Kuya Max

191 1 0
                                    


Maaga palang inaayusan ko na si Austin, mahirap kasing ayusan tong batang to pag nawala sa mood e. Manang mana sa tito niya, si Kuya Max kasi pag tinamad na, hindi ka na niyan kakausapin, nahawa ata tong anak ko, si Kuya kasi laging kasama niya sa Amerika nun, si Rianne kasi part timer pa lang sa hospital nun, kaya nung matapos yung contract nya sa hospital nagtuloy siya sa pag aaral, then naiiwan ko lagi si Austin kay Kuya. 











"Maxive, susunduin daw kayo ni Miguel dito" sabi ni Kuya nung pababa na kami ni Austin ng hagdan.










" Alam mo, Kuya nakakahalata na ko sayo e, push ka ng push sa akin kay Miguel e." sabi ko. "Alam ko na siya ang tatay ni Austin, pero Kuya hindi ka ba natauhan sa sinabi niya kagabi? Parang sinabi niya na malandi ako, at kung kani kaninong lalaki ko lang anak si Austin, ang sakit kaya nun, paano pag nalaman ni Austin na ganun ang tingin ng tatay niya sa nanay niya? pag lumaki na siya? Hindi ko kailangan si Miguel sa buhay namin ni Austin, lalo na kung ganyan ang tingin niya sa akin" sabi ko pa kay Kuya. 










"Maxive, hindi ako habang buhay nasa tabi niyo ni Austin. Gusto ko din magkaroon ng sariling pamilya, kami ni Rianne, at hindi ko hahayaan na mag isa ka lang. Alam kong galit ka kay Miguel ngayon, pero hindi magbabago na siya ang tatay ni Austin" sabi ni Kuya












"Pinipigilan ka ba namin ni Austin na bumuo ng pamilya?" tanong ko kay Kuya, "Na pe pressure ka na ba sa pag aalaga at pag po provide mo sa amin ni Austin? Gusto mo ba umalis na kami dito sa bahay para makabuo ka na ng pamilya mo? Sabihin mo lang" sabi ko.











"HINDI GANUN ANG GUSTO KONG PALABASIN, MAXIVE" sigaw ni Kuya sa akin










"EH ANO? GUSTO MO KONG BALIKAN SI MIGUEL KASI PAGOD KA NG MAG PROVIDE SA AMIN NI AUSTIN, DI BA? GUSTO MO KONG UMALIS SA LUNGGA MO PARA MAKABUO KA NA NG SARILING PAMILYA, GANUN LANG ANG GUSTO MONG SABIHIN KUYA" sigaw ko sa kaniya pabalik.










"TANG!NA MAXIVE, OO. PAGOD NA PAGOD NA KO SAYO AT KAY AUSTIN, NAKAKAINIS NA LAGING KAYONG DALAWA YUNG INUUNA KO KESA YUNG SARILI KO. MATANDA KA NA MAXIVE, HINDI MO NA KAILANGAN ANG TULONG KO, TUMAYO KA SA SARILI MONG MGA PAA PARA SA ANAK MO, KUNG KAILANGAN KITANG PALAYASIN DITO GAGAWIN KO, AYUSIN MO LANG ANG BUHAY MO" Sigaw niya, nanghihina na ko ng mga sandaling yun, umiiyak na din si Austin na nakayakap na sa paa ko.










"FINE" sigaw ko "AALIS KAMI NI AUSTIN, MAMUHAY KA SA BUHAY NA GUSTO MO, SANA MAGING MASAYA KAYO" aalis na sana ako nun, pero nagsalita ulit ako. "Baka nakakalimutan mo, Kuya. Ikaw ang nagsabi sa akin na susuportahan mo kami ni Austin, at hindi kita pinilit na ipagamot ako sa Amerika. Lahat ng ginawa mo, desisyon mo. Dinamay mo lang ako, ngayon pati anak ko, dinadamay mo na, blame me, Kuya. Not my son" sabi ko sabay punta sa labas. 


Apart from being FuBu: ChangesWhere stories live. Discover now