Chapter 1

5 0 0
                                    

Yesenia's POV

Binuksan ko ang pintuan ng aking tinitirhan na apartment at binuksan ang ilaw. Tinanggal ko ang stilettos ko at inilagay ito sa lalagyan ko ng mga sapatos at tsenelas.

Dumeretso ako sa kwarto ko at pabato na inilagay ang bag sa kama saka nag-deretso sa banyo bago pinabalibag ang pagkakasara ng pintuan.

Pinunasan ko ang mga luha na dumadaloy sa pisngi ko at hindi ko napigilan ang mapahikbi.

Now what am I going to do? Nawalan ako ng trabaho dahil sinampal ko ang customer namin. Pero kasalanan naman din niya. Ang bastos kasi ng bibig. Pinagdiskitahan ba naman ang katawan ko, walang hiya.

Natanggal na nga ako sa trabaho, nasampal naman ako ng boss ko dahil sa nagawa kong pagpapahiya sa kanya sa coffeeshop niya. Eh ano pa ba ang magagawa ko? Nagulat ako dahil bigla-bigla na lang nanghahawak ng pwet ang lalaking iyon.

"Ang tanga mo talaga, Yesenia! Sana hinayaan mo na lang, tingnan mo ngayon kailangan mo ulit mag-hanap ng trabaho." Pagalit ko sa sarili.

Ngayong buwan kasi ng Hulyo ay ika-apat na trabaho ko na ito pero sa lahat ng iyon ay puro sesante ako. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili na hindi magalit dahil sa mga bastos na customer na nakakasalamuha ko.

I was just defending myself dahil binabastos ako, at bilang babae ay hinding-hindi ko matatanggap ang pangbabastos nila sa akin.

Pero nasesante na ako, wala na akong magagawa pa.

"It's all in the past now, Yesenia. Forget it and just start all over again. Just like what we did since I don't remember when." Parang tanga kong pag-kausap sa sarili sa harap ng salamin at pinunasan ang mukha ko.

I heaved a deep breath and calmed myself down. Hindi ako pwedeng umiyak. Crying won't help me ease my mind and it wouldn't even give me a peaceful life. So it's useless.

Kahit anong mangyari ay hinding-hindi ako iiyak. Sanay na ako sa mga pasakit na nararanasan ko araw-araw kaya imposibleng iiyak pa ako.

Lumabas ako ng banyo at magbibihis na sana ng tumunog ang selpon ko kaya kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang nag-message.

"Yesenia kailangan ka namin dito. Lasing na lasing na si Hazel. Hindi namin siya mapigilan."

The text was from Alexi—my close friend and ex co-worker in the coffeeshop. Nag-resign siya dahil mas ginusto niya na mag-take ng cognitive psychology sa college.

I heard from her that she received a full scholarship from one of the prestigious universities in Asia... The Devion University. Well, masaya naman ako para sa kanya dahil unti-unti na niyang natutupad ang mga pangarap niya sa buhay pero minsan ay hinihiling ko na sana ay ako din.

Sana matupad din ang mga pangarap ko sa buhay at maging better version of myself one day.

Bumuntong hininga ako at nag-text kay Alexi.

To Alexi:
Ipasundo niyo na lang sa boyfriend niya.
Kakauwi ko pa lang mula sa trabaho.

I pressed send and put my phone down. Hinawi ko ang kurtina ng aking bintana at sinalubong ako ng malamig na hangin.

Kaagad na nawala ang mga problema sa isip ko noong napatingin ako sa mga naggagandahang mga bituin sa langit.

Ganito ang gusto ko. Ang tahimik na pamamahay at isang tahimik na buhay. Hindi iyong parati na lang bangayan dito, doon, at magsisisihan pa sa lahat ng mga bagay.

Sa madaling salita, ayaw ko sa maingay na paligid at mga tao. I always isolate myself from everyone else, and my family is not an exception. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila sa point na I would plant hatred towards them in my heart.

The Rain In Victoria (Helios Series 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon