Special Chapter #2

Start from the beginning
                                    

"Hi Princess Saffraina!" nakangiting bungad niya samin.

"Oh, hi there too Sandiwu John. May plano ba kayong tumira dito ni Sandiwu Jayden at lagi kayong nandito dalawa." natatawang sambit ni Saffraina.

Oo, Saffraina. Kung pwede lang eh.

"Well, we visiting you kasi kaibigan ka namin eh." sagot ni John sakanya. Kaibigan? Ikaw lang yun kasi ako manliligaw ako.

Naiinis talaga ako sa presensya niya sa totoo lang. At ang araw na akala ko masosolo ko si Saffraina ay lalo pa kong nawalan ng pag-asa ng magsulputan lahat ng mga kaibigan namin at kasama na pinsan ko.

"Kaya naman pala wala ka sa Ovianad, nandito ka lang pala. Aba uso umuwi minsan at mapermi sa Ovianad ah." biglang sulpot ni Francine. Kaya medyo nagulat ako.

Andito na naman siya, para sirain ang araw ko. Di ko alam kung anong mali ginawa ko sa past life para makatanggap ng pinsan na napakagaling manira ng araw at mang-inis.

"Ay kaya pala nung isang araw nasa Aegisfling si Tita Jinri at naririnig kong nagkwekwento kay Ina na naiistress daw siya kay Jayden." gatong naman ni Brylle. Isa pa to, hindi ko alam kung anong nangyari pero after ng war naging magkaibigan kami. 

Actually lahat sila naging kaibigan ko. And madalas nagkakayaan dumalaw sa libingan to visit Allyson, Cheska and Blade. Naging part talaga ako ng barkada nila, kahit na hindi ko naman sila kasabay lumaki.

Dahil hindi naman ako dito sa Normsantadia lumaki at nanirahan. At di ko matanggap yung fact na pinsan ko din si John sa side ni Ina, kasi nga itinuring siyang kapatid ni Tito Joshua ng mawalay siya kina Tita Chariz - at hanggang ngayon di katanggap-tanggap sakin ang ideya na yun.

At isa pa sa nalaman ko na dahil nga magkapatid si Tito Joshua at Ina ay pinsan naman nila ni Ina si Tito Miguel - so ayun pinsan ko din si Clyde na ginawa ng bahay ang libingan. Lagi nalang siya nandun, dahil kay Cheska. Ganun niya kamahal si Cheska.

"Ayan kasi pre, uso umuwi ah. Di ka sa Alcania nakatira, sa Ovianad bahay mo." sabat naman ni Clyde. At pinagtulungan na nga ako.

At dahil dun ay nakatanggap ako ng batok mula kay Saffraina na katabi ko lang.

"Uso kasi umuwi. Sige ka baka hindi kita sagutin nan, nakakaturn off yan." sambit niya at binulong ang karugtong. Wala talagang nakakaalam sa mga kaibigan namin na nanliligaw na ko sakanya.

Kaya if sagutin ako ni Saffraina mukhang magugulat sila na kami na at tiyak kong magugulat sila if ever. Patuloy lang kami sa pagkwekwentuhan at pag-aasaran sa garden nila Saffraina ng mapansin ko si Mia na parang pangiti-ngiti lang sa gilid.

Hindi ko siya ganun kaclose, pero I know na bubbly personality niya kaya nakakagulat na ganto siya now. Pero pansin ko noon pa na parang may gusto siya kay John, na sobrang manhid at nakikipag-agawan pa sakin kay Saffraina.

Patuloy lang kami sa pag-uusap until nagkakayaan mag spin the battle. At una itong tumapat kay Mia.

"Paano ba yan pinsan, ako magtatanong ah?" nakangising sambit ni Clyde sakanya.

"Ayusin mo lang kundi hindi na kita ililigtas ever pag nagtatandem si Tita Coleen at Ina na sermunan ka." pambabanta ni Mia sakanya. Well, simula ng mawala si Tito Matt at Tito Miguel. Pinagtulungan na ni Tita Coleen at Tita Catana ang pag-aalaga sa mga anak nila. 

Eh dahil sa makulit tong si Clyde at sakit sa ulo, lagi siyang nasesermunan nila Tita.

"Oo na. Truth or Dare muna?" Clyde said and asked. Saglit na nag-isip si Mia at tsaka sumagot.

"Truth siyempre, wala akong energy para sa dare ngayon." sagot ni Mia sakanya.

"May gusto ka ba sa isa sa mga kabarkada natin?" seryosong tanong ni Clyde sa pinsan na nagpatigil kay Mia.

Saglit na katahimikan ang namayani sa amin at wala miski isang nagsalita at inaantay ang sagot ni Mia, na tila nagdadalawang isip kung ano isasagot niya.

"Oo meron. Pero may iba siyang gusto." nakangiti ngunit ramdam ang lungkot na sagot niya.

Confirm. It's John.

After ng sagot ni Mia ay tahimik talaga kaming lahat pero binasag ni Jennifer ang katahimikan na yun at naglaro muli kami.

Masaya talaga ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala ang mundo ng Normsantadia. Ang mundo ni Ina - at kung hindi ako napadpad dito baka hindi ko nakilala si Saffraina.

At kung papipiliin ako kung sa mundo ng mga tao o dito? Well I choose Normsantadia.

Dahil dito ko palang naeenjoy ang pagiging kabataan ko, na hindi ko nagawa sa mundo ng mga tao. 

Dahil pagkagraduate ko ng college ay nagtrabaho na ko agad. Well I guess, Normsantadia heal my inner child, that I missed.



Savage SandiwaWhere stories live. Discover now