"Oo naman. Mas maganda pa ngang plates na nagawa mo kaysa sa akin ih..."sabi ko sa kanya kaya di niya maiwasan na tumingin sa akin na parang di siya naniwala sa sinabi ko.

"Sus echoserang palaka ka!"mahina niya ako hinampas sa braso kaya natawa ako ,"Mas maganda kaya yung mga gawa mo kaysa sa akin! Mukha ngang di pinag isipin ng mabuti itong gawa ko eh!"

Simple lang naman ang mga drawing na pinapasa ko sa mga prof ko pero ewan ko ba kapag nakikita ni Erich yung gawa ko parang sa akin daw yung pinakamaganda at malinis.

"Alam mo pumasok na tayo malapit na matapos ang vacant time natin. And oh...almost 4PM na so let's go?"sabi ko kaya tumango na siya. Inayos na niya ang mga gamit niya bago kami umalis sa soccer field area para tumungo na kami sa next class namin.

Gabi na rin nang makauwi ako. Nagsabi na sa akin si Terrence na di na niya ako maihahatid dahil may pinuntahan siya na mahalaga kaya nagcommute na lang ako ng pauwi. Agad naman ako nakauwi dahil di naman nagkaroon ng traffic.

Nung nasa condo ako ay nagluto ako ng dinner ko dahil biglang nagparamdam ang sikmura ko. Di pa naman ako matutulog nito dahil may plates pa ako na kailangan tapusin kaya baka abutin ako ng madaling araw bago matapos yon.

Almost 2AM na ako nakatapos kaya gumaan ang pakiramdam ko dahil finally natapos ko na rin yung plates ko. Bago ako matulog ay chineck ko ang cellphone ko kung nagmessage pa ba sa akin si Terrence. Di ko kasi nagalaw ang cellphone ko habang gumagawa ako ng plates

Nakauwi na siya sa condo niya at sigurado ako sa mga oras na 'to ay tulog na siya. I sighed heavily —sana ay ayos lang si Terrence ngayon lalo na't unti unti na siya nagiging busy sa buhay niya.

Kinaumagahan ay bumungad sa akin sa paggising ko si Terrence. Siya ang nagluto ng agahan ko kaya nakaramdam ako ng hiya dahil siya pa ang gumawa ng dapat kong gawin tuwing gumigising ako sa umaga.

"Nag abala ka pa love..."nahihiyang sabi ko habang nakaupo na ako na nakahanda na ang kakainin ko ngayon.

Ngumiti lang siya sa akin ,"Di na kita inabalang gisingin ka dahil alam kong 6:30 AM ang oras ng gising mo. Tsaka...pambawi ko na lang din 'to sayo dahil di kita naihatid pauwi kagabi."

Na-appreciate ko naman ang ginawa niya sa akin ngayon dahil di ko talaga inaasahan na kahit madami siyang ginagawa ay naisisingit niya pa rin na pagsilbihan niya ako. Maraming beses na talaga pinakita sa akin ni Terrence kung gaano ako kahalaga sa kanya. Kaya kahit sinabi sa akin ni Tita Rhea na layuan ko ang anak niya ay di ko magagawa dahil maayos kami at nagkakaintindihan kami sa lahat ng bagay.

Di ko kayang layuan ang taong mahal ko kahit may taong gustong sirain ang pagsasama namin.

"So I can give you a free ride today love ,"he smiled gently ,"So enjoy your breakfast."

"Thank you. Talagang spoiled na spoiled mo ako.",I shyly said while I starting eating breakfast meal.

"Of course you're my girl. And I want to spoiled to you especially the food because you love it.."sabi niya sa akin kaya nginitian ko na lang siya.

Kaya nagsimula na akong kumain ng agahan. Pinagmamasdan na lang niya ako kumain dito dahil nagbreakfast na siya bago siya dumating dito sa condo ko. Naka white uniform siya na nagpadagdag sa kanyang appeal. Terrence is a good looking kaya di ko rin maiiwasan kung may mga magkakagusto sa mga ka-blockmates niya dahil sobrang gwapo niya.

"Sorry love kung minsan di mo ako nakakasabay umuwi ha? Masyadong marami lang talaga ako ginagawa kaya kahit gusto kong isingit kita di ko magawa dahil sa mga pinapagawa sa akin ,"He apologized to me while looking at me ,"Wag ka sanang magsawa sa akin ha kahit di ako nagkakaroon ng oras sayo. Wag mo akong iiwan bigla."

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now