Kabanata 16

1.4K 71 11
                                    

Note: Switzerland po ang bansa hindi South Korea. I got it typo. Enjoy reading :⁠-⁠)

------------------------------------

Kabanata 16

Baliw

Grindelwald, indeed was a beautiful village here in Switzerland. The scenery, the ambiance, the people, and everything makes me live here forever. Kahit sobra akong nahirapan sa pag-adjust, nakaya ko pa rin na mamuhay dito sa tulong ng mga Pilipinong nakatira rin dito. They help me. My first month was hell. Aminado akong sobrang hirap nung unang buwan ko dito. But gradually, I survived. Ngayong apat na taon na ako dito, I felt so home. Walang ingay mula sa pamilya. Walang problema sa pag-ibig. It's just me and my little baby.

Bagama't may mga panahon at oras na nami-miss ko ang magulang, nagtitiis ako. Hinahayaan kong umiyak ang sarili pagkatapos babalik na lang muli sa pamumuhay. Bawal akong ma-stress, iyon ang sabi ng doctor ko dito. Greece, my cousin always sends me money. Siya ang nagbibigay ng pera sa akin. I can't go to work. Sensitive masyado ang pagbubuntis ko. Bawal nga rin akong umiyak ng umiyak dahil may possibility na mahulog ang bata. Kaya maingat ako dito. Maingat ako sa bawat bagay.

My four years of living here is awesome. Sa tulong ng mga kapwa Pilipinong nandito, hindi ako nahirapan na intindihin ang bagay-bagay. Sobrang ganda pa ng mga tanawin. Nakakawala ng pagod at stress.

"Alle, may gagawin ka ba ngayon?" napukaw ako sa boses ni Janari.

Napatingin ako sa kanya. He's a Pinoy. OFW dito sa Switzerland. Citizen na rin dito at single. Limang taon lang ang tanda sa akin. Ang tanging ginagawa lang dito ay magtrabaho. Aside from my friends here, isa rin siya sa naging rason kung bakit nakaya kong tumagal dito. He's friendly. Alam ni Greece ang nangyayari sa akin dito. Pero hindi ko alam ang nangyayari sa Pilipinas. I didn't ask my cousin about him. Siguro masaya na siya. He's free now. Possibly, baka buntis na rin ang babae niya.

"Hinihintay kong dumating ang kambal. Bakit?" sagot ko.

He sighed. Janari is a good man. He is responsible. Nakilala ko na rin ang kanyang pamilya dahil sa tuwing nagpapadala siya ng package, nag-uusap sila through video call. Naging parte na rin ang ako buhay niya dito. At ganoon rin naman ako sa kanya.

"Hindi pa sila nakakauwi? Sobra yatang nag-enjoy sa pamamasyal." aniya sabay ngiti.

He's also a handsome man. Mataas, maputi at maganda ang katawan. Pinoy na pinoy ang kanyang mukha. Basketball player nga rin siya sa Pilipinas.

"Ganoon naman sila. Kahit matagal na kaming nakatira dito, parang baguhan pa rin." sagot ko.

He chuckled. Uncle ang turing sa kanya ng kambal. Kapag nandito siya sa bahay namin, palagi silang naglalaro. Ngayong araw lang hindi nagkita dahil dumating si Greece dito kasama ang anak niya. Nagulat ako ng sumulpot siya kasama ang anak nila ni Joules. Silang dalawa lang. Wika ng pinsan ko, si Joules ang humahawak ng business nila kaya hindi nakasama sa bakasyon dito.

"Sige, balik na lang ako mamaya." marahan niyang sabi.

I nodded. Tinapos ko ang pag-aayos ng mga halaman. Tatlong bahay lang naman ang pagitan ng bahay namin at ni Janari. Sa tuwing wala siyang pasok sa trabaho, nandito siya sa bahay at nakikipaglaro sa kambal.

Sobrang bilis lang talaga ng lahat. Parang kahapon, kadarating ko lang dito sa Grindelwald, pero ngayon, halos magli-limang taon na kami dito. I couldn't imagine my life here. Mahirap lalo na nung buntis ako. Sensitive ako sa lahat ng bagay. Emosyonal pa! Kaya hindi ko alam kung paano ko nakayanan na maka-survive dito.

Hanri Canesha, my four year old daughter and Cairous Venzor, my four year old son. They are twins. At first, sobrang hirap kong tanggapin ang pagkakaroon ng kambal kasi naisip ko, paano ko sila mabubuhay. Imagine, I'm alone here and I'm having twins. Buti nalang talaga at tinulungan ako ni Greece sa financial aid ko. Kung hindi, sobrang hirap talaga.

Kung gaano ako ka-open minded sa lahat ng bahay, ganoon naman ang pinagkaiba ng kambal. Canesha and Cairous really like their father. From its resemblance, facial features, gestures and behavior. Walang nakuha sa akin. Walang namana sa akin.

"Mommy!" sigaw ni Canesha.

Napatingin ako sa banda nila. Hawak-hawak ni Cairous ang kamay ng kanyang kapatid habang naglalakad sila. Greece and her son walk slowly. Ngumiti ako. Tapos na yata ang pamamasyal nila.

"Mom, Greison and I play some snow in the playground." masayang sabi sa akin ni Cairous.

Greison is Greece's son. He looks the same with his father too.

"Really? Wow, that's cool!" I answered my son.

Lumapit sila sa akin at hinalikan ako sa pisnge. They can walk and talk. They can speak two languages. Filipino and English.

"Did you enjoy it?" tanong ko sa kanila.

Tumango silang dalawa. Napatingin ako kay Greece. She looks fine. Umalis ang mga bata at pumasok sa bahay. Nanatili kaming nakatayo sa labas. Lumapit si Greece sa akin at bumuntonghininga.

"Lolo wants you to lead the Laruya Clothing Line." iyon ang kanyang bungad sa akin.

I disagree immediately. Hindi na ako babalik sa Pilipinas. I want to live here forever.

"Adah can handle the clothing line, Greece." sagot ko.

She sighed.

"Gusto ni Lolo na palitan si Adah. And besides, our cousin builds another clothing line in the industry. Walang ibang hahawak ng LCL kundi ikaw na lang." tugon ni Greece.

Ayokong hawakan ang clothing line. Ayokong bumalik ng Pilipinas. Ayokong magkita kami ni Yurick. Ayokong malaman niya na may kambal kami. Ayokong masaktan ang kambal sa kanya. I love my twins. I love them. At hindi ako papayag na masaktan ang kambal sa kamay niya.

"Yurick is currently looking at you, Cal. Sa ilang taon kong pagtatago sayo, mukhang mahahanap ka na niya talaga. And to tell you honestly, mas nakakatakot ang asawa mo ngayon, Cally." she added.

Napalunok ako. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ako natatakot. Hindi ako matatakot sa kanya!

"Alam niyang may anak kayo dahil may iniwan kang ebidensya sa kanya. Besides, Mayeng, yung personal maid mo, sinabi ang nalalaman nito. Hindi na ako mangangako sa pagtatago sayo, Cally. Nahihirapan na akong itago ka." aniya sa nag-aalalang boses.

I sighed. Wala naman akong kasalanan sa kanya! I did this for him! Para maging malaya na siya! Si Rihan naman ang mahal niya, diba? Kaya bakit siya maghahanap sa akin?

"I'm warning you, Cousin. Stop running and face your husband now. Baliw na 'yon kakahanap sayo."







---
Copyright © 2023 Alexxtott

Costiño Series 15: Taming Tactless Wife (HANDSOMELY COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن