Capitulum 17

2.7K 137 4
                                    

Capitulum 17

Lies and Deceptions

My father's question left me dumbfounded. It's as if there's a lump in my throat, making it hard for me to speak.

Lie. Lie. Lie. This is what I chant inside my head. Hindi niya pwedeng malaman ang nangyayari sa 'kin. Hindi rin naman niya ako paniniwalaan kung sakaling sabihin ko.

Muling nagsalita si Papa. Nadagdagan ang aking kaba.

"You're not...perhaps, taking drugs are you?"

Nanlaki ang aking mga mata. "What--No!" I almost laugh at him but I restrained myself. "I...just...I...can't..."

I scratched my head. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Alam kong dadating sa punto na magtataka na si Papa sa mga ginagawa ko pero hindi ko inaasahan na kokomprontahin niya ako kaagad. Ni hindi man lang ako nakapaghanda sa aking sasabihin.

Tumingin ako kay Kyrie para humingi ng tulong pero poker face lang siya habang nakatingin kay Papa.

Narinig kong bumuntong-hininga si Papa. "Ikaw ba talaga ang anak kong si Alaizabel?"

Mas lalo akong hindi nakapagsalita dahil sa tanong niyang iyon. I am me but not entirely. Hindi na ako parte ng mundong 'to kaya hindi ko masabi kung tama bang sabihin ko na ako 'to.

Lie to him, Alaizabel. Hindi din niya maiintindihan kung sasabihin mo sa kanya ang totoo.

Napatingin ako kay Kyrie na poker face pa rin.

He just talked through my mind.

H-how? Ano'ng sasabihin ko sa kanya?

To my surprise, he answered again. Tell him you have important things to do. Kahit ano basta ilayo mo siya sa katotohanan.

Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata, bumuntong-hininga at muling nagmulat.

"Oo naman, Papa. Ako 'to," Ngumiti ako sa kanya. "'Pa, alam kong mahirap intindihin pero nawalan na kasi ako ng interes sa pag-aaral. Palagi akong umaalis para makatulong sa iba't-ibang tao. Naisip kong 'yon ang dapat kong gawin sa second life ko."

Matagal akong tinitigan ni Papa. That was a terrible lie, I know. But I was left with no choice.

"Alaizabel, mahalaga ang pag-aaral. 'Wag kang gumaya sa 'kin na hindi nakatapos. Gusto kong makatapos ka." Dumausdos ang luha mula sa mga mata ni Papa.

Parang piniga ang aking puso dahil sa aking nakita.

"P-pero--"

Umiling siya. "Naiintindihan ko. Hindi ko lang kaagad matanggap na hindi ka makakatapos,"

Tumayo ako. Nilapitan ko si Papa para bigyan siya ng mahigpit na yakap.

"Kapag natapos ko ang lahat ng ito, ipapaliwanag ko sa 'yo ng buo ang lahat."

Ngumiti siya sa 'kin. "May tiwala ako sa 'yo, anak. Hihintayin ko ang paliwanag mo."

Natapos ang pag-uusap namin tungkol sa aking pag-aaral nang magkwento si Papa tungkol sa kanyang trabaho. Sumali na din si Kyrie sa usapan. Tumagal pa ng dalawang oras ang pag-uusap namin. Naputol lang ito nang umalis si Papa dahil kailangan siya sa kanyang trabaho.

Nakahalukipkip akong humarap kay Kyrie. "By the way, bakit nandito ka?"

He shrugged. "Visiting."

"Wala ka bang trabaho sa Regnum Animae?"

"Pinapaalis mo na ba ako?"

Umupo ako sa couch. "Hindi naman sa ganon. Nagtaka lang ako dahil may oras kang bumisita dito kahit na abala kayo."

Into Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon