Capitulum 21

1.5K 66 4
                                    

Chapter 21

Unconditional Love

Umihip ang malakas na hangin. Nakatitig lang ako kay Chase at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot na baka pinapaasa niya lang ako o dahil sign ito na may nararamdaman din siya para sa 'kin.

"Ano sa 'yo kung tumigil ako? Wala ka namang pakealam, 'di ba?"

Kinagat niya ang ibaba niyang labi. "You can't love me because..." He gasped and covered his face using his one hand. "There's still...there's still, someone else trapped in my heart."

Saglit na natigil ang aking paghinga. Napasinghap ako at umiwas ng tingin. 'Yung katiting na pag-asa na baka gusto niya rin ako ay kaagad na nawala. Sinasabi ko na nga ba't pinapaasa niya lamang ako. Ano ba talagang kailangan niya pa sa 'kin? Kung may mahal pala siyang iba, bakit pa siya nandito? Bakit pa niya inaaksaya ang oras niya sa 'kin?

"Ano pa'ng dahilan kung bakit dinala mo ako dito? Ang sabi mo hindi kita pwedeng mahalin tapos sasabihin mo, hindi mo naman sinabi na 'wag akong tumigil?" Naramdaman ko ang pamamasa ng aking mga mata. "Ano'ng gusto mong gawin ko? Umasa ako sa wala?"

Humakbang siya at akmang hahawakan ang aking mukha pero umatras ako. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata pero ayoko nang magpadala pa sa kanya.

"Chase, kung wala ka rin namang balak na saluhin ako, 'wag mo na akong ihulog sa 'yo."

Kinuha ko ang portal sa aking bulsa. Inihagis ko ang bilog na device sa ere at pumasok doon. Napunta ako sa loob ng aking kwarto.

Pabagsak akong dumapa sa kama. Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti na lang hindi niya ako sinundan. Ayokong makita niya na basang-basa na ng luha ang aking mukha.

Beep beep beep...beep beep beep...

Napabangon ako bigla sa kama nang marinig ang device na tumutunog. Kaagad ko itong kinuha at tumakbo palabas ng aking kwarto. Hindi ko na naabutan pa si Kyrie. Baka bumalik na siya sa Regnum Animae.

Hello! Beat de Armis on your service!

"Beat!" sigaw ko kahit na alam kong wala naman siya sa paligid.

I know, I know. New soul? Nandito ako para i-monitor ka. You should hurry up, Alaizabel. This ghost seems like she's in a hurry!

Totoo nga. Humihina na naman kasi ang beep. Kapag hindi ko binilisan, baka hindi ko siya maabutan.

Tumakbo ako palabas ng bahay. Lumingon-lingon ako sa paligid. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang isang babae na nakasuot ng brown na palda na umaabot hanggang sa kanyang tuhod, puting blouse at naka-bun ang kanyang buhok.

"Teka!"

Hindi siya tumigil. Mabilis siyang lumutang palayo na para bang nagmamadali. Wala na akong nagawa pa kundi ang tumakbong muli para maabutan siya.

"Saglit lang po!"

Hindi pa rin siya tumigil. Saan ba siya pupunta? Mukhang kahit ano'ng gawin kong pagsigaw ay hindi niya ako papakinggan kaya naman hinabol ko na lang siya hanggang sa makarating kami sa kabilang barangay.

Pumasok siya sa isang masikip na eskinita. Ang parteng ito ay squatter's area na. Kilala ang lugar na ito sa talamak na krimen at bentahan ng droga. Delikado ang lugar na ito pero hindi ako pwedeng umatras.

Dapat pala'y nagpalit na ako ng form nang nasa bahay pa lang ako para hindi ako makita ng mga tao.

Napunta kami sa isang open space pagkatapos ng eskinita. Bumungad sa 'kin ang isang bahay. Hindi siya maliit at hindi rin gaanong malaki. Kumbaga tipikal na bahay lang ng isang pamilyang average ang pamumuhay.

Into Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon