano?! Magkano ang utang niyo babayaran ko! "

" Adrian, alam mong hindi ako yung tipong pala-asa sa iba. Sa totoo lang ang akala ng parents namin talagang kasal kami, pero sa totoo lang naka contract marriage lang kami. Ang natatandaan ko, limang taon kaming mag-asawa."

" Pero, paano ako? "

" Hindi pa nga kita sinasagot, tinatanong mo na agad kung paano ka!!! "

" KAsi naman!!! Dati pa nga kitang gusto diba!! Sagutin mo na ako please. "

" Sorry, hindi pa ako ready sa mga ganyan. Pero, bilang special friend, tatanggapin kita. "

" SPECIAL FRIEND LANG?!!! Taasan mo naman :)) "

" Then, don't talk to me!!! "

" Ito naman joke lang, special friends na tayo. "

" Bye :)) Secret lang yun ha! Walang pwedeng makaalam ^_^ " at umalis na ako.

" Angel. Cellphone mo. Naiwan mo sa bahay mo. "

Kinuha ko yung cellphone ko at may nakita na nakasabit na saging. Sino naman ang naglagay nito dito?

" Ano 'to? "

" Special gift for my special friend. " So sa kanya pala galing 'to ^_^

Huh!!! May gift agad na nakahanda. Sosyal!!

Pagkatanggap ko, umalis na ako.

@@@@@@@@@@@@@@@ 

 Dali-dali akong tumakbo papunta kay Michael, para tanungin kung may club ba. 

*pant*

" Mi....."

 Pagkapasok ko nakita ko ang nagniningning na mga mata ni Tiffany, habang si Michael naka heads down. Ano nanaman kayang ginawang kalokohan ni Tiffany?

" Ate Angel. ^_^ Alam mo bang ikaw ang nanalo sa game. " masayang sabi ni Tiffany.

" Anong game? "

" Naalala mo ba yung 5 pieces ng paper na pinatago ko kay manang sa bodega. Ito na yun."

" Yan ba yung may date, kiss, ignore? "

" Yup!!! Since talo si kuya, yung sayo ang pipiliin natin. At dahil pinili mo ang number 5 ang nabunot mo ay........................................................ DATE!!! ^_^ "

" WHAT!!! " micahel &angel

" Ano ba!! Diba couple naman kayo. Ipakita niyo naman kahit minsan. Minsan kasi pakiramdam ko, hindi kayo kasal. "

" Ano ka ba naman Tiff!! Sige mag-dadate kami sa Sunday. " biglang salo ni Michael.

"YEHEY!!! Promise yan ha!!!! Ok, sige bye. " umalis din si Tiffany.

Ok!!! Ang awkward sobrang tahimik... 

" Sige, alis na rin ako. "

" Angel. Ok lang ba sayo? "

" Ang alin? Yung date ba? Ok lang. Wala naman akong gagawin sa Sunday e. "

" Sa totoo lang.... May gagawin kasi ako sa Sunday. Hindi naman pwede sa Saturday dahil intrams natin, sobrang pagod pa tayo nun. "

" Tch~ hindi ka pala pwede nitong week na 'to sinabi mo agad na this Sunday, sinong tatanga-tanga?! "

" Kailangan ko kasing makaalis sa Sunday. E since wala akong valid na excuse na maibigay sa family ko, imposibleng makalabas ako. "

" Ano ba yang pupuntahan mo? "

" Babalik na si Bianca dito. Sa Sunday na ang balik niya, naipangako ko na ako ang susundo sa kanya sa airport. "

" So, you're saying na, gagamitin mo yung date natin para magkita kayo ni Bianca? "

" Ganun nga. "

Ano ba yan bakit biglang umuusok yung tenga ko sa mga naririnig ko. Ang sarap manuntok. Pangatlong beses na ako ginamit. Hu! Kung ako rin lang naman ang magiging tulay ng lahat ng tao edi ako na!!!

" Fine! Ibaba mo na lang ako sa Lotte's Cafe. Tapos dumiretso ka na lang ng airport. Bye. "

" A-angel?! " 

Hindi ko na siya pinakinggan pa. Ano ba yan gusto pala niyang makita si Bianca bakit hindi niya chinachat sa Fb or sa twitter or i-viber na lang kung possible. Kaya nga may internet for fast communication. 

Teka!! Nagagalit ba ako?!!! Ano ba Angel extra ka lang sa buhay nila, kaya makisama ka na lang ha.

>>>>>>>> Intrams day>>>>>>>>>>>>>>

 ☻Author' POV☻

Sa wakas, ngayon na rin ang pinakahihintay na Intramurals. Bago magsimula, syempre nagdasal muna ang buong highschool tapos nagkaroon ng konting general exercise. Tapos nagkaroon ng introduction of players each batch. Tapos nagsimula na ang cheering competition by batch. Nagsipatalbugan naman ang mga muse together with their escort sa question and answer portion. Tapos ay nagsimula na ang mga major sports. At sa hapon naman ang mga minor sports. Maraming booth ang naka stall sa school. Pero no outsiders allowed. Kung sino man from Gr.7-10 ang mananalo, ang 2 batch na yun ang maglalaro kinabukasan ( Saturday). Kaya abangan ang part 2 ng Intrams day sa susunod na chapter ^_^

Tiger Girl (editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora