Kabanata 32

16 1 0
                                    


"Ang lala mo na, dork."

Hindi makapaniwalang naiusal ni Dash sa kaibigan. Ngayon ay nasa cafeteria na kami at masayang nagkukwentohan.

Natatawa nalang ako habang pinagmamasdan ang mga napapangiwing itsura nina Dash at creyon, maging si Frank ay napapailing nalang.

"Grabe.." si Creyon.

Paano ba naman kasi, kanina lang para itong halimaw na hindi maawat-awat, ngayon ay parang isang bata kung dumikit sakin. hindi na ba siya nahihiyang ipakita ang ganitong side niya sa kanila? wow talaga..

"Do you want another cupcake? I'll get one for you."

Umiling ako. "Okay na'ko, kumain ka na rin kaya? Imbes na ako ang inaatupag mo, tsk."

pero ngumiti lang siya. "I got full already only by watching you." Sabay kumindat pa.

"Tiara, ano bang pinakain mo dyan at naging ganyan yan?" sabat ni Frank. Kanina pa nila kami pinapanood at mukhang ako lang yata ang tinatablan ng hiya saming dalawa.

"Shut up, Frank. don't you have a girl already? so stop messing with mine."

"Wow, you're so screwed up." mahinang naiusal lang nito.

Corny man ay natatawa pa rin ako.

"Corny mo!" si Creyon.

"Kinikilabutan ako sayo, dork. umayos ka." ani naman ni Dash. "Imbes na magpaka corny ka dyan isipin mo kaya muna kung ano ang idadahilan mo kay Dean pag umabot sa kanya ang pagwawala mo kanina."

"Sigurado yun." Sabat ni Creyon "Lamesa nalang ba naman ang nakatayo pa sa ayos e."

Tumikhim siya. "Don't worry, I already called Maxine." tanging naisagot niya sa mga kaibigan.

"Who's Maxine?" usisa ko bago sumubo ng kinakain kong salad.

Napakurap- kurap siyang nakatingin sakin "Just a friend of mine.. please don't be jealous."

"Hindi naman." Naglapat ang labi ko at pinagpatuloy na lang ang pagkain.

"Pag yan naumay sa kakaganyan mo, naku sinasabi ko sayo, uulan ng luha."
Hindi talaga tinantanan ni Dash ang kaibigan.

How could he? kung ganito ba naman 'to, hindi kumakain at sa akin lang nakatuon ang tingin. Nakapangalumbaba at parang kinakabisado ang bawat anggulo ng mukha ko errr

"I could watch you all day.." wala sa katinuang aniya.

"Anlala." nasabi nalang ni Frank.

Nagtaka pa ako kung bakit biglang nawalan ako ng gana at parang bigla nalang dumilim ang paligid, may paparating naman pala.

"Kai.. can we talk?" si Eunice.

Kahit hindi ko naramdaman ang paglapit niya, naramdaman ko naman ang mabigat na ambiance na dala-dala niya.

Sumulyap lang siya sakin bago bumaling sa katabi ko. kay kairous.

"Eunice, we're actually eating-"

"This will only take a while. gusto lang sana kitang makausap sandali." hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito at nagsalita na.

Nang tumingin sakin si kairous ay alam ko na agad na humihingi ito ng permiso, we're not yet together so he doesn't really need my approval on anything he does.

"Kai, this is not about us, don't worry. May pinapasabi lang sayo si mom." tsaka tumingin samin.. sakin. "Something private."

"Go on and talk to her, Kai. mukhang importante naman ang sasabihin niya." hindi ko alam kung may mali ba sa sinabi kong yun at napasipol pa 'tong si Dash.

He's In TroubleWhere stories live. Discover now