Capitulum 12

2.8K 142 7
                                    

Capitulum 12

 

Runaway Groom

 

Napalunok ako habang galit na galit na nakatingin sa akin ang kaluluwa. Nakakatakot talaga ang hitsura niya. Ang makapanood pa nga lang ng mga horror movies ay takot na takot na ako, paano pa kaya kung makaharap ako ng multo sa totoong buhay? Ngayon, nanginginig ang tuhod ko sa takot. Mas gusto ko pang makaharap ay isang demon dahil hindi gaanong nakakatakot ang hitsura pero kapag multo, nakakatakot talaga lalo na ang mga dugong tumatagas sa kaliwang mata niyang halos lumuwa na. Ang kaliwa niyang pisngi ay may malaking hiwa. Panay ang lagutok ng buto niya sa katawan na para bang nagkabali-bali na ito. Ang tunog na iyon ang nagpapakilabot sa akin! Naalala ko sa kanya 'yong multo sa pinanood kong pelikula noon na The Grudge o Ju-on! Dahil sa pelikulang 'yon kaya hindi ako makapag-isa maging sa pag-ihi ko!

"Sino ka?! Sabihin mo!" Pag-ulit niya sa tanong niya. Kahit na ilang beses niya akong hampasin ay tumatagos lang ang kamay niya. Kung kaluluwa lang ako ngayon, baka mahawakan niya ako pero tao ako ngayon. "Isa ka bas a mga taong may gustong ipagiba ang gusaling ito?! Hindi ako papayag! Kapag nawala ito, hindi na ako mababalikan pa ni Agusto!"

Natigilan ako. "H-Hindi 'yon ang ipinunta ko dito. Nandito ako para tulungan ka."

Tumawa siya at dahil doon, tumulo ang dugo mula sa kanyang bibig. "Hindi ko kailangan ng tulong mo! Tulong mula sa isang tao?! Paano mo ako matutulungan?! Mapapabalik mo ba dito sa Agusto?!"

Huminga ako nang malalim. "Nasaan ba si...Agusto? Ano bang nangyari sa'yo bago ka mamatay?"

Tumulo ang dugo mula sa kanyang mga mata na para bang nagmimistulang luha. "Iniwan ako ni Agusto. Pinagtaksilan niya ako. Mas pinili niya ang babaeng 'yon kaysa sa akin," Tumingin siya sa gusali. "Iniwan niya ako!"

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Nabasa ko ang impormasyon tungkol sa kanya. Nagpakamatay siya sa lugar na ito. Tumalon siya mula sa ikawalong palapag ng gusali. Hindi nakasaad sa papel kung bakit siya nagpakamatay. Ang sabi sa akin ni Seth, hindi daw nila talaga isinama 'yon dahil ako daw ang dapat na makatuklas noon.

"May galit ka ba sa kanya? Gusto mo ba siyang...paghigantihan?"

Tumingin siya sa 'kin. "Noong una, gusto kong magdusa siya kagaya nang nangyayari sa 'kin pero sa tagal ng itinigil ko dito, nag-intay pa rin ako sa pagbabalik niya. Hindi ako magsasawang antayin siya." Humagulhol siya.

Parang piniga ang aking puso dahil sa aking nasasaksihan. Pinagtaksilan siya ng lalakeng mahal niya pero hindi niya na gustong maghiganti, ang tanging gusto niya lang ay ang makita ito. Pero dahil sa kagustuhan niyang iyon, pwede siyang maging demon. Kailangan kong mahanap si Agustus bago siya tuluyang maging demon. Napansin ko ang kadena sa kanyang paa na unti-unting umiikli. Kapag tuluyan nang nawala iyon ay ibig sabihin, mag-a-undergo na siya sa process ng Alteration. Iyon ang kailangan kong pigilan.

"Sabihin mo sa akin ang lahat ng nangyar sa 'yo. Pangako, tutulungan kita. Claudia."

Dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha. Nawala ang mga dugo dito. Umayos na din ang pwesto ng kanyang kaliwang mata. Ang suot niyang puting damit na pangkasal ay parang naging bago. Maging ang tuyo na flower crown na nakapatong sa kanyang ulo ay naging sariwang muli. Ngayon ko napansin na napakaganda niya. May manipis at mahab siyang buhok. Mukha siyang may lahing kastila dahil sa matangos niyang ilong at brown na mga mata. Ang kanyang kutis ay napakakinis.

Into Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon