CHAPTER 7

167 3 0
                                    


"This court is now in session. The attendees will be seated." The judge examines the document while everyone is seated.

Nandito si Mrs. Plaza, General Lopez, and the witness for this case na si Ms. Quinez. Mabuti na lang at nakipag-tulungan siya sa amin dahil malaking tulong ito sa mga nabiktima ni Hillera.

"Will the defendant please rise?" ani ng Judge.

Tumayo si Hillera at parang wala lang sa kanya ang nangyayari sa paligid, parang wala siya sa kanyang sarili.

"Mr. Antonio Hillera, you stand accused of the crimes of physical abuse, illegal gambling, and assault. How do you plead? Did you or did you not commit these crimes against your fellow being?"

"Oo may illegal ako na pasugalan pero hindi ko magagawang pumatay ng tao" ani Mr. Hillera, akala niya siguro matatakasan niya ang krimeng ginawa niya may witness na maglalabas lahat ng baho niya.

"Then you plead not guilty?"

"Yes".

"Napaka-sinungaling mo! Mabubulok ka sa kulungan! Hayup ka!" nagwala si Mrs. Plaza at kasabay nun ang pagbuhos ng luha niya.

"Silence in the court!" ani ng Judge, pinapatahan siya ngayon ng kapatid niya.

Nakulong na nga may lakas ng loob pang mag sinungaling. Ang taas ng tingin sa sarili na parang sa tingin niya ay makakalabas siya sa rehas.

Pinatay niya si Mr. Plaza dahil alam niya ang mga illegal na gawain ni Hillera. Lahat ng mga koneksiyon niya at mga kliyenteng nakakausap niya ay alam rin yon ni Mr. Plaza. Mabigat ang mga ebidensyang hawak namin, kaya't gagawin ko ang lahat para makulong siya at mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Mr. Plaza.

Makapangyarihan at bigating tao si Hillera dahil kilala siya sa kanyang negosyong mga alak, hindi lang illegal ang kanyang hinahawakan kaya't alam kong gagawa siya ng paraan upang makalaya sa rehas.

"Your Honor, may I approach the witness" ani ko.

"Yes, you may" anang Judge.

Nang magsalita si Ms. Quinez sa harap ay tinititigan niya si Hillera habang pumupungay ang mga mata niya sa galit.

"Naninilbihan ako sa kanya dahil gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko.. Kaya ako nandito ay dahil hindi na kinakaya ng konsensiya ko. Ginahasa niya ang kapatid ko ni wala akong nagawa dahil hawak niya ako sa leeg." bumuhos na ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

"Napakahayop mo! Mabubulok ka sa kulungan"

Ngumisi lamang si Hillera. Napakahayop talaga! Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang maipanalo ang kasong ito. Sisiguraduhin kong magbabayad siya sa lahat ng mga ginawa niya.

"We ask you to find Antonio Hillera, guilty of this charged crime." anang Judge.

Masesentensiyahan siya ng sampung taong pagkakakulong. Sa wakas ay nabigyan din ng hustisya ang pagkamatay ni Mr. Plaza at sa mga nabiktima niya.

Nang lumipas ang isang linggo ay nag-iimpake na ako para sa hawaii trip namin para sa birthday ni Zoe.

"Napaka-bigat ng kasong hinawakan mo, grabe ka ha! You're a monster in court" ani Zoe at humalakhak, habang ako ay nag-aayos ng mga gamit ko.

"Panatag naman ang loob ko na maipanalo ko ang kasong ito, may ebidensiya kaming hawak at may witness pa" ani ko.

"Hindi ka ba natatakot Sapph? I mean isn't dangerous?"

"Zoe sa ilang taon kong pagiging criminal lawyer kailan pa ko nagpapasindak?
Atsiyaka hindi naman mawala sa tao ang matakot" ani ko.

"All I want is to give justice to people who deserves it, yun lang naman ang iniisip ko".

The Burning Sensation (On-going)Where stories live. Discover now