Chapter 14

9 1 0
                                    

"What are you both doing in the garden?" Nakataas ang isang kilay na biglang tanong ni Odesius.

Nagpabalik-balik pa ang tingin niya sa amin ni Prince Theo.

Sa hindi malamang bagay ay bigla na lang akong nataranta. Nakuha kasi ng tanong ni Odesius ang attention ng lahat. Kaya lahat sila ay naghinhintay na ngayon ng sagot.

"A-ahm... ano... Nag-uusap---"

"We were dancing in the garden." Biglang putol ni Prince Theo sa sinasabi ko.

Nanlaki tuloy ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

Bakit niya sinabi?

"What? Should that be a secret between you and me?" A playful grin plastered on prince Theo's face.

And once again, I got mesmerized by it. Ang dami niyang ginawa ngayong araw na na hindi naman niya ginagawa dati? Anong meron?

"You dance with Princess Blaze in the garden?!" Gulat at halos sabay sabay na sabi ng mga royalties. Hindi ko tuloy alam kung mahihiya o maiinis ako sa sinasabi ni Prince Theo.

"Ayos, Princess Blaze. One point ka na rin." Parang masayang sabi ni Zenox pero agad din siyang natahimik ng samaan ko siya ng tingin.

"What's so surprising with what I did?" Anang ni Prince Theo. Natahimik ang lahat dahil sa sinabi niya.

"Nakakapagtaka naman talaga yun, Prince Theo. Hindi mo naman siya pinapansin noon. And that's a fact." Seryoso namang sabi ni Odesius.
Nagkatitigan sila ni Prince Theo at para silang nag-uusap sa titigan nila.

"Yesterday is definitely different from today. And people is subject to changes. People change." Sagot naman ni Prince Theo na nakatitig pa rin kay Odesius. Hindi naman nakasagot na ang huli.

"Princess Charmaigne is awake!" Biglang sabi ng isang Raphalium.

Ito ang tawag sa manggagamot o healer sa aming mundo. They have the power to heal pero limited lang yun. Depende sa sakit ng isang tao.

Agad na pumasok ang mga royalties sa kwarto ni Princess Charmaigne. At dahil nga gusto ko ring malaman kun sino ang may gawa nun sa kanya, pumasok na rin ako kasabay sina Odesius.

Malaki rin naman ang kwarto na pinagdalhan kay Princess Charmaigne kaya kasya kaming lahat.

"Princess Charmigne! Buti gising ka na." Sabi ni Prince Pierre na parang alalang-alala.

"What happened to you? Nakita mo ba ang gumawa sayo nito? Kung nakita mo ay ituro mo ngayon din dito ang may gawa." Anang ni magaling kong kapatid na si Princess Ashaleah.

Parang sure na sure na tuloy siya na nandito sa kwarto ang salarin.

"H-hindi ko nakita. Basta bigla na lang may pumasok na nakahood ng itim na tao sa comfort room. Hindi ko maaninag ang mukha niya. Basta bigla na lang siyang may sinabi at bigla na lang akong nahirapang huminga. Nakasigaw pa ako bago ako nawalan ng malay." Salaysay ni Princess Charnaigne.

"Kung ganun hindi mo nakita kung sino ang may gawa nun sayo?" Tanong ni Princess Florence kay Princess Charmaigne at umiling lang siya bilang sagot.

"Sayang naman." Anang Princess Florence na parang nalungkot pa.

"Alalahanin mong mabuti, Princess Charmaigne. Baka naman may kawangis ang nakita mo." Anang ni Prince Pierre.

"Wala talaga akong maalala." Anang ni Princess Charmaigne.

"I'm still not sure. The power that I felt earlier is like... like that of the Black Kingdom." Malalim ang isip na sabi ni Prince Theo. Natigilan kaming lahat.

Ano?!

Impossible.

Sabi nila wala na ang kaharian na yun. Ang Dark kingdom ay ang counterfiet kingdom ng magic Kingdom. Dahil kung spell at enchanting ang kapangyarihan ng kingdom nina Charmainge, Dark magic naman ang ginagamit ng Dark Kingdom.

At dahil sa masamang gawain noon ng kaharian na ito ay nagkaisa ang mga kaharianang nawakasan ito.

Pinatay ang lahat na member ng royal family ng Dark Kingdom para tuluyan na itong mawala.
Kaya ano ano ang sinasabi ni Prince Theo na naramdaman niya ang kapangyarihan nila? Ilang dekada na ang nakalipas mula ng lipulin sila.

"But the dark kingdom that holds black magic have long been gone, Prince Theo." Anang ni Eros.

"That is why I'm also wondering." Anang ni Prince Theo.

Nahulog tuloy kaming lahat sa malalim na pag-iisip. Hanggang makauwi ako sa dorm ay yun pa rin ang iniisip ko.

Paanong dark magic ang naramdaman ni Prince Theo?

Si Prince Theo ang klase ng tao na hindi magsasalita kung hindi siya sigurado sa iniisip niya. At hindi pa siya kailanman nagkakamali.

His power, ability and intellegence is something beyond all of us.

Otherwise, he wouldn't be the King of the Academy.

Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog kaya bumangon na lang ako sa higaan ko uminom ng tubig.

Pero laking gulat ko ng mabungaran si Prince Theo na seryosong nakaupo sa lumang upuan dito sa kwarto ko.

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok? Nag-teleport ka? Diba bawal gamitin ang mga kapangyatihan natin dito sa academy para sa pansariling interes lang? Bakit---"

"Your so loud. Can you please be quiet!" Parang nairitang sabi nito.

Napanguso na lang ako. Ako dapat ang may karapatang magsuplada dito. Siya kaya ang bigla na lang lumitaw kung saan.

Tama naman ako eh. May batas ang academy na hindi pwedeng basta basta gumamit ng kapangyarihan dito sa loob kung para sa personal na interes lang.
Kaya nga kahit bully ako noon ay hindi kailanman ako gumamit ng kapangyarihan para tustahin ang mga biktima ko.

Pasaway ako noon pero sumsunod naman ako sa mga major na batas dito sa loob ng academy.

"Eh bakit ka nga nandito?!" Napairap kong sabi sa kanya.

Ang suplado nga eh. Siya naman itong lumalabag sa privacy ng iba.

"I'm just here to warn you." Ani nito na seryoso pa rin at malalim ang iniisip.

He lifted his face and his cold eyes suddenly bore into mine. Kumunot naman ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin?

"If my intuition is right, hindi lang si Princess Charmaigne ang target nila. O di kaya ay mas magandang sabihin na may iba talaga silang pakay." He coldly said, still serious.

Mas lalong nangunot ang noo ko.

"What do you mean?" He became silent and just stared at me for a while.

"Be careful." And just like that, he just vanished immediately.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Unfavored One Where stories live. Discover now