Chapter 48: The Monster she became

Magsimula sa umpisa
                                    

"Aaminin ko, noong una si Dexter ang naiisip kong pumalit sakin pero may napipisil na akong bagong papalit sakin... Si Dustin Consulacion. Hindi ba't magkakilala rin kayo? Perpekto siya para pangunahan ang programa."

Nagulat man ako dahil sa narinig, pilit parin akong ngumiti, "Good choice po Tatang, pareho po tayo ng naiisip. We're so osum! Actually I personally think that Dustin is perfect to lead the program. Lumaki po si Dustin sa napakabait na pamilya, in fact if it wasn't for the injustice he suffered, hindi siya maliligaw ng landas. Dustin has a sense of justice that's perfect for the program."

Dustin used to be my ultimate crushy loves and all but if he does becomes part of the program, I will seriously kick him in the dingdong until he vomits all his senses... he'd still be super adorable though. Adorable only.

"So Tatang... does this mean part na po talaga ako sa program now that alam ko na ang history and all?" Tanong ko pero ngumiti lamang siya at muling umiling.

"There's one more thing." Aniya.

Oh fuckydy fuck, why do I have a bad feeling about this?

***

Pumasok kami ni Tatang sa isang kwartong hindi masyadong maliwanag pero sa kabila nito ay naaninag ko ang isang malaking upuang kulay puti. Ang upuan.. gaya siya ng mga nakikita ko sa dental clinic.. yun bang inuupuan ng mga pasyente. Creepy shit bruh.

"'Wag kang kakabahan, walang mangyayaring masama sayo." Sambit ni Tatang matapos niya akong paupuin rito.

"Tatang wala naman pong masakit sa ngipin ko eh, 'wag na po 'to please?" Pakiusap ako sabay pa-cute, after all I'm his favorite victim este daughter... Eww.

Tatayo sana ako pero laking gulat ko nang bigla na lamang ikinabit ni Tatang ang isang mahigpit na tali sa leeg ko dahilan para hindi na ako makagalaw pa. Itinali niya rin ang mga kamay ko sa upuan pero hindi na ako nanglaban pa. Shit tatang, ano na naman ba 'to?

"Tatang anong ginagawa mo?!" Sigaw ko.

"Anak mas lalo ka kasing masasaktan kung manglalaban ka, mas mabuti pang nakatali ka habang isinasagawa ko ang proseso sayo." Aniya saka tinapik ang balikat ko na para bang pinapakalma ako.

"Anong proseso? Tatang please naman, 'wag mo akong sasaktan. Paano ako makakatulong sayo kung papatayin mo ako?" Katwiran ko at sa abot ng makakaya ko'y pinilit kong wag magwala. Baka kasi may pag-asa pang mauto ang isang 'to.

"Anak hindi kita papatayin, magtiwala ka sa'kin. Sisiguraduhin ko lang na mananatili sakin ang katapatan mo habang buhay." Kalmado niyang giit at bigla na lamang binuksan ang ilaw.

Wala akong magawa kundi mapatili na lamang nang mapagtanto kong hindi lang pala kami ni Tatang ang nandito sa kwarto. May isa pang upuan sa tabi ko at nakatali rito ang walang malay na si Kerry. Hindi kalayuan sa amin ay may isang kama at nakahiga rito ang duguang si Rose... Gising si Rose pero nakatitig lamang siya sa kisame na para bang walang kabuhay-buhay. May benda ang kaliwa niyang mga mata pero nagkulay pula na ito sa labis na pagdurugo... Umaagos ang dugo pababa ng mukha niya na parang umiiyak ng dugo ang kaliwa niyang mata.

"Rose! Rose naririnig mo ba ako?!" Sigaw ko habang pilit na kinukuha ang atensyon niya ngunit balewala. Para siyang walang pakialam sa paligid, para siyang walang naririnig o nararamdaman.

The wound in her eye... Her unresponsive reaction. She's been lobotomized.

"Pansamantala lang 'yan, 'wag kang mag-alala, kung makakayanan niya ang operasyon; Ilang araw lang, maitatanim na natin sa isipan iniya ang lahat ng mga pinaniniwalaan natin. Magiging kaisa natin siya." Pagmamalaki nito kaya hindi ko na magawang makapagsalita pa. Hinayaan ko na lamang ang luha kong bumuhos.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon