Pero shit lang, nagalit ako sakanilang lahat all these years tapos eto pala ang totoo. No one betrayed me, they all can't break kung ano ang itinakda. What the hell Kyline?

"Hindi ko alam sasabihin ko, I really lost my words. Pero tangina Clyde, napakaraming beses na pwede mo sabihin ang totoo pero hinayaan mo kong paniwalaan kung ano yung gusto kong paniwalaan na isa kang gago at niloko mo. Pero eto pala ang totoo, hinayaan mong maging masama ka sa paningin ko. At hinayaan mong magalit ako sa inyong lahat, tangina!" hindi makapaniwalang bulalas ko, at umiyak. Nagulat nalang ako ng mapansin ko na lahat ay nandito, kabilang na si Brylle na nasa tabi ko na pala at inaalo ako.

At dahil nandito na sila lahat, lulubusin ko na. Kaya isa-isa ko silang nilingon.

"Bakit hinayaan niyo kong maniwala sa mga kasinungalingan? Bakit hinayaan niyo kong magalit sainyo? Bakit? Alam niyo kung gaano kayo kaimportante, at nung araw na akala ko ginagago niyo ko lahat. Nakita niyo kung paano ako nagalit sainyong lahat, I even cut the friendship we all have. Tangina, bakit?" umiiyak na sigaw ko sakanilang lahat. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon, at hindi ko alam kung paano pa ihahandle ito. Pero isa lang ang alam ko, ang sakit-sakit. At nakakapanghinayang ang maraming taon na binuhos ko ang galit ko sakanila knowing na kailangan nila gawin yun.

"Sana mapatawad mo kami, Kyline. We are all immature that time, kaya hindi natin alam kung anong tama at mali that time. Alam mo din kung gaano ka kaimportante samin, alam mo din na our squad or this group will never be the same without you. Araw-araw namimiss ka namin, araw-araw namimiss namin ang dating Kyline na kaibigan namin.." garalgal na sambit ni Cheska sakin. "..sorry dahil ako pa naging dahilan para masaktan ka, sorry kasi wala akong nagawa to stop that f*cking destiny." dagdag niya pa.

"Hinayaan ka namin kasi sarado utak mo sa paliwanag mo that time, Kyline. Kaya kahit maraming pagkakataon na pwede naming sabihin ang totoo sayo ay hindi namin ginawa. Dahil sarado ang utak mo, bilang Kuya niyo hindi ko din gusto niyo kinahantungan ng pagkakaibigan natin. Gusto ko sila pigilan that time, pero huli na dahil bago pa kami makapagplano para walang masaktan at hindi kayo maghiwalay ni Clyde eh nalaman mo na at nasaktan ka na namin. Sorry for not doing anything that time." malungkot na sabat naman ni Kuya Gabriel.

"Sorry Ky, for not doing anything that time. I remember that time, Francine try to pursue me to tell you the truth dahil pinsan nga kita. Pero di ko din alam kung bakit ang gago ko din that time kasi I never tell the truth that time. Sorry!" sabi ni Jaryl at napansin ko naman ang pag-alo ni Francine sakanya. Wow, may ganung eksena pala dati. Francine never side with anyone that time. Bata pa namin nun, pero siya ang nag-iisang mature mag-isip that time.

Lahat sila ay nagsorry at humingi ng pasensya. Dahil lahat sila ay walang ginawa para malaman ko ang totoo, pero tila ginulat ako ni Allyson sa sinabi niya.

"Ky, ngayon ko lang aaminin to. Pero ang daya mo, you always won the guy I want. Pero kahit ganun I never ako nagalit sayo kasi alam kong wala kang kasalanan ko, kung ikaw yung ginugusto ng taong nagugustuhan. At nung mangyari lahat yun, yes bestfriend ko si Cheska pero ilang beses ko din siyang sinabihan na sabihin ang totoo sayo. Kasi ayoko din ng nangyayari. We are not that close, pero I do love you as my friend. Dahil bata palang magkakasama na tayo." nakangiti ngunit ramdam ang lungkot sa mga mata niya. Napansin ko naman si Blade sa tabi niya. It's look like you will win this time, Allyson at masaya ako na sa pinsan ko ikaw mahuhulog this time. Hindi ko talaga alam na nagkagusto siya kay Clyde then kay Brylle.

Ang dami ko pala talagang hindi alam.

"So ano okay na ba tayo este kayo?" sabat ni Serenity.  Kaya medyo natawa ang lahat sakanya. At napansin ko naman si Jennifer na kabangayan na naman si Mia, habang si Kyle ay parang nauubos na pasensya. Ang alam ko kasi tuwing mag-aaway yung dalawa si Kyle ang umaawat. Dahil may gusto raw itong si Kyle kay Jennifer.

Savage SandiwaWhere stories live. Discover now