CHAPTER 2 IS HE GONNA SAVE HER OR KILL HER?

3 0 0
                                    

THIRD PERSON P.O.V

Sinundan ni Francis sa pagpasok si William at nagsalita.

"Do you still love her?" Lumingon sa kaniya si William habang seryoso ang mukha, simula nang magkalayo sila ng batang babaeng kalaro niya noon ay nagbago na si William, madalas siyang nagyayabang at nagagalit, hindi na rin siya ngumiti simula noon.

"Yes, I love her more than friends" sagot ni William habang nakatingin sa kapatid niya.

"I'll help you" saad naman ni Francis, silang dalawa lang ang nasa kuwarto at sinara ni Francis ang pintuan ng balcony.

"You don't have to, I can do this" tugon ng kapatid niya at lumabas ng kuwarto dahilan para maiwan mag-isa si Francis sa loob, napabuntong hininga na lang siya at napaupo sa kama, nag-aalala siya sa kapatid niya, puwede niyang ikamatay ito dahil kalaban ng kaharian nila ang mga bampira at kung sino man ang sumagip o maghanap dito para itakas o protektahan sa mga ito mapa-hari, reyna, prinsipe o prinsesa man ay hahatulan ng kamatayan.

Lumabas si Francis at narinig ang isang usapan, nakilala niya agad ang boses, ito ang boses ng kapatid niya, nanay niya at tatay niya.

"I want to find that girl?"

"That girl?" Saad ng hari habang si Francis ay nagtatago sa pader na 'di kalayuan sa pag-uusap nila.

"I want to find Zephanniah" saad ni William at halatang nagagalit na.

"For what? You can be excute--" hindi na natapos ng reyna ang sasabihin niya nang biglang magsalita si William pero sa pagkakataong ito ay mahinahon na ang boses.

"I want to kill her"

"Didn't you love her?" Singit naman ng hari alam ito ng hari dahil narinig niya ang pag-uusap ng magkapatid kanina at hindi rin ito ikinagulat ni William, ang hitsura ng hari ay matanda na pero hindi mo ito makikitang lumalabas ng palasyo kapag umaga at samantala naman ang reyna ay nasa loob lang din.

"No, I'm going to kill her, she can destroy or invade our kingdom if I don't stop her" saad naman ni William habang mahinahon ang boses, napabuntong hininga na lang ang hari bago magsalita.

"Okay, I'll let you do that but once I found out that you're going to save or protect her, I don't care if you're a prince or my son won't hesitate to kill you, William" matalim na banta ng kaniyang ama, tumango na lang si William, hindi man lang siya mukhang kinakabahan o natatakot, desidido na siyang patayin si Zephanniah.

Kinagabihan ay nag-impake si William para umalis at hanapin si Zephanniah, nasa kuwarto siya at biglang pumasok si Francis.

"Are you gonna leave?" Tugon ni Francis at lumapit sa kapatid na nag-iimpake.

"Isn't it obvious?"

"But----"

"I will kill Zephanniah, happy?"

"That is not what I mean"

"Then, what?"

"I want to help you, you said earlier that you still love her---"

"I'm not gonna kill her if I still love her, don't be dumb I know you were listening earlier" inis na saad ni William sabay buhat sa dalawang maleta at lumabas ng kuwarto.

Lumabas siya ng palasyo at sumakay sa kabayo, buo na ang loob niya, papatayin na niya ang mga bampirang makikita niya habang sa kabilang banda ay walang nagawa si Francis, hindi niya napigilan ang kapatid niya sa huli.

DEATH PARADE: FATEWhere stories live. Discover now