Kabanata 8

884 39 2
                                    

Kabanata 8

Believe

Sabay kaming kumain ni Yurick. He was hungry. Kitang-kita ko kung gaano siya sarap na sarap sa luto ni Ate Gina. Well, I must admit that the food is good. I'm just affected because my husband's facial reaction isn't the same when I cooked him. Siguro mas masarap lang talaga si Ate Gina magluto.

It's not my expertise! I am not a chef! Hindi rin naman ako nagluluto sa mansyon namin! It was my mother who cooked our food! Kaya hindi ako masisisi ni Yurick na hindi ako gaano magaling sa pagluluto. Tsaka nagti-train palang ako!

Damn it! Bakit apektado ako? Oo na, hindi ako masarap magluto! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang apektado ako ng husto? Nakakainis! Tinapos ko ang pagkain at naunang umalis sa hapagkainan ngunit pinigilan ako ni Yurick. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"What?" asik ko.

Kumunot ang noo ko. Why is he stopping me? I want to release myself here!

"I'm still eating, Cally." mahinahon niyang sabi.

Napatingin ako sa mga kasambahay. Nasa gilid sila habang naghihintay sa iuutos namin. Bumuga ako ng malalim na hangin. Damn it! I'm really affected!

"I want to walk around the seashore."

"Wait for me to finish my food. We will walk around the shore." aniya habang nakatitig sa akin.

I sighed and just nodded. Muli akong bumalik sa pag-upo. He continues eating. Ganito ba talaga dito? Kailangan manatili sa hapagkainan habang may kumakain pa? Really? I didn't know about this.

"Bukas mangingisda ako. Do you want to come?" he initiates the topic.

What? Mangingisda siya? Pati ba naman 'yon ay alam niya? Seaman, farming and then now, fishing. Wow, ang daming hobbies ng asawa ko! Samantalang ako, puro lakwatsa at parties lang!

Ang galing talaga ni daddy pumili ng lalaki para sa akin. Pero hindi niya alam na sobra akong nalulungkot kasi wala akong naabot sa buhay kong ito. Yes, I am a graduate of my dream but I am not like him. He knows everything. He is good at everything. Tapos ako, pasaway at matigas ang ulo!

"Ayoko." malamig kong sagot.

Kumunot ang kanyang noo. His lips pouting.

"It will be boring here."

Umiling ako at bumuga ng malalim na hangin. Ayoko! Hindi ako sasama! Masyado na akong nanliliit sa sarili ko! Ayokong makita kung gaano siya kagaling sa iba't-ibang bagay! I belittle myself now.

I'm so stressed thinking about this. My insecurities are eating me!

"I'm fine here." sa parehong boses.

He sighed and then nodded.

"Alright." tanging sagot niya.

After he eats, nag-iba ang timpla ko. Sinabi ko sa kanyang hindi ko na gustong maglakad sa dalampasigan. Kaya ang nangyari, muli kaming natulog para sa gabing 'yon.

Kinabukasan, nagising akong wala na sa tabi si Yurick. Agad akong napatayo mula sa kama. Where is my husband? Umalis na ba siya para mangisda? Hindi ko manlang nalaman na umalis siya!

Naisip kong maligo sa dagat ngayong umaga para mawala ang boredom ko. Napangisi pa ako ng maisip na susuotin ko ang swimsuit na dala ko. I smirk at my idea.

Kinuha ko ang itim na swimsuit. It was two-piece. Tinignan ko ang itsura sa salamin. Sobrang bagay sa akin ang ganitong swimsuit. Maputi ako kaya umaangat ang kulay ng balat ko. I have a sexy body. Confident ako sa parteng 'yon dahil sa aming magpi-pinsan, maraming nagsasabi na ako ang may pinakamagandang katawan sa amin. Sa tuwing nag-a-outing kaming magpi-pinsan, palagi akong may mga shot na naliligo sa dagat.

My hair was messy. Hinayaan ko 'yon. Suot ang wayfarer sunglasses, lumabas ako at hinayaan ang sarili na malunod sa init ng araw. Rinig na rinig ko ang mga boses sa ibang bahagi ng dagat. Well, may mga naliligo na rin kaya hindi ako nag-iisa dito. Nasa gilid si Mayeng at naghihintay sa mga utos ko.

"Sobrang ganda naman ng asawa ni Senyorito." it was a compliment from a boy.

"Tignan mo ang katawan, siguradong hindi na 'yan papakawalan ni Senyorito." another pleasing comment for me.

"Parang model na nakikita ko sa mga TV. Teka, siya yata yung nakita kong model sa isang sikat na clothes brand."

"Oo, siya nga 'yon! Laruya Clothing Line! Siya yung model no'n!"

Napahinga ako habang nakikinig sa kanila. LCL was handled by my cousin, Greece. Pero ako at si Adah ang model ng clothing line namin. I am into swimsuit and casual dress while Adah handles the gown and jeans. Nagtutulungan nalang kaming tatlo dahil walang ibang hahawak ng LCL kung 'di kami lang.

"Miss, pwede kaming magpa-picture sayo?" boses ng isang lalaki.

Mabilis akong napatingin sa may-ari ng boses. Tatlong lalaki ang nasa harap ko, wala silang suot na damit. Naliligo sa dagat.

"Excuse me po, bawal pong istorbohin ang Senyorita." saway ni Mayeng.

Tumingin ang isang morenong lalaki kay Mayeng.

"Picture lang naman. Kahit isang shot lang. Kilala namin siya." sagot nito.

Umiling si Mayeng. I smirked.

"Bawal po. Magagalit ang Senyorito." tugon ni Mayeng.

Ngumuso ang lalaki at tumingin sa akin. Napanganga pa habang pinagmamasdan ako. Tinanggal ko ang salamin sa mata at tinignan sila isa-isa.

"Fine. Just one shot." sagot ko sa kanila.

"Senyorita, bawal po--"

"Just one picture, Mayeng." I stopped her.

Napatigil siya sa pagsasalita. Tumayo ako sa gitna ng tatlong lalaki. Si Mayeng ang kukuha ng picture sa amin. Ngumiti ako sa harap ng camera habang ang katabi kong lalaki ay nakadikit sa akin. Mabilis kong naramdaman ang isang braso na yumakap sa baywang ko. Napatingin ako sa kabilang lalaki ngunit natigilan ako ng makita si Yurick sa likod ko, nakayakap sa baywang ko.

"I believe my wife is not a celebrity." malamig na boses ni Yurick.

Mabilis na humarap ang tatlong lalaki sa likod. Halos matumba sila sa pag-atras palayo sa akin. Yurick looked at them darkly.

"P-pasensya na po, sir." paumanhin nila.

Humigpit ang yakap ni Yurick sa baywang ko. Napalunok ako. Kinabahan ako. Pero hindi ko naman alam na dadating si Yurick.

"Next time you approach my wife, I will disallow you on my beach." he said coldly.

Mabilis na tumango ang tatlong lalaki. Takot na takot kay Yurick.

"S-sorry po talaga..." they said and ran.

Napahinga ako at tumingin kay Yurick. He is still hugging my waist possessively.

"Why did you do that? Magpapa-picture lang naman sila sa akin." batid ang inis sa boses ko.

Mayeng exits herself. Kaming dalawa ang natira at yakap niya pa rin ang baywang ko. Nagkatitigan kami, ang kaninang nakamamatay niyang mga mata ay napalitan ng kalambingan. Mabilis niyang hinalikan ang labi ko, a deep kiss was planted on me. After a moment of kissing me, yumakap siya. He buried his face on my neck.

"I'm jealous." he said tiredly.




---
Copyright © 2023 Alexxtott

Costiño Series 15: Taming Tactless Wife (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon