CHAPTER 8

134 5 0
                                    


It's already 5 in the afternoon, lumabas muna ako sa veranda at magpapahangin saglit dahil tulog pa si Zoriel, aantayin ko siyang magising bago kami lumabas ng villa.

I just took a photo of the scenery and posted it on my Ig story. The view was spectacularly beautiful, it was therapeutic!

Zoe texted me na dumiretso nalang kami sa restaurant dahil sasalubungin niya ang mga bisita niya. Bukas pa ang birthday niya at may announcement siyang ibubunyag.

"Kanina ka pa gising?" ani Zoriel.

"Yup inaantay lang kitang magising, sabay nadaw tayong pupunta sa resto" ani ko.

At dahil gising na siya, mag-aayos na ako. I just wore my high waisted shorts for  bottom and a white tube top partnered with my hermès sandals and a bandana to make it look chic.

Pagkarating namin ng resto, nandoon na ang mga bisita ni Zoe. Nang namataan ko siya lumapit ako sa kanya dahil kausap ni Zoriel yung ibang kaibigan namin.

"Ang slay mo today ha!" ani Zoe at ngumiti lang ako sa kanya.

"Pupunta ba si Zach?" tanong ko dahil hindi ko siya namataan.

"Yes, bukas pa ang dating niya dahil may inaasikaso pa siya" aniya at tumango lang ako. Nag simple dinner lang kaming lahat at may inumang magaganap mamaya.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa isang bar na malapit lang din sa resto para sa inuman.

"Cheers to Zoe's birthday!" Sigaw ng isang colleague namin.

Aantayin namin ang pagsapit ng alas dose para salubungin ang kaarawan ni Zoe.
Nilagok ko ang isang shot ng tequila.

"Oi Attorney! Kumusta?" ani Ryle.

"Okay lang, ikaw kumusta? Ang tagal na nating hindi nagkita ah!" ani ko at bumeso sa kanya.

"Hi Attorney!" bati ni Ella, college batchmate namin ni Zoe.

"Hi!" ani ko at bumeso.

Kinakausap ko lang yung mga ibang kakilala ko hanggang sa napagod ako kaya't bumalik ako sa table namin ni Zoriel.

"Para kang kumakandidato sa dami mong kakilala" aniya at humalakhak.

"Kaya nga ako napagod!" ani ko at natatawa.

Naubos nanamin ang isang bote ng Cuervo. Dumagdag pa ako ng dalawang bote dahil umupo sina Leila at Ella sa table namin. Lumabas muna si Zoriel dahil mag yoyosi muna siya.

"Boyfriend mo yun?" tanong ni Leila habang nagsasalin siya sa kanyang baso.

"Hindi, kaibigan ko lang yun" ani ko.

"It seems like he doesn't think of you as a friend" ani Ella at ngumisi.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Ella at nilagok ang natirang laman sa baso ko. I excused myself at pumunta kay Zoe para ibigay ang regalo ko sa kanya.

"Happy birthday Zo!" bati ko at humalik sa pisngi niya.

"Thank you girl!" aniya at tinanggap ang regalo. It was a customized heart pillow na may mukha niyang nakasimangot! I heaved a deep sigh.

"May problema ba?" tanong niya dahil umupo ako sa tabi niya.

"Hindi lang pala ikaw ang nakapansin pati yung ibang kakilala natin" ani ko.

"Kaya nga sabi ko sayo kausapin mo na. Kung pwede lang ngayon mo kausapin" aniya.

"Isa lang ang ibig sabihin kung bakit ayaw niyang layuan mo siya. Dahil gusto ka niya" dagdag na sabi niya.

The Burning Sensation (On-going)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt