Kabanata 6

798 21 0
                                    

Kabanata 6

"Sister, paglaki ko, magsusuot din ba ako ng ganyang damit?" the little girl wearing a white dress up to her knees asked. Nakahawak ang dalawang kamay nito sa lumang manikang nakatago sa kanyang likuran.

Sabi ng mga madre, isa siya sa mga anghel na hindi pinalad na mabigyan ng mabuting mga magulang. Pagkapanganak pa lamang umano sa kanya ay iniwan na siya sa kumbento. Hindi niya alam ang mundo sa labas ng matatayog na pader. Ang pamilyang kinalakihan ay ang mga madre, pari, at mga paslit na tulad niyang inabandona ng mga magulang. 

She grew up admiring the servants of God, especially the nuns who taught her so many things like how to write her name or how to properly bathe on her own. Mga bagay na dapat ay ang nagluwal sa kanya ang gumagawa.

Matipid na ngumiti ang madre bago ito tumango. "Kung iaadya ng Diyos, Ara ay darating ang panahon na ikaw naman ang magsisilbi sa Kanya." Yumuko ito at hinaplos ang pisngi ng bata. "Kaya palagi kang magpapakabait."

Malawak na ngumiti ang bata. "Opo!"

"Oh siya, sige na. Sumali ka na sa kanila at maglaro. Mamaya ay kakain na ng hapunan kasama si Father."

Tanging tango at masayang ngiti lamang ang iginanti ng bata bago ito tumakbo palapit sa ibang batang naglalaro. Tuluyan siyang humalo sa kumpol ng mga paslit, ang kanyang malutong na tawa ay sumabay sa mga tili sa palaruan.

She had fun with the other kids until the sun finally came down. Tinawag ang lahat patungo sa hapag-kainan matapos makapaglinis ng mga sarili. She's already ten and she knows how to bathe herself already unlike the other kids who still needed help from the nuns.

Ang bata ay pumwesto sa tabi ng isa pang madre. Yumuko ang ulo ng lahat at isinara ang mga mata upang mag-alay ng panalangin, ngunit nang sandaling imulat ng bata ang mga mata, napansin niya ang kakaibang titig na ipinupukol sa kanya ng Padre.

She suddenly felt shiver down her spine when the Priest clenched his jaw. Bago natapos ang panalangin ay muling ipinikit ng Padre ang mga mata nito habang nananatiling nakaigting ang panga.

It wasn't the last time she felt the sultry stares of the Priest. Nasundan pa iyon ng ilang beses sa tuwing bumibisita. Minsan ay pinanonood pa siya nitong magpadulas sa palaruan. Ang nananabik na mga mata ay sa kanyang mga hita ang titig kaya kaya nang mag-edad siya ng labing-dalawa, nawalan na siya ng ganang makipaglaro ang bata dahil sa nadaramang pagnanasa mula sa Padre. Madalas ay tumutulong na lamang siya sa ibang madre upang maglinis at magtiklop ng mga damit na nilabhan.

Isang araw, habang nagtitiklop ng damit ay tinawag siya ng isang madre. Kailangan daw niyang samahan ang Padre na dalawin ang may sakit mula sa kabilang bayan. Hindi nagduda ang sinoman dahil tahasang sinabi ng batang gusto niya ring magsilbi sa Diyos at ang sabi ng Padre, isasama siya upang makita niya ang isang gawain ng alagad ng Panginoon.

The girl remained silent as they drove away from the convent. Ngunit nang mapansin niyang tinatahak na nila ang daan patungo sa daang wala nang mga bahay at puno ng mga puno ang magkabilang daan, nagsimulang gumapang ang kaba sa kanyang puso.

She snapped when she felt the Priest's hand on her thigh until it travelled up to her undergarments. Mabilis niyang pinigil ang kamay nito, ngunit nang tingnan niya ang Padre ay dumilim ang ekspresyong nakaguhit sa mga mata nito.

His eyes shouted nothing but pure lust. Hininto nito ang sasakyan at dali-daling umikot ngunit bago nito narating ang pinto ay mabilis na kumilos ang dalagita upang tumakbo sa kakahuyan.

Her heart was pounding so loud inside her chest as she ran through the woods, but with the Priest's longer legs, hindi pa man siya nakalalayo ay naabutan na siya nito.

VIGILANTE HEARTS 1: TOUCH OF HEAVEN (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz