"Perfect."

I said when I'd already decided what I would wear. It's just soft cloth cotton white t-shirt tucked in to my pair of black ripped jeans and sneakers. Sabi ni Blare condo raw iyong venue kaya nagsuot na rin ako ng denim jacket, for sure medyo malamig doon.

Sa aming lahat si Blare ang pinamabilis kumilos kaya nang makapagbihis na siya pati si Ada ay agad na kaming lumabas.

Nagpaalam kami kay Yaya Pearl at sakto naman na dumating na rin si Mark, ngayon ko lang nakita iyong dala niyang sasakyan. Black Mercedes Benz iyon.

"Hi!"

Bungad ko sa kaniya nang makapasok kami sa loob. Nasa shotgun seat ako habang sina Ada at Blare ay nasa likod.

Ang gwapo niya today!

He wears a black designer shirt with two buttons open, tucked into his pair of black slacks, a black belt, and sneakers.

Si Blare ay iyong black Adidas jacket niya, may suot siyang white T-shirt sa loob at black Adidas pants, sneakers naman iyong sapatos niya. Habang si Andrea ay iyong brown knitted crop top slim off-shoulder niya, high waisted black denim short, silver high heels at sling bag.

"Hello." He smiled at me before he started the engine.

Asia Pacific Condotel iyong condotel na sinabi ni Blare kung saan 'yong venue. Hindi alam ni Mark iyon pero ituturo naman daw ni Blare. Medyo badtrip lang kasi ma-traffic sa way namin papunta sa Pasay. Sarap mag-LRT tuloy.

Exactly 3PM nang makarating kami sa condotel. Wala na kaming sinayang na oras at kaagad na umakyat sa unit ng kaklase ni Blare.

Pagkarating namin sa condo ni Czaer, ang birthday celebrant. Si Czaer mismo ang nag-welcome sa amin. Naunang pumasok si Blare, sumunod naman kami.

"Wow... I like the venue." Sabi ni Ada.

Nililibot ni Ada ang tingin niya sa venue.

"I want this kind of unit. Ang laki!" Sabi ko habang nililibot din ang tingin sa venue.

Nakarating kami sa harapan dahil pinakilala kami ni Czaer sa iba niyang bisita.

Marami ng tao sa loob at siyempre, expected na namin iyon dahil marami daw talagang kakilala itong si Czaer.

Sa pinaka harapan ng venue naroon ang tarpaulin ni Czaer na may nakasulat na

'Happy 20th Birthday Czaer'

At may malaking cake na nakalagay sa gilid kasama ng mga regalo ng bisita.

"Happy birthday, Czaer."

Inabot namin iyong pinag-ambagan namin regalo para kay Czaer. It's a Louis Vuitton brown bag.

Sinunod namin binigay ang kanikaniya naming regalo. Ang regalo ko sa kaniya ay bracelet, feather 'yung design niya.

"Thank you so much! I appreciate it! Welcome to my party." She said so happy. "By the way. I better go, may mga dumarating pa." She shyly smiles at us.

"Yeah, of course. Happy Birthday again."

Nakipagbeso si Ada kay Czaer kami naman ay nakipagkamay.

"Blare..." Tawag ko kay Blare. "Akala ko ba 9PM pa start? Eh, parang na-late pa tayo?" Nahihiyang sabi ko kay Blare.

"Oo nga akala ko din, baka 9PM ang start ng after party? Pero ayos lang nakahabol naman tayo."

"Okay. Sige na."

Pinaalis ko na siya dahil biglang may humatak sa kaniya.

"Enjoy!" Kinawayan kaming dalawa ni Ada. Umalis na siya kaya kaming dalawa na lang ni Mark.

A Diamond Between UsWhere stories live. Discover now