Chapter 6

1.7K 32 1
                                    

{Chapter 6}

"J-Jarren? A-Anong g-ginagawa mo d-dito?" Kinakabahang sambit ko nang makita siyang prenteng nakaupo sa sofa at nakangising nakatingin sa'kin. Humigpit ang pagkakakalong ko kay Kalie. Paano siya nakapasok dito? At paano niya nalaman kung nasaan kami ng anak ko?

Sumandal siya sa sofa at pinakatitigan ako. Nanginginig ang mga tuhod ko. Hindi ko alam! Hindi ko alam kung bakit siya nandito!

"Is that her? Is he our daughter?" Then he chuckled.

"Hindi mo siya anak! Wala kang anak sa'kin kaya umalis ka na!" sigaw ko sa kaniya pero nanatili siyang nakangisi at ipinatong ang magkabilang braso sa sofa.

"Ipakilala mo naman ako sa kaniya oh! Tell her that I'm her dad." Nakangising aniya. Tumayo ang balahibo ko sa paraan ng pagngisi niya. Natatakot ako! Natatakot ako para sa'ming dalawa ng anak ko.

"Umalis ka na sabi!" sigaw kong muli ngunit hindi siya natinag bagkus ay tumayo siya at umambang lalapit sa'kin.

"'Wag kang lalapit! Sinasabi ko sa'yo. Tatawag ako ng pulis!" sigaw ko sa takot pero hindi niya ako pinakinggan at tuloy-tuloy lang ang paglapit niya sa'kin.

"Why? I just want to see my daughter. Bakit ayaw mo siyang ipakita sa'kin?"

Umatras ako at mahigpit ang kapit ko kay baby Kalie. Pinagpapawisan na ako dito pero di ko alam kung anong gagawin. Sinulyapan ko ang maamong mukha ng anak ko nang marinig ang iyak niya.

"See? Umiiyak na siya. Naiipit mo ang anak natin, Jia."

Nanlilisik ang mga matang tinignan ko siya. "Pwede ba? Umalis ka na! Hindi ka na namin kailangan. Hinding-hindi ko siya ipakikilala sa'yo!" sigaw ko dito. Mas lalo namang lumakas ang iyak ng anak ko kaya hinaplos ko ang noo niya't pinatahan.

Akmang hahawakan niya si Kalie nang iiwas ko sa kaniya ang bata.

"Kahit kailanman hinding-hindi mo siya makikilala. Tandaan mo 'yan, Jarren." sigaw ko sa pagmumukha niya na mas lalo niyang ikinangisi.

Napadaing ako nang hablutin niya ang buhok ko. "Arayy! Jarren nasasaktan ako. Ano ba?"

Mas lalong lumakas ang iyak ni Kalie dahil naiipit siya sa pagkakahablot ni Jarren ng buhok ko.

"Walanghiya ka talaga! Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa'kin pagkatapos ng nangyari sa'tin." singhal ko dito.

"Did you think I wouldn't know? I'm not stupid, Jia, to let you raise our child. You know I'll do anything."

"Hindi mo siya anak! Wala kang kikilalaning anak sa'kin sira*lo ka!" Napapikit ako nang muli niyang hilahin ang buhok ko. Ang sakit na ng anit ko dahil sa pagkakahila niya sa buhok ko. Nasasaktan ako.

"Bitawan mo'ko sabi eh!" Sigaw ko pero hindi niya ako pinakinggan bagkus ay gamit ang isa niyang kamay ay pwersahan niyang kinuha sa'kin si Kalie.

"Huwag mo siyang kunin...Jarren bitawan mo siya!" Pagsusumamo ko sa kaniya nang makuha niya ang bata sa'kin.

Ngumisi siya bago ako tignan. Tumulo ang luha ko ng makitang hinaplos niya ang pisngi ng bata.

"Hindi mo siya pwedeng kunin sa'kin. Anak ko siya! Jarren, anak ko siya...." hikbi ko pero huli na ang lahat dahil tumalikod na siya bitbit ang anak ko.

"Jarren!..." sigaw ko nang makitang papalayo na siya sa'kin. Dali-dali akong tumayo para maabutan ko siya pero may kung ano akong natapakan na bagay kaya napaluhod na lang ako sa sahig sa sakit.

"Anak ko...'Wag mo siyang ilayo sa'kin...parang awa mo na, Jarren..." Pilit kong inaabot sa kawalan ang kamay ko pero hindi niya na ako nilingon pa. Sakay ng kotse ay dali-dali silang umalis bitbit ang anak ko.


Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Where stories live. Discover now