Prologue

22 0 0
                                    

Nakakadena ang mga kamay ko habang kinakaladkad ako ng mga royalties kung saan. Agad na nanlamig ang buong katawan ko ng makita kung saan kami ngayon.

Throne of judgement.

"Why are we here? Hindi tayo pwede dito. Mga studyante pa lang tayo!" Sigaw ko sa kanila.

Ang lugar na ito ay para sa tinatawag na extreme jugement. You are going to be destroyed here ultimately without a trace.

Sa kasaysayan ng mundo namin, isang beses pa lang may pinatawan ng extreme judgement. Dahil para gumana ito, kakailanganin ang kapangyarihan ng mga dugong bughaw sa bawat kaharian.

Sobrang sama ko na ba at ito ang gagawin nila? Napangiti ako ng mapakla. Oo nga pala. Nasaktan ko ang pinakamamahal nilang prinsesa.

Itinali nila ako gamit ang malalaking kadena sa isang poste. At unti unti na silang pumunta sa posisyon nila.

"Brother, don't do this to me! Oo. Sinaktan ko si Princess Charmaigne. Pero hindi ko naman siya gustong patayin!" At nagawa ko lang yun dahil sa sobrang inggit. I pleaded with my brother. But they seemed deaf to my cries.

"Shut up, Celestial Blaze! Masyado ka ng masama. Kailangan mo ng mawala." Malamig na sagot nito.

Hindi ako makapaniwala. I'm their sister yet they agree to do this to me.

Isa isa ko silang tiningnan. Ang mga kapatid ko. Ang matalik kong kaibigan na si Florence. Ang mga myembro ng royalties.

At lalaking mahal ko at ang dahilan ng lahat ng to'. Theo Frazen.

Isa lang ang nasa mukha nila. Desidido silang puksain ako.

They started chanting. Unti unti ko ng naramdaman ang sakit dahil sa ginagawa nila pero hindi ako sumigaw. Dahil mas masakit keysa sa kamatayan ko ngayon ang isiping pinagkaisahan nila ang pagkamatay ko.

I closed my eyes and decided to accept my fate. But fate doesn't want to accept my destiny.

The Unfavored One Where stories live. Discover now