"What? I'm a model, I can walk with heels all day. Nag-iinarte lang ako kanina."

"Okay.."

Ilang sandali pa ay nagsimula na. Lumapit si Dean sa mic at may mga sinabi roon tungkol sa gaganaping Sports fest next week at kung ano ang mga pwede naming salihan. Naisip ko agad na kung may archery ay sasali ako.

"Tiara, anong sasalihan mo?"

"Ewan. pero archery ang gusto ko."

"Ako gusto ko sumali sa chess."

Pagkatapos ay isang teacher naman ang nagsalita. Pinaalalahan nito ang lahat ng mga hindi dapat gawin during Sports Fest lalo pa't may mga taga ibang school na pupunta rito.

Sa sinabi niya yon ay maririnig nag excitements sa boses ng mga estudyante. Parang ngayon palang ay nasasabik na ang mga ito sa mga mangyayari. Halos abutin din ng kalahating oras ang mga paalalang binilin niya at nagkwento pa ito ng mga nagdaang tagumpay ng school noon.

"Karl, last year ba anong school ang overall champion?"

"School natin syempre, pangalawa ang Don Hidalgo International."

Tumango-tango ako. Ako man ay naiexcite na para next week. Napasinghap ako nang makita si Kairous na paakyat ng stage. Bawat hakbang niya ay tila nakakaapekto sa buong sistima ko.

Gosh. I haven't heard from him in days. Habang pinagmamasdan ko siyang umakyat ng stage ay parang nakatingin lang ako sa kung sinong hindi ko kilala.

Bumuntong hininga muna siya bago magsalita. "Uhm. May mga mahalagang gagawin pa si Dean kaya ako nalang muna ang magsasabi ng mga pinapasabi pa niya." Iyon pa lang ang nasasabi niya pero umugong na ang malakas na tinilian ng mga kababaihan, lalo na nitong mga malapit sa tabi namin. napangiwi ako.

Bahagya siyang tumawa. "Guys umayos tayo, okay? for further questions lumapit lang kayo sakin." Sa sinabi niyang yon ay tuluyan nang nabaliw ang mga tao rito sa loob.

"Ikaw may Sabi niyan ah?!"

"Kayaaaah!"

"Papa Kairous, saranghae!"

"Ang gwapo gwapo mo, Kai!"

"My ghad, minee!"

Natatawa lang ito sa mga naririnig.

"Kai, ako may tanong ako. Will you marry me?!"

Natigil siya sa pagtawa at napabaling ng tingin sa sumigaw. Nagkataon namang katabi lang namin ito kaya nang bumaling siya rito ay nagkatinginan kami. Mukhang nagulat pa siya, maging ako man. Nangungusap ang mga mata niya habang naka tingin sakin at hindi ako pwedeng magkamali nang may mabasa akong lungkot sa mga ito.

Siya rin ang unang pumutol ng tingin. "Basta sa mga interesadong sumali sa ano mang sports, magpa lista lang kayo sa counsel. Good luck, everyone!" Kumaway pa siya pagkatapos ay bumaba na. Iyon lang naman at pinabalik na ulit kami sa aming mga room.

"Mukhang miss ka na niya."

"Ha? Nino?"

"Ni Kairous. Malungkot ang mga mata niya, wag mong sabihing hindi mo nakita yon?"

"Hindi." Nagsinungaling ako. Syempre nakita ko yon, karl. Sakin kaya siya nakatingin.

"Kawawa naman siya."

tumaas ang kilay ko. "Sakin, hindi ka ba naaawa?" pero tiningnan lang niya ang kabuuan ko at umiling.

"Aba!" Natawa ako nang matawa siya. Nagagawa na niya talaga akong biruin nang ganito.

Nagkaron lang kami ng klase sa isang subject at sa iba ay wala na masyado dahil abala halos lahat para sa gaganaping Sports Fest next week.

Maya-maya pa ay ako ang inutusan ng adviser namin na mag check ng mga test papers namin kahapon kaya papunta ako ngayon sa office niya para kunin ang mga yon doon.

He's In TroubleWo Geschichten leben. Entdecke jetzt