"Hali kana.. Baka hanapin kana nila. Alas 9 ang lakad nyo diba?" aya ko saknaya ng makitang suot na nya ang bagpack nya.

Bumaba ang tingin nya sa dala ko kaya nginitian ko sya.
"Gumawa ako ng mga babaunin mo.." marahang sabi ko.
Lumapit sya saakin saka pinagsalikop ang mga kamay naming dalawa, tinaas nya iyon saka tinitigan ang wedding ring naming dalawa saka ako tinitigan.

"Azelya Ferrera-Grayson." banggit nya ng pangalan ko.

Magkahawak kaming naming tinahak ang daan papuntang bayan, sa may dulong bahagi ng bayan kami pupunta kong saan makikita ang lubak na kalsada.

Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad, sandali ko syang sinulyapan at nakikita kong malalim ang iniisip nya samantalang ko ay sinusulit ko ang sandaling kasama ko sya at nahahawakan ko sya.
Napakamot ako ng buhok ko dahil mga apat na araw lang naman silang mawawala o baka mga lima. Short cut kasi ang daan na dadaanan nila kong saan ang bayan ng Sta. Cristina at doon na sila pupunta patungong bayan ng Sta. Laura.

Nililingon kami ng mga taong nadadaanan namin at bumababa iyon sa kamay namin saka sila magbubulungan.

Tinahak namin ang daan patungo sa dulo ng bayan at ng makarating doon ay nakita din namin ang mga asawa atmga anak ng apat na taong sasama paalis ng bayan.

Nakita kong niyayakap ng mga lalaki ang mga maybahay nila samantalangang iba ay pinapangaralan ang mga anak.

Nakita ko din ang sasakyang pang konstraktor na sasakyan nila paalis ng bayan.

Huminto ako at tiningala si Ross na tinitigan ako, matamis ko syang nginitian saka ko kinuha ang panyo sa bulsa ko at pinunasanang pawis nya.

"Kumain ka sa tamang oras.. Hindi kita pinababayaam kaya wala kang karapatang pabayaan ang sarili mo, mag iingat ka palagi, pagbalik mo gusto ko wala kang galos o kong ano man, umalis ka ng buo kaya babalik ka saakin ng buo.. Naiintindihan mo ba?" paalala ko sakanya.
Ilang sandali nya akong tinitigan at tumango.

"Anong gusto mong pasalubong pagbalik ko?" marahang tanong nya kaya kinuha ko ang kamay nya saka iyon hinalikan.

"Ang gusto kong pasalubong ayang buong ikaw.. Ang Ross na mahal ako at mahal ko.. Bukod don ay wala na.." malambing na usal ko kaya napangiti ito at niyakap ako ng mahigpit.

"Nakakataba ng puso ang sobrang lambing mo.." mahinang bulong nya at ramdam ko ang paghalik nya sa noo ko.

"Pareng Ross.. Aalis na daw tayo.." nilingon namin ang mga kasama nya na nakatingin saamin pati narin nag mga pamilya nila.

Napalunok ako at nginitian sya inabot ko ang maliit na basket sakanya na agad naman nyang inabot.

"Segi na... Alis na.." mahinang taboy ko sakanya.

Ilang sandali nya akong tinitigan, tumingala sya saka pumikit at malakas na nagbuntong hininga.

"Tang*na ang hirap mong iwanan." mariing sabi nya at agadna tumalikod saka tuloy tuloy na naglakad palayo.

Hindi nya ako nilingon kahit nong makasakay sya sa sasakyan nila at unti unti na iyong umalis.
Agad nangili ang mga luha ko ng bumalik sa isip ko ang mga maaaring mangyari.
Hindi ko maipakita sakanyang natatakot ako dahil ayaw kong isipin nyang wala akong tiwala sakanya.

Nagulat ako ng tumigil ang sasakyan nila sa di kalayuan at nakita kong bumaba sya doon.

Malalaki ang mga hakbang nya papunta saakin.
Ilang sandali pa ay nakita ko ang sarili kong tumatakbo pasalubong sakanya.

Agad ko syang niyakap ng mahigpit at ganon din sya saakin, kumawala ang hikbi ko at naiyak sa dibdib nya.

"Babalik ako.. Kahit na ano pang mangyari. Babalikan kita Azelya... Magtiwala ka lang."

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Where stories live. Discover now