Chapter 6

3 1 0
                                    

I lazily woke up from my bed. Damn first day of class! Nakakatamad!

Noon, sobrang excited ako parati pumasok sa school. I would wear my most wonderful royal clothes and and put on a heavy make up.

All because I want to impress everybody. Specially, him. Prince Theo.

Pero ngayon, parang tinatamad ako. Tsk! Naligo na lang ako at nag bihis. I wore my usual clothes. Hindi na rin ako nag-abalang mag make up.

Paglabas ko ay ang mukha agad ni Odessa ang sumalubong sa akin. She is smiling widely at me.

"You are more beautiful being simple, Princess Blaze." Papuri agad nito sa akin.

Hindi ko alam kong maniniwala ako sa kanya. Kahit noon kasi ay madalas na ako nitong purihin.

Nag-almusal kami sa kitchen pa rin. And then we walk towards the school buildings. Bulong bulungan na naman ang narinig ko sa paligid.

"Ayan na naman siya. Sino kaya ang mga biktima niya ngayong taon?" I heared someone said.

Alam ba nilang naririnig ko sila?

"Oo nga noh! Siguradong marami na naman siyang pahihirapan ngayon." Someone answered.

Akmang pagsasabihin na ni Odessa ang mga ito ng pigilan ko siya.

"That's just a waste of time, Odessa. Let's just go." I told her.

Kung noon ako pa mismo ang nagpapaluhod sa mga kagaya nito. Ngayon ayaw ko ng magsayang ng oras sa kanila.

Mga royalties nga deadma na sa akin. Sila pa kaya.

"Princess, doon po ang daan para sa klase ng mga royalties." Anang ni Odessa ng mapansing hindi ako humihiwalay sa kanya.

"I'm punished, remember? I belong to your class now. The lowest class." I told her.

Ang sistema ng pag-aaral dito sa academy ay hindi nababase sa edad ng estudyante. Nababase ito sa antas ng angking kapangyarihan at karunungan nito.

Kung mataas na ang lebel ng iyong kapangyarihan at karunungan ay maari kang mapabilang sa highest rank class.

Hindi yun nakadepende kung ano ang katayuan mo sa buhay. Kapangyarihan at karunungan talaga ang basehan. Maraming hindi din mga royalties ang nasa highest class.

Pero sa kapangyarihan pa lang ay lamang na talaga ang mga royalties keysa sa ordinaryong estudyante. Natural kasing mabiyayaan ng malakas na kapangyarihan ang anak ng mga Kings and Queens ng mga Kingdoms. It runs in the blood.

Kung sa karunungan naman ay lamang din ang mga royalties dahil bata pa lang ay tinuturuan na kami sa mga palasyo namin.

Kaya ganun talaga. Pawang mga royalties lang din ang nasa highest class ng academy. Pero hindi naman imposible sa normal na estudyante ang mapabilang sa klaseng yun.

Yun ay kung kaya nilang tapatan ang kapangyarihan at karunungan ng mga royalties.

May mga students official din ang mga estudyante rito. Ang pinakamataas na antas na makukuha ng estudyante dito ay ang King. Sumunod ay Queen. At ang councils na binubuo ng sampung pinakamalakas na estuyante.

Ang kasalukuyang King ng academy ay walang iba kundi si Prince Theo Frazen na galing sa Iceanna Kingdom o tinatawag ding Ice kingdom.

Ibig sabihin ay siya ang sinasabing pinakamalakas na estudyante dito sa academy. Pinakamaalam din.

Ang Iceana Kingdom din ang pinakamalakas na kaharian ngayon sa mundo namin. At siya ang tagapagmana ng kaharian nila.

Ngayon ay alam niyo na kung bakit halos mabaliw ako sa kanya.

Noon yun.

Ang kasalukuyang Queen naman ay walang iba kundi ang ate ko. Siya ang pinakamalakas at pinakamatalino na babaeng estudyate ngayon dito.

Pero sa memory ko ay ngayong taon, mapapalitan siya ni Princess Charmaigne at doon magsisimula ang kanilang pagiging matalik na magkaibigan na pilit kong sisirain.

Ang dalawang kapatid ko naman ay pawang myembro ng council.

At bakit nasa lowest section ako?

Simple lang.

Parusa na naman.

Sa totoo lang kasali naman ako sa highest class. Kaso dahil nga sa kagagawan ko ay pinarusahan ako at pinatapon sa lowest section.

Ang section ng mga pinaka mahina at pinakabobo dito sa academy.

Pero hindi ako kailanman umatend ng class sa lowest section. Dahil sa highest class pa rin ako pumapasok noon kahit may parusa ako. Ngayon pa lang ako papasok sa section na yun.

Dahil nga nababanas na ako sa mga pagmumukha ng mga royalties na yun.

"Princess Blaze, may problema ba? Hindi pa po kayo lumalapit sa mga royalties. Dapat po ay doon kayo sumama sa mga kauri niyo." Biglang sabi ni Odessa habang naglalakad kami papunta sa lowest section.

"Hindi ko sila kauri, Odessa. Ayokong maging katulad nila." Malamig kong sagot sa kanya.

Kung alam mo lang ang mangyayari, Odessa. Hindi mo kahit kailan gugustuhing sumama ako sa kanila. Para sayong kaligtasan yun. At para rin sa akin.

Ayokong magdusa ka sa huli. Ikaw lang ang tanging naging totoo sa akin. Higit pa sa kapatid ang turing ko sayo ngayon.

Nang makarating kami sa classroom namin ay natahimik agad ang mga kaklase namin. Bulong bulongan na naman ang nangyari.

Alam kong nagtataka rin sila at sa wakas ay pumasok ako dito.

"Bakit siya nandito?" Anang isang estudayante.

"Ano ka ba? Di ba nga pinarusahan siya?" Sagot naman nung isa.

"Oo nga. Pero kahit kailan hindi siya pumasok dito kahit na may parusa siya. Bakit nandito siya ngayon?" Sabi pa ng isa. Hinayaan ko na lang.

Umupo ako sa tabi ni Odessa. Lumipas ang oras at ang sama pa rin ng tingin sa akin ng mga kaklase ko. Hindi ko na lang pinansin.

Kung tutuusin ay pwede ko silang tustahin ngayon din gamit ang kapangyarihan ko. Pero wala akong gana.

Ang pinagtataka ko talaga ay wala pang guro na pumapasok sa classroom namin.

"Wala bang guro ngayon?" Hindi ko na mapigilang magtanong. Kiming ngumiti si Odessa sa akin.

"Bihira lang pumapasok ang mga guro sa section natin, Princess." Anito. My forehead creased because of what she said.

"Why? Ano na lang ang matututunan natin kung walang magtuturo dito?" Medyo inis kong sabi.

"Walang magsasayang ng oras na turuan ang lowest section. Pinakamababa nga diba? Ibig sabihin mga patapon lang tayo at walang kwenta. Kaya bakit nila tayo pag-aaksayahan ng oras?" Parang galit na sabi ng isang babaeng estudyante sa akin.

The Unfavored One Where stories live. Discover now