Chapter 3

2 0 0
                                    

Yesenia's POV

"I want you to be my assistant." Seryoso nitong baling sa akin at tinignan akong mariin sa mga mata.

Nanlaki naman ang mga mata ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.

"Po?"

"I don't repeat myself, Miss Caddel." Gusto ko siyang irapan pero hindi ko na lang ginawa dahil baka hindi ko matanggap ang trabaho.

"But I applied here to be a fashion designer. Not to be your ass—" Napatigil ako sa pagsalita at napangiwi dahil sa biglaang pag-siko sa akin ni Hazel.

"Don't mind her, Mr. Helios. She's just overreacting, I'm sorry." Paumanhin nito sa lalaki at binalingan ako bago sinamaan ng tingin.

Nag-eye language naman siya pero iniirapan ko lang.

Hala sige, Ikaw na maging ako Hazel.

"Tanggapin mo na lang kasi 'yong trabaho, Yesenia. It's much better than to be just a fashion designer—mas malaki sweldo mo." Bulong nito sa akin na ikinabuntong hininga ko.

"And why should I accept it again, Hazel? I don't care about the salary. All I care about is the job. Paano kung hindi ko kaya 'yan? Anong gagawin ko?" Bulong ko sa kanya pero alam ko naman medyo mataas 'yong boses ko pero wala akong pakialam.

Mas mabuting marinig niya ang mga sinasabi ko.

And I was not mistaken when he shifted his position at ipinatong niya ang dalawang siko sa table niya bago nag-halumbaba.

"Don't worry about the job. I will help you with that, and at the same time, teach you things you might not know in the field of business." Hindi naman ako kumibo at tumingin lang sa kanya habang nagsasalita siya.

"Or do you want me to double your salary? 70,000 per two weeks and 100,000 every 20th of the month. Would that be enough for you to accept the job?" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at napako sa kinatatayuan ko. Pati si Hazel ay hindi rin makapaniwala sa sinabi ng kaharap namin.

What did he say....?

"Deal or no deal? I need an answer this instant, Miss Caddel."

Pagak akong natawa at napailing sa kanya. Naglakad ako papunta sa kanya at padabog na ipinatong ang mga kamay ko sa lamesa saka inilapit ang mukha sa kanya.

Nginisihan ko siya.

No backing out for you now, Yesenia. You did this without thinking of the circumstances, so take responsibility for your actions.

"Deal, Ashton Irwin." Sabi ko na siya lang ang makakarinig. Nakita ko ang pagdaan ng amusement sa mapaglarong mga mata niya at sa kanyang pagngisi.

"Feisty, huh. I like that." His eyes became dark and he stared at me like I was his prey that he wants to devour right here, right now.

And indeed, I became his prey.

"GOD, WHY DID YOU SAY THAT?" Kaagarang sermon sa akin ni Hazel pagkalabas na pagkalabas namin ng Brand Alliance Agency.

I sighed. Why is she asking me? I was also asking myself why I did that in the first place.

"Bakit mo ba ako tinatanong? I don't even know where my confidence to accept his deal came from, so stop asking me questions that even I, don't know how to answer." Problemado kong ani sa kanya at napabuntong hininga ulit.

Patay na. Lagot. Anong nagawa mo, Yesenia Kaira?! You dumb witch!

"AH! So, now what? What are you gonna do? He looked like he was planning to devour you the moment you said his full name, Yesenia! Are you even thinking?! Don't you know who we were talking to?!"

Niyugyog ako nito at nanggigigil talaga siya sa akin pero ano pa ba ang magagawa ko eh nanggigigil din ako sa sarili ko.

Kahit kailan talaga ay napakatanga mo, Yesenia! Argh, ano na ba ang gagawin ko sa'yo?

"Gosh, stop it Hazel. Magagawan ko din ito ng paraan, okay? I will take full responsibility of my actions just now. Tatanggapin ko ang kahit na ano mang parusa sa susunod na araw." Frustrated kong sabi sa kanya at marahan siyang itinulak dahil nahilo ako sa pagyugyog niya sa akin.

"Kahit ano tatanggapin mo, Yesenia?" Tinanguan ko naman siya habang nakakunot ang noo dahil naweweirduhan ako sa kanya.

"Kahit yayain ka niyang makipagtalik sa kanya? Tatanggapin mo?" Nabulunan ako sa sariling laway dahil sa sinabi niya.

"G-gago ka ba, Hazel? Anong..." I was too dumbfounded that I didn't know how to answer her.

"Ikaw na mismo ang nagsabi na kahit anong parusa ay tatanggapin mo..."

"Ano naman ang connect non?!" Pagputol ko sa kanya.

"Beng, wala ka ba talagang alam na maraming  flings iyang si Mr. Helios, ha? Pati ba naman 'yon, hindi mo alam?" Napangiwi ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Makatingin kasi ay akala mo'ng ngayon lang ako nakababa ng probinsya.

"Alam ko ang tungkol doon, pero bakit naman niya ako yayayain na magtalik? Trabaho ang ipinunta ko dito at hindi kalandian, Hazel." Strikta kong ani at nauna nang maglakad paalis ng lugar na iyon.

Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi ng babaeng 'to. Ni ayaw ko ngang mag-boyfriend eh.

"Hoy, teka lang! Hintayin mo'ko!" Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy lang sa paglakad hanggang sa narating ko ang waiting shed ng bus stop.

Doon lang ako tumigil at naupo habang hinihintay na makalapit sa akin ang tumatakbong si Hazel.

"Bakit mo ba ako iniwan? Saka, may posibilidad din naman na mangyari nga 'yon kasi maganda ka, may perfect body shape, tapos ang tapang mo pa! He likes to bed feisty women, so what do you expect from me?" Walang pigil nitong sabi sa akin.

When she was about to open her mouth to speak again, I harshly covered her mouth and glared at her.

"Tama na, Hazel. I've had enough of that mouth of yours." Pigil ko sa kanya at mabilis na tumayo para sumakay sa bus na huminto sa harapan namin.

God, can you remind me of how I befriended her? He mouth is so foul.

Now look at what I'm thinking....

The Rain In Victoria (Helios Series 2) Where stories live. Discover now