Pag-upo ko sa study table ko ay nakita ko yung mga pinamili ko kahapon sa bayan, yung fish crackers na pinag-awayan pa namin nung kaibigan ni Lexi, nakaraan fishball ngayon naman yung fish crackers, kung hindi lang talaga siya babae baka kung ano ng nagawa ko sa kaniya.

Napangiti ako ng maalala ko yung mukha niya, ang sungit-sungit kase tapos lagi pang magkasalubong yung kilay kapag galit, she's really cute.

Kinabukasan maaga akong lumabas ng bahay para makapag jogging bago pumunta ng school para sa training namin, napaalam na rin naman kayla Mama at Papa. Habang tumatakbo ay 'di ko napansin na napunta na pala ako sa park dito sa bayan, dahil nagugutom na rin ako ay pumunta muna ako sa isang tindahan para magkape, yung maghuhulog ka lang ng limang piso may kape kana, bumili rin ako ng tinapay para may partner ang kape ko.

Pagkatapos kong bumili ay umupo muna ako sa isang bench dito sa park, may mga bata akong nakita na naglalaro ng badminton, gusto kong sumali kaya tinapos ko kaagad ang kape at tinapay ko.

"Hi kuya, ikaw pala yan, laro po tayo?" Napangiti ako ng makilala ako ng mga bata.

"Sige ba," sagot ko naman.

Puro lang ako tawa habang kalaro sila, minsan naman ay tinuruan ko sila kung paano yung tamang paghampas ng shuttlecock.

"Alam mo kuya may magandang babae rin dito ang naglalaro ng badminton, kagaya mo rin po siya, magaling din po," biglang sabi ni Angel.

"Really? Maganda?" Pabiro kong tanong sa kanila, sabay-sabay naman silang tumango. "Magaling kaysa sa akin?" Tumango ulit sila. "Oh, gusto ko siyang makalaban," nakangiti kong dagdag.

"Mamaya kuya, pupunta yun dito, lagi din yung nakikipaglaro sa amin eh, sabi niya bibigyan niya daw po kami ng maraming raketa at shuttlecock," nakangiting dagdag ni Angel.

Yamanin naman pala ng babae na yun eh. Maghihintay pa sana ako ng matagal kaya lang biglang nag text si Josh na kailangan daw kami sa school kaya nagpaalam na ako sa mga bata na sa susunod na araw na lang.

Hindi pa pala tapos yung event ng school, akala ko hanggang kahapon lang kaya dali-dali akong nag-asikaso. Sumabay na ako kay Papa maglakad dahil madadanan niya lang din naman yung school, naka motor kami, angkas niya ako.

Pagdating ko ng school ay dumiretso kaagad ako ng sports club, nakita ko doon si Ajero na naka-upo habang nakikinig kay Pres. Umupo ako sa tabi niya at nakinig na lang din, nginitian niya naman ako kaya ganon din ang ginawa ko sa kaniya.

Sana lang hindi niya mahalata na may gusto ako kay Xiena, hindi naman siguro kase hindi naman kami close. Nang matapos ang meeting namin ay dumiretso ako sa field kung saan kami magpa-practice.

Kalaban ko yung isa sa mga magagaling sa amin, this not my first time na sumali pero hindi ako nilalaban sa SSA dahil magagaling daw yung mga player's doon, wala silang tiwala sa akin. Tinatanggap ko na lang kase wala naman akong magagawa, lahit gustong-gusto kong maglaro hindi ako pinapayagan ni coach.

"Ang galing mo Cian," puri nito sa akin ng matalo ko siya. Nginitian ko lang siya at umupo na sa bench, kailangan pa naming sumali sa event dahil mayron din kaming booth doon.

"Cian tara na?" Sumunod ako kay Migz ng yayain niya ako.

Actually wala akong permanenteng kaibigan maliban may Josh na nasa Music club, kung wala lang sana doon si Xiena malamang na nandoon din ako.

Pinapanuod ko lang sila na tumugtog sa stage, nakatingin lang ako kay Ajero at Xiena sa malayo habang nagtatawanan at nagbibiruan silang dalawa. Sana pala noon pa ako nagpakilala kay Xiena.

"Shit!" Napatingin ako sa babaeng nagsalita, nakatayo lang kase ako habang nakatingin sa stage, nasa likuran ko naman siya, nakayuko siya habang pinupunasan yung damit niya na natapunan ng mango shake. Dinukot ko yung panyo sa bulsa ko at inabot sa kaniya.

"Here," dahan-dahan naman niyang tinaas ang ulo niya at nagulat ako ng makilala ko kung sino yung babae na yun. "Nevermind." Bigla kong bawi.

Napangiwi naman siya ng bawiin ko yung panyo sa kaniya, hindi niya deserve ang panyo ko, sa kamalditahan niya ba naman na yan.

"Excuse me?" Maarte nitong tanong.

"Deserve mong mabuhusan ng shake, maldita ka kase," halos matawa ako sa itsura niya ng makita ko siyang inis na inis na.

"Hindi ko naman hinihingi ang tulong mo, ikaw nga itong nagpahiram ng panyo tapos babawiin mo rin," reklamo niya naman.

"Kung alam ko lang na ikaw yan hindi ko na ipapahiram sa'yo, malay ko bang ikaw pala yan Miss Maldita," sagot ko naman.

"Arghhh, kainis!" Bigla siyang tumalikod kaya sinundan ko siya.

"You really don't need this?" Pang-aasar ko pa sa kaniya.

"I don't, bibili na lang ako ng tissue sa cafeteria," inis niyang sagot sa akin.

"Walang tissue doon," sagot ko naman. Napapadyak siya dahil sa mahina kong tawa.

"Ano ba namang school 'to, pati tissue wala tapos may basura pang estudyante." Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Sino naman yung basurang estudyante na tinutukoy mo?" Taas kilay kong tanong.

"Ede yung nagtanong," inirapan niya ako at nag cross arm pa.

"Here, I'm not a thrush Miss, Cian nga pala," pakilala ko.

"Hindi ko tinatanong ang pangalan mo," inis niyang kinuha ang panyo sa kamay ko at pinunasan niya na ang damit niya, puti pa naman yun kaya halata ang dilaw na stain noon.

Dahan-dahan kong binuksan ang bag ko at kinuha ang jacket mula doon.

"Use this, hindi matatanggal sa punas yang mantya sa damit mo, ang panget tingnan dahil puti yang damit mo," nagdadalawang isip pa ata siya kung tatanggapin niya ba o hindi ang jacket ko, per sa huli ay tinanggap niya pa rin.

"Ibabalik ko na lang kapag nagkita tayo ulit," sabi niya pa.

"No need, sa'yo na yan, baka hindi na rin tayo magkita, mauna na ako," paalam ko sa kaniya.

"T-Thank y-you," pahabol niya sa akin, kinawayan ko lang siya ng hindi humaharap sa kaniya.

Yung panyo at Jacket ko napunta sa malditang babae na yun.

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora