"Sige, ayos lang.. Pasenysa na kung iyakin ako ah.. Akala ko kasi mahal mo na din ako.. Ang tanga ko kasi, ang bilis ko umasa kahit wala ka namang sinasabi sakin. Sorry din.. Kalimutan na lang natin... Ok lang ako.." Malungkot na ngiti ang ibinigay ni Ahra bago siya tumayo at nagtatakbo palayo.

Pagdating sa bahay, naghanda agad si Ahra para matulog na lang. Wala syang balak kumain kaya tatapusin lang nya ang assignment at matutulog na.

Hindi nya mapigilang wag magcheck ng facebook nya. Nalungkot sya lalo ng mapansin nya na nakablock ba sya kay Youngmin. Magdedeactivate na lang sana sya pero nagmessage sa kanya si Kwangmin kahit nakaoffline ito.

Kwangmin: ok na ba kayo?

Ahra: oo.. Ayos na :)

Kwangmin: masaya ka na? :p

Ahra: malungkot :'(

Kwangmin: bakit? :(

Ahra: wala, naalala ko lang yung ex ko.. Sinaktan kasi ako non kaya nalulungkot ako pag naaalala ko.

Kwangmin: ang tanga naman nun.

Ahra: :)

Kwangmin: malungkot ka nga... Hindi ka madaldal ngayon sa chat :/

Ahra: magiging ok din ako. Dont worry

Kwangmin: ok.. Kumain ka na ba?

Ahra: wala po akong gana..

Kwangmin: wag mo pabayaan sarili mo. Kumain ka na baka magkasakit ka.

Ahra: ayoko ng pagkain ngayon.

Kwangmin: eh ano gusto mo, fried chicken na naman? >.<

Ahra: pwede :p

Kwangmin: ikaw talaga, magkakapakpak ka nyan

Ahra: ok lang para lilipad ako

Kwangmin: hindi naman nakakalipad mga chicken :p

Ahra: oo nga pala

Kwangmin: sige log out na talaga ko. May gagawin pa ko.

Ahra: sige.

Hindi na itinuloy ni Ahra ang pagdedeactivate dahil mas mag-aalala lang si Kwangmin sa kanya. Ipinrint na nya ang assignment na 20 pages din ang inabot. Naligo sya at nagpalit ng pangtulog kahit 7pm pa lang.

Mahihiga na sana si Ahra ng kumatok ang nanay nya.

"Ahra, kumain ka na ba?" Tanong nito matapos kumatok.

"Busog po ako, Nay." Pagsisinungaling nya. Abg totoo gusto lang nya maghunger strike dahil sa pagreject na ginawa ni Youngmin sa kanya. Pakiramdam nya kasi napakaworthless naman nya para mabasted. Sya na nga ang umamin hindi pa sya pinatulan!

"Sige pero bumaba ka muna at may bisita ka." Napabalikwas ng tayo si Ahra. Naisip nya agad, baka si Youngmin!

'Baka naguilty sya kaya magsosorry at babawiin ang sinabi nya?!' Nasabi nya sa sarili habang nagmamadali siyang nagtsinelas para bumaba.

Nakangiting bumaba si Ahra para harapin ang bisita. Akala niya talaga si Youngmin ito dahil nakatalikod pa pero pagharap, medyo nalungkot sya.

"Kwangmin... Bakit?" Tanong nya sabay mostra na maupo sila.

"Baka kasi hindi ka kumain kaya ayan, fried chicken para sigurado na kakain ka." Binigay nito ang dalang paperbag na may lamang pagkain.

"Ay, nagbibiro lang ako sana hindi ka na nag-abala, nakakahiya tuloy." Namumulang sabi ni Ahra. Hindi sya makatingin ng diretso kay Kwangmin lalo na at nakangiti pa ito sa kanya. Umiiral na naman ang pagkacrush nya dito.

"Wala yun, kesa naman hindi ka talaga kakain. Sige na ubusin mo yan ha. Di na rin ako magtatagal kasi gagawa pa ko ng assignment." At nagpaalam na ito.

Hinatid naman ni Ahra si Kwangmin sa gate nila.

"salamat ulit. Ingat ha! Wag ka na magpuyat ang laki na ng eyebags mo!" Pabiro pang sabi ni Ahra.

"Bagay naman sakin ah..." Katwiran naman ni Kwangmin.

"Kahit na.. Pag nahuli ka ni sir na natutulog sa klase bukas lagot ka!" Banta pa ni Ahra sabay tawa.

"Sige na, yes boss!" At sumaludo pa si Kwangmin bago umalis.

Bumalik ng bahay si Ahra na nakangiti. Pagbukas nya ng paperbag, napansin nya na mayroon palang isang maliit na white rose sa loob nito.

"Wag mo kakainin 'to. Itago mo na lang." Nakasulat sa maliit na card na nakatali sa rose.

"Ang sweet naman.." Pang-aasar ng nanay nya. Tuwing may pupunta kasing lalaki sa kanila pinaghihinalaang manliligaw nya.

"Kaibigan ko lang po yon Nay." Paliwanag nya sabay amoy sa rose. Alam naman nyang wala naman talagang amoy ang rose pero nagulat sya dahil amoy pabango ito ni Kwangmin. Yung pabango na tinatanong nya pero laging sinasabi ni Kwangmin na pawis lang daw nya yun.

Pagkatapos kumain, nagtext si Ahra kay Kwangmin para magpasalamat ulit.

"sarap ng fried chicken, tnx. Ung rose amoy pawis mo! Hehe" nakangiting sabi nya at sinend ang message kay Kwangmin.

"Ur welcome. Sayang ung fried chicken tlg dpat lalagyan ko ng pawis ko, namali ako s rose nalagay. Tulog na, gabi na." Reply naman ni Kwangmin sa kanya.

Nagreplya pa ulit si Ahra bago patayin ang celphone nya para matulog. Bago sya matulog, bigla na naman nyang naisip si Youngmin... Ano kaya ang ginagawa nito ngayon.. Iniisip din kaya nito ang sinabi nya kanina o talagang wala itong pakialam? Nakatulog si Ahra na ganito ang nasa isip.

~~~*~~~*~~~*~~~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 06, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Angel In DisguiseWhere stories live. Discover now