Kabanata 1

1.9K 37 3
                                    

Kabanata 1

"Giovanni. . . "

A lone tear trailed down the side of Sister Clarianara's face the moment she opened her eyes. She had another weird dream about a faceless man, but unlike her other dreams where she made love to him, this time, she watched him bleed to death after she shot him.

Bumangon siya at sinabunutan ang kanyang sarili. A heavy sigh escaped her lips as she bowed her head; confusion and guilt are clawing her heart as her dream slowly faded on the back of her mind.

It just doesn't make any sense. . .

Bakit ba ganoon ang kanyang mga panaginip? Nagdarasal naman siya bago matulog ngunit hindi pa rin siya nakakawala sa bangungot na dala ng lalakeng nagngangalang Giovanni.

Sino ba talaga ang lalakeng iyon at ito na lamang palagi ang laman ng mga panaginip niya?

A knock echoed behind the door of her room in the convent. "Sister Clary?"

Muli siyang nagpakawala ng mabigat na hininga. "Gising na ho ako, Sister Jane."

"Magandang umaga. Magkita na lamang tayo sa kusina," bilin nito bago tuluyang umalis.

She went out of her bed and knelt on the floor. Nang makuha ang kanyang rosaryo ay nagsimula siyang magdasal. Ihiningi niya ng tawad ang naging panaginip niya kahit hindi niya alam kung maituturing ba iyong kasalanan. Nang natapos ay dumiretso siya sa banyo upang makaligo na.

She wore her habit and went straight to the kitchen where Sister Jane and Sister Agatha are waiting, ngunit nang  maparaan siya sa bahagyang nakaawang na pinto ng opisina ni Mother Superior ay hindi niya naiwasang huminto sa paghakbang matapos matanaw ang hindi pamilyar na lalakeng nakamaong na jacket.

"Siguraduhin mong hindi sila aalis sa araw na iyon," anang lalake kay Mother Superior bago ibinigay ang sobre.

Bahagyang umangat ang laylayan ng jacket ng lalake nang tumindig. Sister Clary gasped in shock when she realized that the man was hiding a pistol on his waist. Napatingin ang dalawa sa labas ng pinto ngunit mabilis siyang nakapagtago. Kabado at halos pagpawisan nang malapot dala ng matinding takot na gumapang sa kanyang katawan.

She walked as fast as she could, and when she finally turned to the next hall, a sigh of relief left her lips.

Anong ginagawa ng isang armadong lalake sa opisina ni Mother Superior? Dahil ba iyon sa mga napababalitang tulisan na pagala-gala sa bayan? Are they offering the convent some kind of protection? Tanong niya sa kanyang isip.

"Sister Clary, ayos ka lang ba?" malamig na tanong ni Sister Agatha nang makapasok siya sa kusina. Ang malamig nitong mga mata ang unang bumati sa kanya.

Clary swallowed before she answered her with a slight nod. "Oo, Sister."

Sister Agatha grabbed the box of flour. "Huwag mong sabihing nanaginip ka na naman?"

Mariin niyang pinaglapat ang kanyng mga labi. Sister Agatha has been beside her since the day she woke up with no memory of who she was and what life she had lived before she ended up in the convent. Ngunit sa kabila ng pagiging malapit nito sa kanya ay may bahagi ng kanyang puso na nagsasabing maraming bagay na itinatago sa kanya si Sister Agatha.

Sometimes she doesn't feel comfortable around her, as if she knows so much about her but she'd carry the truth with her until she dies. Napakamisteryosa rin nito at hindi basta nagkukwento kahit madalas niyang nahuhuling nakatanaw sa mga bata tuwing mayroong nagtutungo sa kumbentong mga paslit kasama ang kanilang mga guro. 

Minsan na rin niya itong nahuling humahagulgol sa sariling silid matapos makipag-usap sa ilang bata na tila may bahagi ng nakaraan niyang naipaalala ng mga bata. The other nuns don't talk about how they got there exactly. Ang alam lang ni Sister Clary ay matagal na sila roon, base sa kwento ni Sister Agatha.

She let out the heavy air inside her lungs before she started cracking some eggs. "Huwag mo na akong intindihin, Sister. Pasasaan ba at mawawala rin ang masasamang panaginip ko," aniya.

Tumango na lamang ito. Nabalot naman sila ng katahimikan hanggang sa unti-unting humuni ng pampatulog na awitin si Sister Agatha. Malalim na naman ang iniisip nito at bakas sa mga mata ang labis na lungkot. . . at matinding pangungulila. Kung saan ay hindi niya matukoy. Alam din niyang hinding-hindi ito magkukwento kahit tanungin niya.

Sandali niya itong pinagmasdan nang palihim. Nang hindi na siya nakatiis ay itinigil niya ang ginagawa. "Sister Agatha, pwede ba akong magtanong?"

Naagaw niya ang atensyon ni Sister Agatha. Tila hinugot ito ng tanong niya mula sa kung saan kaya hindi nito napigilan ang paghinga nang malalim. "Ano 'yon?"

She hesitated at first, but her heart begged her to finally ask the question she had been dying to ask for a long time. 

"Have you. . . ever thought that we. . . somehow belong elsewhere? As if home, the home that's calling is, is out there, waiting for us to return?"

Napansin niya ang paglamlam ng mga mata nito bago pa nagawang umiwas ng tingin. Naging mariin din ang pagkakalapat ng mga labi na tila may kirot na nadama ang puso dahil sa kanyang tanong.

"We're both homeless, Sister Clary. That's a sad truth we both should accept."

Bumagsak ang mga balikat ni Sister Clary. "Pero paano kung hindi? Paano kung mali ka ng akala--"

"We've got nowhere to go." Naging malamig ang tingin ni Sister Agatha sa kanya. "Sa tingin mo, kung may tahanang naghihintay talaga sa atin sa labas ng kumbento, dito ka magigising?"

Napakunot siya ng noo. "Ano'ng. . . ibig mong sabihin? Choice mo ba, natin, na rito tayo mapunta?"

Sandali itong natahimik na tila natauhan. Mayamaya ay ibinalik nito ang tingin sa dough bago bumuntonghininga. "Tapusin na natin ang mga tinapay. Maagang dadalhin ang mga ito sa orphanage. Baka mapagalitan lang tayo ni Mother Superior kung tatanghaliin sina Baste."

Speaking of Mother Superior, naalala niya bigla ang eksenang nasilip niya kanina sa opisina. Bakit kaya may armadong lalake roon? Tanong niya sa sarili.

As if Agatha was able to read her mind, she turned to Clary again with the look on her face that says she has to tell her whatever it is that she was thinking. 

Sandali siyang lumunok. "May. . . bisita si Mother Superior. Tingin ko ay nagpapadagdag ng seguridad sa compound ng kumbento," alanganin niyang sabi.

Nagsalubong ang mga kilay ni Sister Agatha. "Nagdadagdag? Paano mo nasabi?"

She chewed her bottom lip for a moment. "Kasi. . . may baril iyong kausap niya tapos sabi siguraduhing huwag daw papaalisin sa araw na pinag-usapan nila. Hindi ko alam kung tayo bang lahat ang tinutukoy."

Napansin niya ang pagguhit ng pangamba sa mukha ni Sister Agatha. Natigilan din ito at hindi kaagad nakakibo. Nag-alala naman siya kaya tatanungin niya sana ito kung bakit ganoon ang naging reaksyon sa ibinalita niya, ngunit ganoon na lang ang naging tili niya nang isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw mula sa labas.

"Shit!" Sister Agatha cursed, making Sister Clary look even more horrified.

"Sister! Bakit nagmu--"

Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang hatakin siya nito sa braso saka siya kinaladkad upang magtago sa stock room. Hinayaan nitong nakaawang nang kaunti ang pinto na tila nais nitong makita kung mayroong papasok sa kusina. 

Nanginginig ang mga kamay na yumuko at nagdasal sa Panginoon si Sister Clary, ngunit nang mapansin niyang itinataas ni Sister Agatha ang laylayan ng damit nito upang makuha ang bagay na naka-strap sa kanang hita nito ay halos tumigil ang tibok ng kanyang puso. Naestatwa ang kanyang katawan at hindi niya napigilan ang naging panlalaki ng kanyang mga mata.

"S-Sister Agatha?" Her face turned pale. "B-Bakit may baril ka?"

VIGILANTE HEARTS 1: TOUCH OF HEAVEN (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)Where stories live. Discover now